|
||||||||
|
||
Ang recipe natin ay paborito ng marami—Mar-Boh Tofu. Para doon sa mga hindi nakakaalam, ang Tsina ang lupang-tinubuan ng tofu, at ang pinagmulan ng tofu ay mababakas sa panahon ng Han Dynasty ng Tsina. Mayroon na palang tofu sapul pa noong panahon ng Han Dynasty.
Sa proseso ng pagtatanim ng beans, paglalaga ng mga ito at paggigiling para sa soybean milk, dahil sa pagkaunawa ng mga tao sa penomenon na kung saan ang soybean milk ay namumuo o tumitigas, inimbento nila ang kauna-unahang tofu. At habang nadadagdagan ang kanilang mga karanasan, patuloy namang lumilitaw ang mga bagong paraan ng paggawa ng tofu na tulad ng fried odor soybean curd at marinated soybean curd, na kapuwa ginagawa makaraan ang fermenting, at kapuwa tradisyonal na putaheng Tsino. Ang tofu, na masustansiya nguni't mura, ay mahalagang pagkain, kaya sa Tsina maraming lutuin ang gumagamit ng tofu bilang pangunahing sangkap, at sa mga ito, ang Mar-Boh Tofu ang pinaka-popular. Ang tradisyonal na pagkaing ito sa Sichuan ay kilala sa loob at labas ng Tsina. Ang Mar-Boh Tofu ay may magandang kulay, mabangong amoy at masarap na lasa.
Pangunahing Sangkap:
500 gramo ng tofu
Mga Pampalasa:
30 gramo ng vegetable oil
30 gramo ng karneng giniling (baboy o baka)
20 gramo ng hot bean sauce
20 gramo ng black bean sauce
10 gramo ng asin
5 gramo ng asukal
10 gramo ng prickly ash
100 mililitro ng sabaw o tubig at
20 gramo ng cornstarch and water mixture
Paraan ng Pagluluto:
Hiwa-hiwain nang pakuwadrado ang nilagang tofu. Kung hilaw pa, ilaga pagkaraang hiwain. Ibuhos ang mantika sa kawali, tapos igisa ang karneng giniling. Kung katamtaman na ang pagkakagisa, ibuhos ang hot bean sauce at black bean sauce. Halu-haluin bago ibuhos ang sabaw o tubig. Pagkulo ng tubig, ihulog ang hiwa-hiwang tofu at pakuluin sa loob ng tatlo hanggang limang minuto sa maliit na apoy.
Ilagay ang asin, asukal, prickly ash at mixture of cornstarch and water. Haluin, at pagkatapos isilbi.
Pasok sa Kusina ni Kuya Ramon
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |