Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya pa rin ang susi sa "krisis" sa South China Sea

(GMT+08:00) 2012-07-20 21:27:23       CRI

HIGIT na makikinabang ang Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pag-uusap. Ito ang sinabi ni Professor Huang Jing na panauhing tagapagsalita sa isang academic forum sa Malcolm Hall ng University of the Philippines College of Law kaninang umaga.

DIPLOMASYA ANG SOLUSYON SA 'DI PAGKAKAUNAWAAN.  Ito ang mensahe ni Dr. Huang Jing na naging panauhing tagapagsalita sa isang academic discussion tungkol sa nagaganap sa South China Sea/West Philippine Sea.  Idinaos ang talakayan sa Malcom Hall ng University of the Philippines' College of Law.

Ayon kay Dr. Huang, ang pagpaparamdam ng mga Amerikano sa West Pacific ay maituturing na bahagi ng kanilang estratehiya upang magkaroon ng mas malaking pakinabang (leverage) mula sa kapwa mauunlad na bansa tulad ng Tsina.

Ang Estados Unidos ay natuto na sa kahalagahan ng karagatan sapagkat naging malagim na karanasan nila ang pagkapinsala ng Pearl Harbor noong Ikawalang Digmaang Pangdaigdig. Nagtagumpay ang mga Hapones na mapasok ang mga bansa sa Timog Silangang Asia.

Mahalaga umano para sa mga Amerikano ang West Pacific sapagkat hindi na nila kailangan pang maglakbay ng malayo upang marating ang mga bansa sa Gitnang Silangan, dagdag pa ni Dr. Huang.

Ito rin ang pagtingin ng Tsina sa South China Sea kaya't sa pananaw ng marami ay mainit ang situasyon sa bahaging ito ng daigdig, tulad na rin ng kahalagahan ng Scarborough Shoal o Huangyan Island.

Bilang isang academician, sinabi Prof. Huang na malaking pagkakamali ang nagawa ng Pilipinas ng magpadala ito ng barkong pandigma upang sawayin ang mga mangingisdang Tsino sa Scarborough Shoal noong nakalipas na Abril. Sa pagpapadala ng pinakamalaking barkong pandigma ng Pilipinas, naglabas ito ng "subliminal message" na handa itong makidigma sa Tsina.

Iba naman ang naging tugon ng Tsina sa pangyayari noong Abril sapagkat ang ipinadala nito ay mga barkong mula sa kanilang Coast Guard na walang mga sandata at nagpapakita ng walang anumang magaganap na karahasan. Ang tingin ng Tsina ay isang maliit na insidente lamang ito, dagdag pa ni Dr. Huang.

Kinikilala na ng Tsina na sakop nila ang South China Sea sapagkat itinatag nito ang Sansha City kamakailan.

Binanggit din ni Dr. Huang na isinasaad sa Mutual Defense Treaty sa pag-itan ng Pilipinas at Estados Unidos na tutulong ang Amerika kung mayroong mananalakay sa Pilipinas. Subalit kung magkakaroon ng putukan sa South China Sea na kilala bilang "international waters," walang aasahang tulong ang Pilipinas mula sa Amerika.

Mayroong ilang mga bagay na dapat kilalanin ang mga nagsusuri sa mga isyu sa South China Sea, ayon kay Dr. Huang. Ang mga ito ay ang patuloy na paglago ng Tsina bilang isang pandaigdigang "super power" sa larangan ng ekonomiya. Isang bagay pa ring dapat isaalang-alang ay ang hindi pagkakaroon ng iisang tinig sa Association of Southeast Asian Nations laban sa Tsina. Dapat ding pag-aralan kung tunay bang tutulong ang Amerika sa mga bansang nasa timog silangang Asia laban sa Tsina.

Idinagdag pa ni Dr. Huang na ang Estados Unidos at Tsina, sa pinakahuling bilateral meetings ay walang binanggit tungkol sa South China Sea bagama't nababahala ang magkabilang-panig sa mga nagaganap sa Syria.

Mayroon umanong "strategic ambiguity" ang malalaking bansa kaya't hindi mababatid ng madla kung ano ang kanilang tunay na binabalak. Isusulong ng Tsina ang "multilateral approach" upang magkaroon ng pagtutulungan at kooperasyon. Ngunit kung nais ng Tsina na magkaroon ng kaukulang solusyon sa problema, kailangan ang "bilateral approach" na magiging kapaki-pakinabang.

Bilang pangwakas, sinabi ni Dr. Huang na diplomasya pa rin ang pinakamahalang paraan upang malutas ang anumang sigalot. Kung nais umano ng mga bansa sa timog silangang Asia na kilalanin sila bilang isang kapani-paniwalang samahan, marapat lamang na sila'y magkaisa.

Nagtapos si Dr. Huang ng kanyang PhD sa Harvard University at isang Brookings Institute Fellow. Nagtuturo siya sa Lee Kuan Yew School of Public Policy ng National University of Singapore at pinuno ng Center on Asia and Globalization.

Kasama niya si Chen Huaiyuan, isang Research Associate sa Lee Kuan Yew School of Public Policy at dalubhasa sa mga paksang may kinalaman sa Tsina, lalo't higit sa culture, soft-power, international conflict resolution at confidence-building measures sa pamamagitan ng cultural exchanges. Mayroon siyang Bachelor's and M. A. sa Duke University at ngayo'y isang PhD candidate sa University of Pennsylvania.

Binuo ang academic event na ito ni Senador Francis G. Escudero na Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

BAGONG GRANT MULA SA EUROPEAN UNION PARA SA PEACE PROCESS SA MINDANAO

MATAPOS ang pagtanggap ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa 'Decision Points on Principles", na kinakitaan ng progreso sa negosasyon, may inilaan na ang European Union na siyam na milyong euro o P 460 milyong piso upang suportahan ang peace process.

Lalawak ang suporta ng European Union sa mapayapang negosasyon at pagpapatupad ng kasunduan sa susunod na tatlong taon sa pamamagitan ng paglahok nito sa International Monitoring Team.

Mamumuno pa rin ang European Union sa Humanitarian, Rehabilitation and Development Component ng International Monitoring Team at magdaragdag ng tulong sa local at international Non-Governmental Organizations na bumubuo ng Civilian Protection Component. Magbibigay din ito ng funding sa International Contact Group sa pamamagitan ng informal non-governmental coordinator at susuporta pa rin sila sa confidence-building measures kabilang na rin ang paglilinis ng mga hindi sumabog na bomba at mina, at pagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan at iba't ibang larangan na kakailanganin.

Ayon kay Ambassador Guy Ledoux, layunin ng European Union na matulungan ang magkabilang panig na magkaroon ng payapang kalutasan ang matagal nang digmaan upang makarating ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao na pakikinabangan din ng buong bansa.

Sa pamamagitan ng kontribusyong ito, umabot na sa 13 milyong Euro o P660 milyon na ang naitulong ng European Union sa peace process.

KAHIRAPAN, NANGUNGUNANG DAHILAN KAYA'T NANGINGIBANG-BANSA ANG MGA PILIPINO

WALA pa ring pagbabago sa Pilipinas kaya't ang malubhang kahirapan ang dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino. Nakikita ito sa patuloy na pagdami ng mga umaalis ng bansa.

Isa lamang ito sa mga dahilang napuna ng mga pari, madre at layko na naglilingkod sa mga manggagawang Pilipino mula sa 38 bansa na nagtipon kamakailan upang suriin ang kanilang mga kinakaharap na mga suliranin.

Masakit pa ring tanggapin na ang paglabag sa mga karapatan ng mga migranteng manggagawa ay nagpapatuloy at mas madalas na nagaganap. Hindi pa rin mapigil ang human trafficking, illegal recruitment at ang hindi makatarungang kondisyon ng paggawa.

Nabatid rin ng mga dumalo sa 6th International Consultation Meeting on the Filipino Ministry Worldwide, na maryoon pang mga agwat sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa mga migrante. Kailangan ding mapalalim pa ang pananampalataya ng mga migranteng Pilipino, dagdag ng mga lumahok sa pagtitipon. Ang mga supling ng mga migrante sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay nangangailangan ng ibayong pag-agapay upang mapalakas ang kanilang moral at spiritual values.

Nababahala ang mga lumahok sa patuloy na pagbaba ng pagpapahalaga sa kultura't tradisyon ng mga Pilipino, particular sa mga nangibang-bansa.

Ayon sa mga lumahok sa konsultasyon, kailangang matulungan ang mga migranteng manggagawa tungkol sa financial literacy program, makagawa ng mga artikulo sa buhay pananampalataya, manawagan sa mga angkop na tanggapan ng pamahalaang daluhan ang mga pangangailangan ng mga migrante.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>