|
||||||||
|
||
2010 ipinalabas ang Hong Kong film na Love in a Puff. Bida dito sina Miriam Yeung bilang "Cherie" isang salesgirl at si Shawn Yue na gumanap bilang "Jimmy" isang advertising executive.
Poster ng Pelikula
Ito ay pelikula ni Pang Ho Cheung, at kasama nyang nagsulat nito si Howard Mak.
Noong 2007 ipinatupad ng HK ang smoking ban sa loob ng mga opisina. May ilang lugar lang kung saan pwedeng mag sigarilyo ang mga tao. At dahil dito umusbong ang "hot potting" isang sub culture sa Hong Kong.
At ang sub-culture na ito ang naging puso ng pelikula. Ipinakita ang mga tambayan ng mga nagyo-yosi. Sa ilalim ng underpass, sa mga iskinita at likuran ng gusali. Ipinakita din ng direktor ang espesyal na "bonding" o samahan ng mga smoking buddies kung saan kung anu-ano lang ang pinag kwekwentuhan… buhay-buhay, bali-balita at syempre ang latest tsismis.
Umikot talaga ang istorya sa usapin ang paninigarilyo … kasi ipinakita din sa movie ang reaksyon ng mga smokers sa Hong Kong bago ipatupad ng pamahalaan ang pagtataas ng buwis sa tabako.
Tinutukan ni Pang Ho Cheung ang dalawang yosi mates. Sa loob ng pitong araw, ipinakita kung paano naging malapit ang dalawang bida. Paano sila nagkagustuhan at naging mas malalim ang pagkakakilala kada hithit ng sigarilyo.
Bakit rekumendado ang pelikula:
• AUTHENTICITY. Malapit ang pelikula sa katotohan, kung ano ang itsura at gawi ng hot potting sub culture, ipinakita ito ng direktor.
• CHARACTERIZATION. Buhay buhay ng mga empleyado sa opisina, na nasa edad na 20s o 30s ang natunghayan sa Love in a Puff. Dating, gimmik ng barkada gaya ng dress karaoke, SMS craze, social network at eyeballing, problema sa relasyon, problema sa trabaho at maging ang pagkabigo at tinalakay ng pelikula.
• VERBAL HUMOR. Pinaka malakas na hatak na pelikula ang lengwahe na ginamit ng mga writer. Salitang kanto at madalas bastos. Kung paano magsalita ang henerasyon ng mga kabataan ngayon sa Hong Kong yan ang maririnig bawat palitan ng linya ng mga karakter.
• DIRECTING STYLE NI PANG habang tumatakbo ang pelikula hinaluan ito ng mga clips ng interview ng mga tauhan sa istorya, salamat sa kanilang mga pananaw mas madaling unawain ang kanilang naging gawi sa pelikula.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |