Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa anim na libong sitio, magkakaroon ng kuryente bago matapos ang taon

(GMT+08:00) 2012-08-02 18:45:20       CRI

HIGIT SA ANIM NA LIBONG SITIO, MAGKAKAROON NG KURYENTE BAGO MATAPOS ANG TAON

IPINANGAKO ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na makakarating ang kuryente sa may 6,007 mga sitio bago matapos ang taong 2012.

Ginawa ng pangulo ang kanyang pangako sa kanyang talumpati sa ika-33 Annual General Membership meeting ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City kaninang umaga.

Sa tulong ng Kagawaran ng Enerhiya, National Electrification Administration at mga kabalikat tulad ng PHILRECA, tiyak na makakarating ang kuryente sa pinakamalalayong pook ng bansa.

Mula Oktubre 2011 hanggang Hulyo ng 2012, 2,400 na sitio ang nagkaroon ng kuryente.

Sa dalawang taong panungungkulan, sinabi ni Pangulong Aquino na may nagawa na ang pamahalaan sa paghahatid ng kuryente sa ilang na pook ng bansa.

Mas marami pa umanong nararapat gawin upang tuluyang umunlad ang Pilipinas, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

PANUKALA NG KAGAWARAN NG PAGSASAKA: $ 627 MILYON PARA SA RURAL DEVELOPMENT PROGRAM

PANUKALA ng Kagawaran ng Pagsasaka na saklaw ng medium-tern development program na tinagurian niyang Philippine Rural Development Plan na sasakop sa anim na mga rehiyon tulad ng CALABARZON, MIMAROPA, Bikol, Western, Central at Eastern Visayas. Ang lahat ng lalawigang nasa timog na bahagi ng bansa ay saklaw ng Mindanao Rural Development program Phase II.

Sinabi ni Kalihim Proceso J. Alcala na ang palatuntunan ay gagastusan ng isang pautang na nagkakahalaga ng $500 m mula sa World Bank, na siyang gumastos sa MRDP 2. Mayroon ding counterpart na nagkakahalaga ng $ 120 M ang Pilipinas at beneficiary ng $ 7 milyon mula sa Global Environment Facility.

Idinagdag ni Ginoong Alcala na ang PRDP ay itutulad sa limang taong MRDP2 na ginastusan din ng $ 83.74 m na pautang mula sa World Bank at $ 40 M mula sa Pilipinas at mga nakikinabang na local government units. Ipinatupad ang MRDP ng Kagawaran ng Pagsasaka sa tulong ng mga local government units.

HINDI PAGKAKAPANTAY NG KITA, NAPUNA SA SURVEY

ISINASAGAWA na ang 2012 Family Income and Expenditure Survey ng National Statistics Office upang mabatid ang mga dahilan ng paggasta at pinagkakakitaan ng mga Pilipino. Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa bawat ikatlong taon.

Layunin ng pag-aaral na malaman ang pinagmumulan ng kita ng mga pamilya sa buong bansa kasama na ang antas ng pinagkakagastusan ng mga Pilipino, magkaroon ng datos na magiging sandigan para sa consumer price index at mabatid ang lawak at mga pamantayan sa kahirapan ng mga mamamayan.

Sa ginawang pag-aaral noong 2009, nabatid na ang karaniwang pamilya ay kumita ng P 206,000 na annual average. Ang pinakamahihirap na Pilipino ay kumita ng P 62,000 sa buong taon samantalang ang mayayaman o may salapi ay kumita ng may P 268,000.00.

Sinabi ng National Statistics Coordination Board, sa paggamit ng Gini Coefficient, sa buong bansa, kung hindi isasama ang Autonomous Region In Muslim Mindanao, ang income inequality ay pinakamataas sa Silangang Kabisayaan o Eastern Visayas na nagtamo ng 0.484. Ang pinakamababang income inequality ay matatagpuan sa Gitnang Luzon 0.373.

