Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-The Sun Also Rises

(GMT+08:00) 2012-08-15 17:27:33       CRI

Ang The Sun Also Rises ay pelikula ni Jiang Wen.

Poster ng pelikula

Si Jiang Wen ay isang aktor at direktor na Tsino. Kabilang sya sa "sixth generation" ng mga direktor na nakilala noong 1990s. Si Jiang Wen ay kilala din internationally bilang actor, dahil nagbida sya kasama ni Gong Li sa highly acclaimed na pelikulang Red Sorghum (1986), ang debut film ni Zhang Yimou.

Si Jiang Wen, Direktor ng pelikula

Ipinalabas ang The Sun Also Rises noong 2007 kung saan Producer sina Albert Lee at Jiang Wen. Base ang kwento sa orihinal na nobela ni Ye Mi na pinamagatang Velvet. Pero ang screenplay ay sa panulat nila Shu Ping, Jiang Wen at Guo Shixing.

Cast: Zhou Yun, Jaycee Chan, Anthony Wong, Joan Chen, Jiang Wen at Kong Wei

Anthony Wong

Joan Chen

Hindi lang isa ang istoryang ipinakita sa pelikulang ito. Apat. Una ang kwento ng mag-ina (papel nila Zhou Yun at Jaycee Chan) sumunod ang kwento sa eskwelahan kung saan inakusahan ang isang guro (papel ni Anthony Wong) nang panghihipo at ipinagtanggol naman ng kaibigang si Tang, papel ni Jiang Wen at ng doktor papel ni Joan Chen.

Jaycee Chan

ANDREA: Ikatlo ang pamumuhay sa nayon ni Tang at ng kanyang asawa na si Kong Wei at ang naging "affair nila ni Jaycee Chan, at ika-apat ang kwento tungkol sa paghahanap ni Zhou Yun at Kong Wei ng kani-kanilang mapapangasawa.

Kong Wei

TALAKAYAN:

• Gusto mo ba ang istilo ni Jiang Wen sa paglalahad ng kwento? NON LINEAR STORY-TELLING

• Sa apat ano ang pinakanagustuhan?

• Ano ang masasabi mo sa teknikal na aspeto ng pagdi-direk ni Jiang Wen?

• Ano ang mensahe ng pelikula?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>