Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!-THE CURSE OF THE GOLDEN FLOWER

(GMT+08:00) 2012-09-05 16:56:58       CRI

Base sa play na "Thunderstorm" ni Cao Yu ang pelikula ni ni Zhang Yimou na The Curse of the Golden Flower. Isinapelikuka ang kwentong ito sa panulat nila Wu Nan, Bian Zhihong at Zhang Yimou.

Poster ng Pelikula

Mga bigatin ng showbiz ang cast ng pelikula. Pinagbibidahin ito ng mga sumusunod: Chow Yun Fat Bilang Emperor Ping, Gong LI bilang Reyna, Jay Chou bilang Prince Jie, Liu Ye bilang Prince Xiang - ang unang anak ng Emperador sa ibang babae, ang papel naman ni Qin Junjie ay ang bunsong si Prince Cheng.

Si Chow Yun Fat, bilang Emperor Ping sa pelikula

Si Gong Li, bilang Reyna sa pelikula

SI Jay Chou, bilang Prince Jie sa pelikula

Si Liu Ye, bilang Prince Xiang sa pelikula

Kasama din sa cast sina Ni Dahong bilang Imperial Doctor, si Li Man bilang anak na si Chen na kasabwat sa paglason sa Reyna. At ang ina ni Chen ay ginampanan ni Chen Jin - ang unang asawa ni Emperor Ping at tunay na ina din ni Prince Xiang.

Si Li Man, bilang anak na si Chen sa pelikula

Ang theme song na Chrysanthemum Flower Bed na inawit syempre ng singing sensation na si Jay Chou.

Ang Curse of the Golden Flower ni Zhang Yimou ay kwento ng isang pamilya at ang intriga sa pagitan ng mga miyembro nito.

Kasama sa tema nito ang kasakiman sa kapangyarihan kaya sikretong nilalason ng Emperor ang Reyna. Power struggle sa mga miyembro ng pamilya at incest dahil sa relasyon ni Prince Xiang at ni Chen na magkapatid pala. Tapos ang Reyna ay kalaguyo din ni Prince Xiang,

Masalimuot ang kwento, at sangkap sa isang ma-dramang pelikula.

Poster ng pelikula

Nakatawag ng pansin sa mga movie buddies ang production design at costumes sa pelikula. Lahat ay makulay at balot ng kumikinang na ginto. Iisipin mo na sa kabila ng engrandeng pamumuhay sa palasyo sa likod nito ang nakakalungkot na buhay ng mga myembro ng pamilya ni Emperor Ping. Sa pelikulang ito lahat ay sinner o makasalanan at lahat din ay nagdurusa.

Big budgeted film ito dahil $45 million ang inilaan sa produksyon tapos kumita ito ng $79 million. Di naman nasayang dahil humakot din ito ng mga gawad sa 2007 Hong Kong Awards.

Best Actress para kay Gong Li. Best Art Direction para kay Huo Tingxiao, Best Costume and Make Up Design para kay Yee Chung-Man at Best Original Song Chrysanthemum Flower Bed para kay Jay.

Hindi nakapagtataka na manalo ito ng Best Art Direction at Best Costume & Make Up dahil sobrang mabusisi sa detalye ang pelikula. Syempre dahil si Zhang Yimou ang direktor dapat lutang na lutang ang kulay… pula, dilaw, ginto at itim. Dilaw simbolo ng kapangyarihan at ang pula simbolo ng pagdurusa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>