Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Manuel Araneta Roxas II, kapalit ni Kalihim Robredo

(GMT+08:00) 2012-08-31 18:26:46       CRI

KALIHIM MANUEL ARANETA ROXAS II, KAPALIT NI KALIHIM ROBREDO

PORMAL na inihayag ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang desisyon na pangalanan si Kalihim Manuel Araneta Roxas II na kahalili ng namayapang Kalihim Jesse M. Robredo sa Department of Interior and Local Government.

Kasabay na pangalanan si Congressman Joseph Emilio Abaya ng Cavite bilang Transport and Communications Secretary na kapalit naman ni Kalihim Roxas II.

Sa isang televised briefing mula sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Roxas na baka mahirapan siyang palitan ang namayapang Kalihim Jesse M. Robredo.

Sinabi ni Ginoong Roxas na nananatili silang nagsusulong ng transparency, accountability at people empowerment na pinakasandigan ng liderato ni Kalihim Robredo.

Sinabi naman ni Pangulong Aquino na kapwa niya pinagtitiwalaan sina Kalihim Roxas at Abaya.

Batid na rin umano ni Congressman Abaya ang kanyang trabaho bilang kalihim ng Transportasyon at Komunikasyon, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Nanawagan si Pangulong Aquino sa Commission on Appointments na madaliin na ang kumpirmasyon nina Kalihim Roxas at Kalihim Abaya.

MGA MANGGAGAWANG MULA SA KUWAIT, DUMATING NA

MAY 37 ng manggagawang Pilipino ang dumating kaninang alas tres kinse ng hapon sakay ng dalawang flights ng Gulf Air flights 222 at 156. Ang mga manggagawa ay nakaalis sa Kuwait sa pakiusap ng Embahada ng Pilipinas, Philippine Overseas Labor Office at Overseas Workers Welfare Administration sa pamahalaan ng Kuwait at iba pang mga opisyal.

Ang mga manggagawa ay pansamantalang nanirahan sa Resource Center. Karamihan sa kanila ay tumakas mula sa kalupitan ng kanilang mga pinaglilingkuran. Sinagot ng kanilang foreign at Filipino recruitment agencies ang kanilang pamahase at tinulungan din ng kanilang mga employers.

TULONG NG PAMAHALAAN SA MGA PAARALANG KASAPI NG CEAP MAHALAGA

MALAKING tulong sa may 60 hanggang 70% ng mga paaralang pribado ang subsidyo ng pamahalaan. Kung mawawala ito, ang maraming miyembro ng Catholic Educational Association of the Philippines ang mapipilitang magsara.

Ayon kay Fr. Gregg Banaga, Jr., CM, pangulo ng Catholic Educational Association of the Philippines, nahahati ang programa ng pamahalaan sa dalawang bahagi, ang mga ito ay ang Voucher System at Educational Service Contracting.

Mangilan-ngilan na lamang ang gumagamit ng voucher system sapagkat nagkaroon na rin ng ilang pag-abuso sa pamamagitan ng ilang politiko para sa kanilang sariling kapakanan.

Ayon kay Fr. Banaga, umaabot na sa 1,385 mga paaralang mula sa elementarya hanggang kolehiyo ang kasapi sa kanilang samahan. Mula sa bilang na ito, may 900 mga paaralan ang maituturing na naghihingalo na sapagkat hirapan sila sa pagpapatakbo ng mga educational institution. Karamihan sa mga hirapang paaralan ay ang mga nasa kanayunan at tanging ang nagpapalakas lamang sa kanila upang magpatuloy ng pagtanggap ng mga mag-aaaral ay ang service contracting.

Ang subsidyo sa bawat mag-aaral sa Metro Manila ay nagkakahalaga ng P 10,000 samantalang sa mga pook sa labas ng Maynila ay P 6,500 bawat mag-aaral.

Hiniling din nila kay Bro. Armin Luistro ng Kagawaran ng Edukasyon na patagalin pa ang kanilang subsidyo para masaklaw ang mga makikinabang sa Grades 11 at 12. Magugunitang tumatanggi ang mga magulang na pag-aralin at gastusan pa ang kanilang mga anak sa Grades 11 at 12. Dagdag-gastos lamang daw ito, ayon kay Fr. Banaga.

Idinagdag ni Fr. Antonio Moreno, SJ, pangalawang pangulo ng CEAP, ang EGASPE o Expanded Government Assistance to Private Education ay tumutustos na rin para sa mga guro na nasa pribadong mga paaralan. Ang programa para sa mga guro ay pinangalanang Teachers Salary Subsidy upang huwag silang umalis sa mga paaralang ito.

Ginagawa umano ng pamahalaan ito upang huwag nang umalis pa ang mga guro sa pribadong paaralan sapagkat umaabot na sa P18,000.00 ang pasahod sa mga guro sa public schools. Nakatakdang gawin itong P 20,000 bawat buwan.

Problemado rin sila sa pag-usbong ng mga community colleges sa iba't ibang bahagi ng bansa. Malaking kumpetisyon umano ang mga ito sa kanilang mga pribadong paaralan.

Bagaman, sa bawat 100 mag-aaral sa Grade 1, 40 kaagad ang nawawala bago pa man makarating sa Grade 2. Binanggit ng dalawang opisyal ng Catholic Educational Association of the Philippines, aabot lamang sa 14 sa bawat isang daang mag-aaral sa Grade 1 ang nakakatapos ng kolehiyo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>