|
||||||||
|
||
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Confucius? Sa Tsina ilan sa kanyang pagkakakilanlan ay guro, politician at philosopher na may akda ng The Spring and Autumn Annals.
Poster ng pelikula
Ang kanyang mga aral ay laman ng librong "Lun Yu" o The Annalects of Confucious na isinulat ng kanyang mga estudyante. Ito ay kabilang sa aklat na pinag-aaralan ng mga Middle School students sa Tsina.
Si Zhou Yun-fat, bilang Confucius sa pelikula
At noong 2010, ginawa ni Hu Mei ang pelikulang Confucius. Starring ang sikat na actor na si Chow Yun Fat.
Madaming mga artista ang kabilang sa pelikula. Ilan sa cast ay sina Zhou Xun, Chen Jianbi, Ren Quan, Lu Yi, Yao Lu … at maraming marami pang iba. Ang theme song ng pelikula na "Solitary Orchid"ay inawit ni Faye Wong. Base ito sa ancient work ng poet na si Han Yu.
Si Zhou Xun, bilang Nanzi sa pelikula
Dalawang oras ang pelikula, at ito'y isang "biopic" na nagpakita sa buhay ni Confucius simula sa edad na 51 kung saan nagsimula ang kanyang panunungkulan bilang pulitiko hanggang sa kanyang kamatayan.
Sa iba't-ibang eksena matututunan ang pananaw ni Confucius tungkol sa moralidad, angkop na relasyong panlipunan, hustisya at sinseridad. Pinahahalagahan nya ang paggalang sa nakatatanda, maging ang katapatan sa pamilya. Isa sa pinakakilalang aral ni Confucius ay "Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo."
Sina Zhou Yun-fat at Zhou Xun sa pelikula
Mahirap gumawa ng isang biopic lalo pa kung ang bida ay tulad ni Confucius dahil ang lahat ng aksyon sa buhay niya ay mula sa kanyang talino at mga ideya. Pero nagawa ni Hu Mei na gawing interesante ang pelikula, lalung lalo na noong panahon na sya ay desterado at kung saan-saan naglalakbay.
Isa pang di malilimutang eksena ang pagtatagpo ni Confucius at ni Nanzi, papel ni Zhou Xun. Ito'y eksena ng seduction at bilang manonood aabangan mo talaga kung bibigay si Confucius sa alindog ni Nanzi.
Estatuwa ni Confucius sa Shandong Province, China
Malaking bagay din na kabilang sa crew ang Oscar-Award winning cinematographer na si Peter Pau dahil kapag nagiging mabagal na ang istorya nalilibang ka sa magagandang kuha ng eksena.
Balanse ng pelikulang Confucius, meron itong ang substance at entertainment. Kung fan kayo ng kasaysayan at drama, magugustuhan nyo ang pelikulang ito. Swak ang papel kay Chow Yun Fat kahit marami ang nagdududa sa kanyang kakayanang magsalita ng purong Putonghua o Mandarin. Nabigyan ng beteranong actor ng buhay ang papel bilang isang sage na ang tanging nais ay makapagturo sa huling yugto ng buhay pero sa isang kondisyun … huwag nang muling masangkot sa gulo ng pulitika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |