![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Alam niyo, makikita ninyo ang putaheng ito sa mga menu ng alinmang restawran sa Tsina, maging ito ay mamahaling restawran o simple at maliit na kainan. Ito ay talagang katanggap-tanggap at klasikang lutong-bahay na ulam.
Nakuha ng Yu-Shiang Shredded Pork ang pangalan nito mula sa seasoning na "yushiang," isang uri ng tradisyonal na pampalasa sa lutuing Sichuan. Ito ay may lasang isda, pero ang lasang ito ay hindi mula sa isda kundi sa maanghang na sili at sa shallot, luya, bawang, asukal, toyo at iba pang pampalasa. Bilang resulta, ang lasa nito ay maalat, maasim, matamis, maanghang at sariwa.
Kung may magtatanong sa inyo kung bakit walang isda sa putahe, kailangang ipaliwanag ninyo nang mabuti ang dahilan.
Pangunahing Sangkap:
200 gramo ng lean pork
Isang piraso ng berdeng bell pepper (mga 100 gramo)
Isang piraso ng karot (mga 100 gramo)
Mga Pampalasa:
30 gramo ng vegetable oil
20 gramo ng tuyong paminta
20 gramo ng asukal
10 gramo ng suka
10 gramo ng toyo
5 gramo ng asin
10 gramo ng cooking wine
50 gramo ng blackwood mushroom (marinated)
10 gramo ng durog na shallot
5 gramo ng dinikdik na luya
20 gramo ng cornstarch and water mixture
Paraan ng Pagluluto:
Hiwain ang karne, karot at bell pepper sa hugis na parang chips, tapos pulbusin ang durog na paminta.
Mag-init ng mantika sa kawali at pagkaraan, ihulog ang hiwa-hiwang karne at igisa. Kung katamtaman na ang pagkakaluto ng karne, ihulog ang karot at bell pepper.
Kapag nalanghap na ninyo ang masarap na amoy na nagmumula sa sili, isunod ang shallot, luya, toyo at cooking wine.
Lagyan ng asin, asukal at mixture of cornstarch and water at haluing mabuti. Pagkatapos, ituloy at paggisa. At kung pantay na ang pagkakagisa, puwede nang isilbi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |