|
||||||||
|
||
Ang Aftershock ang pinaka-matagumpay na pelikulang Tsino sa takilya dahil kumita ito ng halos $150 M ng ipalabas ito noong 2010
Si feng Xiaogang ang direktor nito at sya ang tinaguriang Steven Spielberg ng China. Ilan sa kanyang mga pelikula ay ang Big Shot's Funeral, A World Without Thieves at If You Are the One.
Ang Aftershock ang pinaka-huling pelikula ni Feng Xiaogang at medyo matagal ng naghihintay ang mga fans nya ng bagong proyekto
CAST NG PELIKULA
Xu Fan bilang Ina ng Kambal
Zhang Jingchu bilang Fang Deng / Wang Deng
Li Chen bilang Fang Da
Zhang Guoqiang bilang Fang Qiang, ama ng kambal
Chen Daoming bilang Mr. Wang, nag ampon kay Fang Deng
Chen Jin bilang Ina na nag-apon kay Feng Deng
Lu Yi bilang nobyo ni Fang Deng
Hango sa nobela ni Zhang Ling ang pelikula. At ang movie version na "Aftershock" ni Feng Xiaogang ay kwento ng isang pamilya na nagkawatak-watak matapos ang 1976 Tangshan earthquake kung saan itinatayang 240,000 katao ang nasawi.
Bakit 23 seconds, 32 years ang tag ng pelikula. At ang theme song na "23 Seconds, 32 Years" ay inawit ni Shang Wenjie
Ang "Aftershock" ang unang Chinese movie na ipinalabas sa IMAX, at ang IMAX-Huayi Brothers partnership ay nagpapakita ng lumalakas na impluwensya ng China sa film industry. Hi-Tech ang ginamit na computer graphics para mag mukhang makatotohanan ang tindi ng lindol sa Tangshan.
May ilang butas ang istorya ng Aftershock, kumiling ang istorya kay Feng Deng at naiwan ang istorya ni Fang Da. Hitik din ang pelikula sa mga family values na Tsino na medyo mahihirapan maarok ng dayuhang manonood tulad ng away mag-asawa dahil sa pag-aalaga sa byenan, papel ng lola sa pagpapalaki ng apo at hindi muling pag-aasawa ng isang byuda.
Alam ng lahat na He Sui Pian ang film genre na kadikit ng pangalan ni Feng Xiaogang pero naiiba ang tema ng sa mga Spring Festival Films nya dahil ang Aftershock ay siryosong drama na aantig sa damdamin ng manonood.
Hindi maitatanggi ang directorial talent ni Feng. Ito'y higit sa pag choreograph ng mga eksena at pag direct ng acting. Hindi kayang pantayan ang kakayanan nya pagdating sa pagtukoy kung ano ang papatok sa mga manonood. Alam nya kung paano patawanin at kung paano paiiyakin ang audience. Dahil dito tinawag syang Steven Spielberg ng China.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |