Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mamamayan, nakakaramdam pa ng "aftershocks"

(GMT+08:00) 2012-09-03 18:41:39       CRI

MGA MAMAMAYAN, NAKAKARAMDAM PA NG "AFTERSHOCKS"

MAY halos apat na raang pagyanig ng lupa ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology matapos ang 7.6 magnitude na pagyanig ng lupa noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang karamihan ng mga pagyanig ng lupa ay nadama sa mga Guian sa Eastern Samar at Burgos sa Surigao del Norte. Ang pinakamalakas na aftershock ay umabot sa 5.0 magnitude.

Sa Lungsod ng Surigao, Burgos, San Isidro at Soccoro ay umabot sa 5,650 pamilya ang apektado ng lindol. May 115 tahanan ang napinsala sa lindol. Ayon sa pamahalaan, 78 ang nagibang mga tahanan sa pagyanig ng lupa. Tinatayang aabot sa higit sa P 14 na milyon ang pinsala sa Surigao pa pa lamang.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, apat na tulay ang bahagyang napinsala sa Eastern Samar. Sa mga ito, isa lamang ang madadaanan ng mga magagaang mga sasakyan.

Bahagyang napinsala din ang isang simbahan sa Diyosesis ng Calbayog, sa San Jorge, Western Samar.

MGA SIMBAHAN, KAILANGANG SURIIN

MATAPOS ang malakas na lindol na yumanig sa silangang bahagi ng Pilipinas, nanawagan si Dr. Renato Solidum, ang pinuno ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Simbahang Katoliko na suriin ang mga gusali at simbahan nito upang mabatid kung mayroong pinsalang idinulot ang naganap noong Biyernes.

Sa isang mensaheng ipinadala sa CBCP Online Radio, sinabi ni Dr. Solidum na ang mga simbahan tulad ng iba pang mga gusali sa mga pook na niyanig ng lindol ay dapat suriin at pag-aralan ng mga enhinyero upang alamin kung may epekto ang pagyanig ng lupa.

Nararapat lamang itong gawin upang mabatid kung ang mga simbahan ay maituturing na earthquake-resistant.

Ayon kay Fr. Jose Edwin Juaban, ang paring nakatalaga sa San Nicolas de Tolentino sa bayan ng Quinapondan sa Silangang Samar, bagama't masaya siyang walang sinumang nasaktan o nasawi sa lindol, bumitak naman ang sahig sa kanyang simbahan.

Para umanong pumutok ang sahig sa laki ng mga bitak nito. Ayon kay Fr. Juaban, hihingan niya ng tulong ang mga enhinyerong tagaroon sa kanila upang tulungan siyang pag-aralan ang naging pinsala ng lindol.

Sa panig ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog, wala pa siyang natatanggap na balita mula sa kanyang mga paring nakatalaga sa 31 parokya na kanyang nasasakupan.

Ayon kay Fr. Alex O. Bautista, isang arkitekto bago nagpari at isang consultant ng Catholic Bishops Conference of the Philippines' Committee for Heritage Church Architecture, ito na ang panahon upang alamin ang structural integrity ng mga simbahan.

Idinagdag pa ni Fr. Bautista na nararapat mag-inspeksyon ang mga paring tagapamahala sa kanilang mga simbahan at anyayahan na rin ang mga structural at civil engineers upang masuri ang mga bitak at paggalaw ng gusali dala ng pagyanig ng lupa noong Biyernes.

Ipinaliwanag niya na ang tibay ng simbahan ay nakasalalay sa mga ginamit materyales sa pagtatayo nito tulad ng mga adobe at mga batong mula sa karagatan na nagpatibay ng mga simbahan kahit wala pang mga bakal na ginamit sa haligi ng mga gusali.

Ang apog ay ginamit lamang upang maingatan ang mga batong ginawang dingding ng simbahan.

Sinabi ni Fr. Bautista na kung mayroong mga bitak, kailangang magkaroon ng nga tanda upang makita kung ang mga ito'y gagalaw sa bawat pagyanig ng lupa.

PANAYAM PARA SA IKALIMANG BATCH NG MGA NARSES PATUNGONG JAPAN, GAGAWIN NA

GAGAWIN mula sa Miyerkoles, ika-12 hanggang ika-19 ng Setyembre ang mga panayam sa mga narses na kwalipikadong magtrabaho sa Japan ayon sa itinatadhana ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement. Ito ang nabatid mula kay Kalihim ng Paggawa at Hanapbuhay Rosalinda Dimapilis-Baldoz.

Ayon kay Ginang Baldoz, ibinalita sa kanya ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration na ang mga panayam ay gagawin ng Japan International Corporation for Welfare Services at mga kinatawan ng mga health care facilities at institutions sa Japan.

Nakapagpatala na ang mga Pilipinong nais maghanapbuhay sa Japan mula noong unang araw hanggang ika-27 ng Agosto. Ang tamang bilang ng health care facilities an binigyan ng palugit upang makatanggap ng mas maraming mga manggagawa mula sa Pilipinas.

Sa gagawing mga panayam, susundan ito ng matching of candidates sa ika-17 ng Setyembre hanggang ika-19 ng Oktubre samantalang isa pang matching of candidates ang isasagawa mula ika-22 ng Oktubre hanggang ika-30 ng Nobyembre.

Magmumula sa ikatlong araw ng Disyembre haggang Mayo ng 2013, isasagawa ang pagsasanay sa wikang Nippongo sa Pilipinas. Isasagawa naman ang medical examination para sa mga mapipiling aplikante. Sa buwan ng Abril isasaayos ang kanilang visa at nakatakdang gawin ang POEA pre-departure orientation seminar para sa mga makakapasa. Anim na buwan na naman ang kanilang language training sa Japan.

Ang pagsasanay sa wikang Nippongo ay sasagutin naman ng Japan Foundation. Maninirahan sila sa TESDA at daily allowance na P 436.00 bawat araw ng pagsasanay.

Ibinalita ni Administrator Cacdac na mula sa 401 mga Pilipinong ipinadala noong 2009 at 2010, umabot sa 139 ang narses at 262 ang caregivers.

Ang Japan National Examination for Nurses ang isa sa pinakamahirap na pagsubok sa daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>