Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Atityud ng mga Tsino sa sex, nagbabago?

(GMT+08:00) 2012-08-16 11:50:26       CRI

Ayon sa isang pag-aaral na inilabas kamakailan dito sa Tsina, halos kalahati ng mga babaeng migrant workers, na may edad 29 pababa, ang nabuntis bago sila magpakasal. Malaki ang itinalon pataas ng bilang na ito kumpara sa estadistika noong nakaraang henerasyon.

 

Taliwas sa depinisyon sa Pilipinas, kung saan ang mga migrant workers ay iyong mga Pilipinong nangingibang-bayan upang magtrabaho (OFW); rito sa Tsina ang mga "migrant workers" ay iyong mga taong umaalis sa kani-kanilang mga probinsya upang magtrabaho sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Tianjin, Shenzhen, etc. Karamihan sa mga migrant workers na ito ay namamasukan sa mga "blue collar" jobs at minimum wage lamang ang tinatanggap na sahod.

 

Ayon sa mga eksperto ng Tsina sa pagpapamilya, ang pagtaas sa bilang ng mga babaeng nabubuntis bago magpakasal ay maaring maging dahilan ng pagdami ng insidente ng paglabag o paglapastangan sa karapatan ng mga kababaihan.

 

Noong 2011, apatnaput tatlong (43%) ng mga second generation migrant workers, o iyong mga ipinanganak noong taong 1971 pataas ay nabuntis bago nagpakasal; mas mataas ng labing-anim na porsiyento (16%) kumpara sa unang henerasyon ng mga migrant worker. Ito ay ayon sa National Population and Family Planning Commission ng Tsina.

 

Sinabi ni Jiang Yongping, isang tagapagsaliksik sa Women's Studies Institute ng Tsina, na ang pagbabago sa kaugalian ng pagtatalik, pagkakaroon ng anak, at pagpapakasal ay dahil sa pagiging mas bukas ngayon sa sex ng lipunang Tsino. Kaya, mas marami na ngayong mga tao ang namumuhay bilang "live-in" partners.

 

Ayon naman kay Chen Wei, isang abogadong dalubhasa sa pagpapamilya, malaki ang posibilidad na maabuso ang karapatan ng mga kababaihan kapag sila ay nabuntis bago magpakasal. Dahil aniya, sa oras na magkaroon ng hiwalayan, napakahirap makakuha ng suporta para sa bata. Marami rin sa mga kababaihan ang napipilitang magpalaglag ng bata dahil dito.

 

Hindi lang mga kabataang migrant workers ang naging tampok sa isyung ito, maging ang lahat ng kabataang Tsino ay nakasama na rin. Ayon sa isa pang survey na pinamagatang Chinese Sexual Health Survey na ginawa ng Insight China magazine, 70 porsiyento ng mga Tsino ang nagkaroon ng premarital sex. At ang internet o web ang pangunahing lugar kung saan nila nalalaman ang tungkol sa sex.

 

Narito ang isang maikling programa ukol dito:

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>