LABING-DALAWANG MAGDARAGAT NA MALAYSIANS, NAILIGTAS

BILANG tugon sa liham ng Singaporean Coast Guard tungkol sa dalawang tugboat at barge na may mga pangalang Woodman 38 at Woodman 39 at impormasyong mula sa Malaysian Maritime Enforcement Agency tungkol sa mga sasakyang-dagat, tumugon ang mga tauhan ng Philippine Marines.

Unang nabalita ang pagkawala noong Martes, ika-24 ng Hulyo ng 12 Malaysian nationals na sakay na dalawang sasakyang-dagat. Nagmula umano ang dalawang sasakyang-dagat sa Port of Miri, Sarawak, Malaysia. Nabihag ang mga tripulante ng mga pirata samantalang patungo sa Indonesia upang kunin ang mga kargamentong dadalhin sana sa Davao City noong ika-29 ng Hulyo.

Nailigtas sila noong pasado alas tres ng hapon, Martes, ika-31 ng Hulyo sa pamamagitan ng mga tauhan ng Pura Detachment ng Echo Company ng 38th Battalion sa Datu Plah Sinsuat, Maguindanao at sa tulong na rin ng mga tauhan ng 51st Marine Company.

Tinulungan ang mga biktimang tripulante ng punongbayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

ARSOBISPO NG MAYNILA, NANAWAGAN PARA SA RALLY SA SABADO

NANAWAGAN si Arsobispo Luis Antonio G. Tagle sa mga mamamayan na magtungo sa EDSA Shrine sa Sabado ng hapon, ika-4 ng Agosto, upang ipakita ang kanilang pagsalungat sa kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Nanawagan din ang arsobispo sa mga mamamahayag na huwag lagyan ng kinikilingan ang kanilang mga balita sa paglalagay ng koneksyon sa mga taong salungat sa RH bill kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumampi sa Simbahan.

Sinasalungat ng mga Katoliko ang paggamit ng salaping mula sa kaban ng bayan para sa contraception, sterilization at kaduda-dudang sex education programs na binabanggit ng Reproductive Health bill.

Ayon sa arsobispo, ang RH bill ay hindi solusyon bagkos ay makakapagpalala sa mga pinahahalagahan ng mga mamamayan at ng bansa.

Sa oras na maipasa ang panukalang batas na ito, tiyak na mas darami ang mga suliraning moral ng bansa, dagdag pa ng Arsobispo ng Maynila.

MISA IAALAY PARA SA NASAWING MISYONERO

ISANG misa ang pamumunuan ni Arsobispo Leonardo Z. Legazpi, OP, Arsobispo ng Caceres para sa kaluluwa ni Ryan Turallo na nasawi sa paglubog ng kanilang bankang sinasakyan sa Solomon Islands.

Ayon kay Fr. Louie Occiano ng Arkediyosesis ng Caceres, noong Nobyembre 2011 pa lamang si Ryan ng madestino sa Solomon Islands.

Ang kanyang kasamang pari, si Fr. Edmund Siguenza ay nakatalaga na sa Solomon Islands mula pa noong Hulyo 2010.

Idinagdag ni Fr. Occiano na ang kanilang ecclesial province ay mayroong Caceres Mission Aid Program na nagpapadala ng mga pari at misyonero sa iba't ibang pook na nangangailangan ng mga pari.

Inilibing na ang labi ni Ryan sa Solomon Islands sapagkat nasa state of decomposition na ito ng matagpuan.

Hindi na magtutungo ang mga magulang ni Ryan sa Solomon Islands sapagkat mayroong isang memorial Mass sa darating na ika-9 ng Agosto.

Idaraos ang Misa sa St. Anthony of Padua Parish sa Iriga City sa darating na Huwebes, ika-9 ng Agosto. Mamumuno si Archbishop Legazpi sa pagdiriwang. Lubhang nalungkot at nabahala ang arsobispo sa pangyayari at humiling sa mga pari ng Caceres na mag-alay din ng Misa para sa kaluluwa ng namayapang misyonero.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>