Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-Infernal Affairs

(GMT+08:00) 2012-08-21 11:17:18       CRI

Hilig nyo ba ang mga pelikula tungkol sa good cop versus bad cop? Kung oo, rekomendado ng inyong mga movie buddies ang Infernal Affairs.

Poster ng Pelikula

2002 pa ito ipinalabas sa Hong Kong, pero ang Infernal Affairs ay isang di-malilimutang pelikula dahil itinuturing itong isang miracle movie. Pinasigla nito ang nananamlay na industriya ng pelikula at pinatunayan nitong di pa said sa masining na ideya ang mga screenwriters at direktor sa Hong Kong.

Si Andy Lau sa pelikula

Sina Andrew Lau at Alan Mak ang mga direktor ng pelikula. Ito ay kwento tungkol sa isang infiltrator na pulis sa triad, at "mole" naman ng triad sa hanay ng mga pulis. Paano nila matutukoy kung sino ang sino? Paano huhulihin ng "pusa ang daga" habang ini-ingatan ang tunay na identidad nila.

Orihinal ang plot na isinulat ni Alan Mak. Box office hit ang movie at natanggap din nito ang ang critical acclaim.

Si Tony Leung sa pelikula

Noong 2006, ni-remake ito ni Martin Scorsese sa Hollywood at ang pelikula ay pinamagatang The Departed. Nanalo ito sa Academy Awards bilang Best Picture.

Star studded ang Infernal Affiars kasama sa cast sina Andy Lau, Tony Leung, Anthony Wong, Eric Tsang, Kelly Chen at Sammi Cheng.

Dahil sa tagumpay ng pelikula, nasundan ang Infernal Affairs ng prequel, Infernal Affairs II, at sequel, Infernal Affairs III, na parehong ipnalabas noong 2003.

Napaka talented ng mga bida dahil sila Andy Lau at Tony Leung din ang kumanta ng theme song na Infernal Affairs (無間道) composed ni Ronald Ng. .

Rekomendado ng iyong mga movie buddies ang pelikula dahil sa simpleng dahilan: ang mga bida nito ay sina Andy Lau at Tony Leung. Sila ay mga superstars at subok na ang galing sa pag-arte.

Hindi boring ang pelikula, aabangan mo ang bawat eksena. Mapapahigpit ang kapit mo sa upuan dahil sa suspense, at pipigilan mo ang paghiyaw dahil muntik-muntikanan nang magkabistuhan ang mga bida. Kahit 2002 pa ito ipinalabas, hindi sya mukhang luma at pwedeng pa ding itapat sa fast-paced style ng mga bagong labas na mga pelikula.

Kung gusto nyong sundan ang serye, kailangan mapanood ang Infernal Affairs bago panoorin ang sequel nitong Infernal Affairs III na nagbalik tanaw sa buhay ng dalawang bida ilang taon matapos lumabas sa akademiya. Happy viewing 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>