|
||||||||
|
||
Walang nakikitang gulo ang malacanang sa karagatan
UMAASA ang Pilipinas na magkakaroon ng "mutual and diplomatic solution" sa tensyon sa mga bansang naghahabol sa mga kapuluan sa West Philippine Sea o
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Laceirda, isinasaayos na ng Association of Southeast Asian Nations ang isang buradol na "Code of Conduct on the West Philippine Sea."
Sinabi ni Kalihim Lacierda na ipinaabot na rin ng Tsina ang layunin nitong magkaroon ng mutual at diplomatic solution kaya't sa pagkakaroon ng code of conduct, makikita ang katapatan ng magkakabilang panig na maisawan ang tesnyon at mapapanatili ang payapa at diplomatikong paraan tungo sa pagtatapos ng 'di pagkakaunawaan sa Panatag Shoal o Huangyan Island.
Walang anumang pagbabadya ng magkakagulo at digmaan at tuloy pa rin ang payapang pag-uusap sa pagitan ng mga Pilipino at mga Tsino sa diplomatikong paraan at ipagpapatuloy ang "policy of de-escalation," dagdag pa ni Ginoong Lacierda sa kanyang briefing sa mga mamamahayag sa Malacanang kanina.
Dating pangulong arroyo, nakapag-piyansa, umuwi na
NAKALABAS na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula sa kanyang "hospital arrest" sa Veterans Memorial Medical Center sa Lungsod ng Quezon mga alas dos treinta y singko ng hapon. Magugunitang nabimbin ang dating pangulo sa pagamutan mula noong Disyembre matapos lumabas sa St. Luke's Medical Center dahilan sa kanyang karamdaman sa gulugod at buto.
Pumayag ang hukuman sa Lungsod ng Pasay na makapag-piyansa ang dating Pangulong Arroyo sa kasong "electoral sabotage" sapagkat walang sapat na ebidensya laban sa kanya. Dalawang iba pa ang akusado ng "electoral sabotage" noong 2007.
Nakapagpiyansa ang dating pangulo ng halagang P 1 milyong piso. Umuwi na ang dating pangulo sa kanyang tahanan sa
Kahit pa pinagpiyansa ang dating pangulo, hindi siya pinapayagang makalabas ng bansa. Magugunitang si Pangulong Arroyo, na ngayo'y 65 taong gulang na ay dinakip matapos magtangkang lumabas ng bansa sa
Magugunitang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, nangako siyang papapanagutin ang lahat ng nangulimbat sa kaban ng bayan. Akusado ang dating pangulo ng isang kontrobersyal na kontrata na magtatatag ng isang pambansang broadband system na pag-aari ng pamahalaan. Ipinagsumbong din ang dating pangulo ng pakikialam sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na nagkakahalga ng may $ 8 milyon.
Wala pang arrest warrants para sa dalawang usaping ito.
Sa panig ng Malacanang, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ni Pangulong Aquino na nagulat sila tulad ng karamihan ng mga Pilipino sa desisyon ni Hukom Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court na makapag-piyansa ang dating pangulo.
Ipinaliwanag ni Kalihim Lacierda na ang Comelec ang nagreklamo at hindi ang Malacanang laban kay Ginang Arroyo.
May kalayaan ang Hudikatura sa Ehekutibo subalit ikinalungkot nila ang naganap na desisyon na payagan ang dating pangulo na mag-piyansa.
Sinabi ni Kalihim Lacierda na wala silang magagawa sa pangyayaring ito. Tuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa corruption at hindi magbabago ang programa ng pamahalaan laban sa pangungulimbat.
Pinuno ng sandatahang lakas ng east timor, nasa pilipinas
DUMATING sa Punong Himpilan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas si Major General Lere Anan Timur upang isulong ang bilateral military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng kanyang bansa.
Nakausap ni General Jessie Dellosa si General Timur ngayong araw na ito. Dumalaw din ang panauhin sa tanggapan ni Kalihim Voltair Gazmin ng Tanggulang Pambansa at nagkaroon ng briefings sa Command General Staff College, National Defense College of the Philippines at maging sa AFP Medical Center.
Dadalaw din siya sa Philippine Air Force at maging sa Philippine Navy. Magtatagal ang panauhin ng Pilipinas ng limang araw. Nakatakdang dumalaw si General Timur sa Northern Luzon Command at iba pang military installations.
Mula noong deklarasyon ng kalayaan ng Timor Leste noong 2002, patuloy ang isinasagawang reporma sa loob ng kanilang sandatahang lakas sa tulong ng international peacekeeping forces.
Rh bill, isyu sa darating na halalan
DADALHIN ng Simbahang Katoliko sa mga botante ang isyu ng reproductive health sa darating na halalan.
Ayon kay Msgr. Joselito Asis, secretary general ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, taal ang pagsalungat ng Simbahan sa panukalang batas at gagawin nito ang lahat hanggang sa mangampanya laban sa mga mambabatas na sumusuporta sa kontrobersyal na paksa.
Kahit pa hindi kabilang sa grounds for excommunication ang pagsuporta sa RH bill, sinabi ni Msgr. Asis na ang kinabukasan ng mga politiko ay nakasalalay sa mga botante. Ipinaalala niya na karamihan sa mga botante ay pawang mga Katoliko.
Kahit pa walang "Catholic vote" sa Pilipinas, ipinaliwanag niya na magiging isyu ang panukalang batas na ito sa mga paksang pag-uusapan sa darating na halalan.
Marami na umanong mga mambabatas na sumusuporta sa paninindigan ng Simbahan, dagdag pa ni Msgr. Asis
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |