Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senate President Enrile, may payo kay Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2012-07-19 18:55:18       CRI

PINAYUHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na huwag ng banggitin ang 'di pagkakaunawaan ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough (Panatag) Shoal sa ikatlong State of the Nation Address sa Lunes.

Isa umanong sensitibong national security problem ang isyu kaya't mas makabubuting huwag nang banggitin pa ito. Ang pahayag na ito'y narinig kay Ginoong Enrile sa regular na media forum sa Senado ng Pilipinas.

Hindi rin naman niya iminumungkahi ang "back-channeling" sapagkat ang kaharap ay isang mayaman at malakas na bansa. Peligroso umano ang prosesong ito, dagdag pa ni Senate President Enrile.

Sa halip na banggitin ang Tsina, mas makabubuting paunlarin ang relasyon ng Pilipinas sa mga itinuturing na kaibigan nito upang huwag nang lumago pa ang 'di pagkakaunawaan.

PALATUNTUNANG PANGKAPAYAPAAN AT SEGURIDAD, TUTUSTUSAN NG PAMAHALAAN SA 2013

AAGAPAY at tutugon ang Pambansang Budget sa 2013 sa pagsusulong ng kaayusan at seguridad sa bansa. Ito ang tiniyak ni Budget and Management Secretary Florencio Abad.

Bahagi umano ito ng Social Contract with the Filipino People ni Pangulong Aquino ang pagsuporta sa mga palatuntunang maghahatid ng kapayapaan at kaunlaran at maayos na tanggulang pambansa at mlakas na hudikatura.

Pananatiliin ni Pangulong Aquino ang seguridad ng bansa at pagpapatibay sa rule of law, ani Kalihim Abad. Nakasalalay ito sa kakahayang mapanatili ang pagkilala sa batas sa buong bansa. Ang lahat ng mga ito ay mayroong epekto sa kabutihan ng lahat ng mga Pilipino, partikular na ang mga mamamayan na nasa peligro, nakakaranas ng kawalan ng katarungan at napapagitna sa mga sagupaan sa panig ng pamahalaan at mga kalaban nito.

Sinabi ni Kalihim Abad, ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay tatanggap ng P 121.6 bilyon. Aabot sa P 47.2 bilyon ang sasaklaw sa internal security activities. Mayroon ding P 2.1 bilyon para sa territorial defense initiatives. P 5.0 bilyon ang ipapasok sa Philippines Modernization Program na katatagpuan ng makabagong kagamitan, sasakyang-dagat at mga eroplano.

Nakatakda ring tumanggap ang Kagawaran ng Transportasyon at Philippine Coast Guard ng dagdag na budget upang madagdagan ang kakayahan makapaglitas ng mga nagiging biktima ng mga sakuna.

PILIPINAS, KAILANGANG PALAKASIN ANG MGA PROGRAMA LABAN SA PANDAIGDIGANG KRISIS

ANG paggastos ng bansa sa malalaki't malilit na negosyo sa mga pagawaing-bayan, edukasyon at kalusugan ang maghahatid sa Pilipinas ng pagkakataong mapanatili ang isang kapani-paniwalang kaunlaran na pakikinabangan ng mahihirap.

Ito ang nilalaman ng Philippines Quarterly Update na ipinalabas ng World Bank kanina. Ayon sa ulat, ang mga repormang ito ay mahalaga kung patuloy na lalala ang problema sa ekonomiya ng Europa.

Ayon kay Country Director Motoo Konishi, sa lumalalang global scenario, ang investments sa pribadong sektor ay kinakailanganupang mabawasan ang dagok ng pandaigdigang krisis, mapanatili ang pag-unlad at makapagbigay na mas maraming hanapbuhay sa mga mamamayan.

Sa panig ni Binibining Soonhwa Yi, ang may akda ng ulat, ang pagkakaroon ng nakapag-aral, mas malusog at may kakayahang manggagawa ang magpapasigla ng productivity at magbibigay sa mga kumpanya na pagkakataong magkaroon ng mas mataas na kalakal at magsusulong ng ekonomiya.

Tinataya ng PQU na lalaki ang ekonomiya at matatamo ang 4.6% growth rate sa taong 2012 dahilan na rin sa mas malakas na performance sa unang tatlong buwan ng taon.

PAGTITIPON NG MGA KABATAAN PARA KAY BEATO PEDRO CALUNGSOD IDARAOS

GAGAWIN sa ika-26 ng Setyembre ang isang malaking pagtitipon ng mga kabataan bilang paghahanda sa napipintong canonization ni Beato Pedro Calungsod sa darating na Ika-21 ng Oktubre sa Vatican City.

Isa sa mga aktibidad na isasagawa ay symposium, konsiyerto at mga pagtatanghal ng iba't ibang pamantasan at dalubhasaan sa Kalakhang Maynila. May aanyayahan ding tanyag na mang-aawit na mamumuno sa pagkanta ng awiting inihahandog kay Beato Pedro Calungsod.

Magkakaroon din ng pagdalaw ang imahen ni Pedro Calungsod sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na magmumula sa pagdating ng kanyang imahen mula sa Vatican City. Makakarating ang imahen niya mula Maynila hanggang Hilagang Luzon at Katimugang Luzon hanggang sa makaikot sa buong kapuluan. Magtatapos ang mga pagdalaw na ito sa darating na ika-30 ng Nobyembre na napapanahon sa Pambansang Araw ng Pasasalamat na pamumunuan ng Arkediyosesis ng Cebu sa huling araw ng Nobyembre.

Isang martir sa ngalan ng pananampalataya si Pedro Calungsod na pinaslang noong 1672 sa Guam sa kamay ng mga Chamoro. Sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas, si Beato Pedro Calungsod ay kinikilalang patron ng mga kabataan, katekista, manggagawang Pilipino sa ibang bansa, layko, sacristan. Kasama ni Pedro Calungsod si Fr. Diego Sanvitores noong mapaslang sa timog Pasipiko.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>