Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-Huayao Bride in Shangri-La

(GMT+08:00) 2012-07-17 11:06:52       CRI

Magkababata at kakakasal lang nila Fengmei at A-long. Pero dahil sa tradisyon ng mga Hua Yao Yi, bawal silang tumira sa ilalim ng isang bubong. Kailangan nilang maghintay ng 3 taon bago sila mamuhay bilang mag-asawa at magsiping. "Returning Home" ang tawag sa tradisyong ito sa Ingles. At ito ang kwento ng Hua Yao Bride in Shangri-la.

Poster ng pelikula

Ipinakita sa buong pelikula ang kultura at pamumuhay ng mga katutubong Yi, isang cultural minority sa Tsina. Nakakatawag pansin ang mga kasuotan dahil makulay ito at ang disenyo ay hango sa mga bagay na nakikita sa kapaligiran.

Sa ilang bahagi ng pelikula imbes na nagpapalitan ng linya ang mga bida, nakaka-gulat dahil ang sagutan ay idinadaan sa pag-awit. Nakakatawa ang iringan nila A-long at A-Cong dahil sa pakantang paraan ng mga Yi ito dinaan.

Si ZHANG Jing Chu bilang Feng Mei

Si YIN Xiao Tian bilang A-Long

Sa modernong panahon, may katuturan pa ba ang mga sinaunang tradisyon ng mga Yi? Inilahad ito ng direktor na si Zhang Jia Rui. Hindi kumplekado ang kwento ng Hua Yao Bride in Shangri-la. Isa itong love story na may selosan, tampuhan at di pagkaka-unawaan. Pero nagpakita din ito pagpapahalaga sa pagkakaibigan, pagkaka-isa at pagtanggap sa pagkakamali.

Bagong kasal na sina A-Long at Feng Mei

Kaaya-aya ang pelikula dahil sa pagganap ni Zhang Jing Chu bilang Feng Mei. Kahit na sinusuway na nito ang tradisyon ng kanyang lahi, nagkakaroon ng katuturan ang kanyang pagre-rebelde dahil naninindigan siya para sa tama.

CAST

ZHANG Jing Chu bilang Feng Mei

YIN Xiao Tian bilang A-Long

CUI Zhe Ming bilang A-Cong

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>