|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
HANDA ang Pilipinas ayon sa kanyang kakayahan. Ito ang pahayag ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng makapanayam ng mga mamamahayag sa pagtatapos ng kanyang talumpati sa ika-114 na anibersaryo ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas kaninang umaga.
Sinabi ni Pangulong Aquino na hindi na siya magsasalita sa mga ginagawa ng ibang bansa sapagkat nasasakasihan naman ng daigdig ang nagaganap sa Panatag Shoal o Huangyan Island.
Idinagdag ni Ginoong Aquino na huwag na munang pansinin ang babala ng isang pandaigdigang think tank group na kilala sa pangalang International Crisis Group na ang tensyon sa Spratlys ay maaaring magwakas sa sagupaan.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na ang anumang mga pahayag tungkol sa posibilidad ng sagupaan ang maaaring magpalakas ng posibilidad.
Ayon sa militar, mayroong mga 20 bangkang pangisda na sinamahan pa ng dalawang naval frigates mula sa People's Liberation Army na nasa paligid ng Pag-asa Island, may 480 kilometer sa timog kanluran ng Palawan. Ang pinakamalaki sa limang pulo at mga mumunting pulo ay ang Pag-asa na mayroong 1.3 kilometrong paliparan.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na ang bansa at nararapat magsagawa ng ibayong pananaliksik sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa 'di pagkakaunawaan.
12 nasawi, lima ang sugatan sa serye ng mga sagupaan
LABING-DALAWA katao ang nasawi at lima ang sugatan sa serye ng mga sagupaan sa Lalawigan ng Basilan ngayon.
Ayon kay Major General Rainier Cruz, commanding general ng 1st Infantry Division, ang mga kawal ng 11th Scout Ranger Company sa ilalim ni Capt. Rholi Villaluna, ang nasagupa ng mga Abu Sayyaf sa Upper Cabengbeng, Sumisip kaninang ika-pito ang kalahati ng umaga.
Nagpadala ng karagdagang mga kawal sa lugar ng sagupaan at nagkaroon ng running gun battle. Umatras ang mga bandido at hnabol ng mga kawal mula sa 13th Scout Ranger Company.
Idinagdag ni General Cruz na pito ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa panig ng mga Scout Ranger. Isang kawal ang nasawi samantalang isinusugod sa pagamutan.
Ang ipinadalang mga kawal mula sa 10th Scout Ranger Company ay nakasagupa rin ng mga Abu Sayyaf kaninang hapon. Apat na bandido ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa sagupaan.
Ang sagupaang ito'y kasunod ng pagsalakay sa isang military detachment na nagbabantay sa isang kooperativa sa Barangay Cabengbeng kaninang ika-11 ng umaga.
Ayon kay Major Harold Cabunoc, ikinalulungkot nila ang pagkasawi ng mga kawal at tuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa mga bandido. Hindi nila mapapayagan ang panggugulo ng mga bandido sa Tumahubong, Sumisip, Basilan na kinalalagyan ng mga Kristiyano at mga Muslim.
Lahat ng benepisyo para sa mga kawal na nasawi at nasugatan ay ipagkakaloob sa pinakamadaling panahon, dagdag pa ni Major Cabunoc.
Pilipinas, nanawagan sa milf, panatiliin ang disiplina sa mga tauhan
NANAWAGAN si Brigadier General Leo Cresente Ferrer sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front na disiplinahin ang mga tauhan at payapang lutasin ang mga di pagkakaunawaan sa mga taong gumagamit ng "rido" sa kanilang mga nasasakupan. Si General Ferrer and senior military adviser ng pamahalaan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga MILF.
Ginawa niya ang panawagan dahilan sa magandang kinalabasan ng mga pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF. Napapanahon din ang kanyang panawagan sa pagdiriwang ng Ramadhan, isang banal na panahon sa mga Muslim.
Kailangan umano ang ibayong katapatan sa panig ng MILF lalo pa't malapit nang malagdaan ang kasunduang pangkapayapaang matagal ng inaasam ng mga mamamayan.
Nanawagan ang general dahilan sa sagupaang naganap limang araw matapos simulan ang Ramadhan sa mga pwersa nina Commander Basco at Abdul Haq ng 105th base command laban sa pinagsanib na puwersa nina Commander Baksan at Jerry ng 106th base command sa barangay Kulambog at Gadungan, Sultan Sa Barongis, Maguindanao. Isang dalaga ang nasugatan at ngayo'y nagpapagaling sa isang klinika.
Mga pilipinong kawal, patungong liberia
PAALIS na ang mga kawal Pilipinong kalahok sa 17th Philippine Contingent of the Armed Forces of the Philippines to Liberia bilang bahagi ng United Nations Peace Keeping Force sa bansa. Bibigyan sila ng kaukulang send-off ceremonies sa darating na Sabado, ika-28 ng Hulyo sa Villamor Air Base.
Sinabi ni Col, Miguel Ernesto Okol, tagapagsalita ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na panauhing tagapagsalita si Lt. General Catalino G. dela Cruz. Si Col. Fidel Igmedio T. Cruz ng Air Force ang pinuno ng Philippine contingent sa Liberia.
Darating naman ang hahalinhang contingent sa araw ng Linggo, ika-29 ng Hulyo.
Sila ang nagbibigay ng perimeter security sa Force Headquarters ng United Nations Mission to Liberia at nagbibigay din sila ng administrative, clerical at logistical services sa mga tauhan ng United Nations. Ang mga Pilipinong kawal din ang nagmamaneho ng mga sasakyang gamit ng mga opisyal ng United Nations at sila rin ang security personnel ng mga kawani ng United Nations sa Liberia. Naglilingkod sila mula anim hanggang siyam na buwan bago sila palitan ng mga tauhang mula rin sa Pilipinas.
Mga obispo at pari, gumagamit na ng social media
MAS marami nang mga Obispo at pari ang gumagamit ng social media upang maganap ang "online evangelization." Ito ang pahayag ni Bishop Joel Baylon na maglalagay na rin ng kanyang mga sermon sa online upang marating din ang mga taong mas madalas dumalaw sa Facebook at iba pang social media.
Ang kauna-unahang Catholic Social Media Summit ang naging daan upang gawing "blogs" ang mga homily sa iba't ibang Misa at maiparating ang mensahe sa "virtual flock."
Sinabi ni Bishop Baylon na bagama't mayroon nang mga pari at Obispo na mayroong presencia sa online, mayroong mangangailangan ng panahon upang pagaralan ang benepisyo ng online technology.
Kahit ang Santo Papa ay nanawagan na rin sa mga Obispo sa kanilang ad limina visit na magkaroon ng online presence. Pinayuhan niya ang mga Obispo na magkaroon ng sariling blog, lalo na ang mga nagretiro na sapagkat mayroon silang sapat na panahon upang ilaan ang kanilang mga homily at reflections sa world wide web.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |