Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labi ni kalihim robredo natagpuan na; dinala na sa naga

(GMT+08:00) 2012-08-21 18:58:45       CRI

Labi ni kalihim robredo natagpuan na; dinala na sa naga

SA pagsisimula ng search and rescue operations kaninang ika-anim ng umaga, natagpuyan ng mga maninisid mga ika-pito at kalahati ng umaga ang fuselage at tatlong labi sa loob ng eroplano. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isa sa mga labi ang kumpirmadong kay Kalihim Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government. Matapos ang isang oras, nadala na ang kanyang labi sa tabing-dagat.

Pinangasiwaan ng Kagawaran ng Kalusugan ang pagsasaayos ng labi sa Provincial Police Headquarters ng Masbate at nagtulungan ang mga medico-legal officers ng PNP Crime Lab.

Pormal na ibinalita ni Transportation Secretary Manuel Araneta Roxas II na natagpuan ang labi ni Kalihim Robredo mga alas ocho kinse ng umaga may 800 metro mula sa baybay-dagat ng Masbate.

Ayon sa kalihim, natagpuan ang labi ni Ginoong Robredo sa lalim na 180 talampakan sa loob ng eroplanong Piper Seneca na bumagsak sa karagatan noong Sabado ng hapon.

Una umanong sumisid ang mga tech divers at nakita rin ng mga banyagang maninisid ang sinamampalad na eroplano na kinalalagyan ng labi ni Ginoong Robredo at ng dalawang piloto.

Unang nabawi ang labi ni Ginoong Robredo sapagkat malapit sa pinto.

Mga alas otso y media o alas otso kwarenta ng maiahon ang labi ng kalihim at nailagay sa isang body bag at isinakay sa barko ng Philippine Coast Guard. Ayon kay Kalihim Roxas, tuloy pa rin ang pagbawi sa mga labi ng dalawang piloto.

Ipinagdiwang ni Kalihim Robredo ang kanyang ika-54 na kaarawan noong Mayo 27.

Idinagdag ni Kalihim Roxas na ang dalawang piloto, sina Capt. Jessup Bahinting at co-pilot na si Kshitiz Chand ang nasa pinakamalalim na bahagi ng cockpit.

Personal na inihatid ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang labi ni Kalihim Jesse Robredo sa naulilang pamilya sa Naga City.

Isang AFP C-130 cargo plane na naglalaman ng labi ni Kalihim Robredo ang lumapag sa Naga Airport mga ilang minuto bago sumapit ang ala-una ng hapon. Binigyan ang namayapang kalihim ng arrival honors.

Nasa magkabilang-panig ng lansangan ang mga mamamayan na nagbigay galang sa dating punong-lungsod ng Naga.

Sa balitang ipinalabas ng Malacanang sa social media, sinabi ng Palasyo na ang labi ni Ginoong Robredo ay nakalagay sa isang metal casket ay isinakay sa sinakyang eroplano ni Pangulong Aquino.

Ihahatid ni Pangulong Aquino ang labi ni Kalihim Robredo sa Naga City, sa Tahahan ng Arsobispo ng Caceres kung saan naghihintay ang pamilya ng nasawing cabinet secretary.

Mula Maynila, dumating si Pangulong Aquino sa Mactan International Airport mga ika-labing isa't kalahati ng umaga.

Magsisimula ang public viewing sa labi ng kalihim bago magtakipsilim sa Tahanan ng Arsobispo sa puso ng Naga City.

May posibilidad ring dalhin ang kanyang labi sa Maynila.

Samantala, sinabi ni Fr. Louie Occiano, Communications Director ng Archdiocese of Caceres na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ang labi ng namayapang kalihim sa Tahanan ng Arsobispo.

Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Fr. Occiano na idinaan muna sa isang funeral home ang labi upang isaayos bago ibalik sa kabaong na dadalhin sa Tahanan ng Arsobispo.

MGA OBISPO, NAGLUNGKOT SA PAGPANAW NI KALIHIM ROBREDO

NALUNGKOT ang mga obispo sa pagpanaw ni Kalihim Jesse Robredo. Sa panig ni Arsobispo Jose S. Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na palagi nilang aalalahanin ang nagawa ni Kalihim Robredo. Nagpapasalamat ang Arsobispo ng Cebu sa mabubuting nagawa ni Kalihim Robredo, samantalang nanawagan sa madla na ipanalangin ang namayapang kalihim at ang kanyang naulila.

Ikinalungkot din ni Arsobispo Oscar V. Cruz ang pagyao ni Kalihim Robredo. Malaki umanong kawalan sa bansa at sa pamahalaan ang kanyang pagpanaw sapagkat isang mapapagkatiwalaang opisyal si Ginoong Robredo, dagdag ni Arsobispo Cruz.

Nararapat lamang umanong gawaran ng libing na pang-bayani si Robredo at kung papayag lamang ang kanyang pamilya'y ilibing sana ang namatay na opisyal sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Unang nagpaabot ng kanyang pagkabahala si Bishop Martin Jumoad ng Isabela, Basilan. Hindi umano nakaligtaang dumalaw ng kalihim sa bawat pagbisita niya sa Basilan, dagdag ni Bishop Jumoad.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>