Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

 Overseas Filipino worker, higit na dumarami

(GMT+08:00) 2012-09-07 18:55:00       CRI

" type="video/x-ms-wmv" width="285" height="44">

LUMALAKI ang bilang ng mga manggagawang Filipino na lumalabas ng bansa. Ito ang nabatid sa pinakahuling survey na ginawa ng National Statistics Office mula Abril hanggang Setyembre noong 2011.

Sa Survey on Overseas Filipinos na ginawa, nabatid na 2.2 milyong manggagawa ang lumabas ng bansa at karamihan sa kanila'y nagtungo sa Gitnang Silangan. Umabot sa 52.2% ang kalalakihan at 47.8% ang kababaihan.

Halos kalahati (46.2) sa mga nangibang-bansa noong isinasagawa ang survey ang mula 25 hanggang 34 na taong gulang. Nabatid rin na 23.6% ay mula 25 hanggang 29 na taong gulang at 22.6% naman ang mula 30-34 na taong gulang. Mas bata ang mga kababaiwang OFW sagpatkat mula 25 hanggang 34 na taong gulang ay 51.4% na samantalang ang mga kalalakihan na nasa parehong edad ay 41.4%.

Nagmula ang karamihan ng nangibang-bansa sa Region IV-A o CALABARZON sa kanilang pag-aambag ng 16.5%. Pumangalawa ang Gitnang Luzon na mayroong 14.3% at pangatlo naman ang mga manggagawang mula sa National Capital Region (NCR) na mayroong 12.5%. Ang CARAGA Region ang mayroong pinakamaliit na bilang ng mga manggagawang nangibang-bansa sa pagkakaroon ng 1.6%.

Pinakamaraming manggagawa ang nagtungo sa Gitnang Silangan. Saudia Arabia pa rin ang pinakapaboritong puntahan ng mga manggagawang Pinoy sa pagkakaroon ng 22.6% at sinundan ng United Arab Emirtas na nagkaroon ng 14.6% at Qatar na mayroong 6.9%. Ang karamihan sa mga manggagawa ay karaniwang obrero at unskilled workers (32.7%), mga maituturing na service workers at mga tumatao sa mga tindahan at mga pamilihan (15.5%) samantalang ang mga plant at machine operators and assemblers (13.6%) kasama na ang mga trade and related workers na nagkaroon ng 12.8%.

Noong isagawa ang pag-aaral mula Abril hanggang Setyembre ng 2011, nakapagpadala ang mga manggagawang Pilipino ng my P 156.3 bilyon na mas mataas sa P 141.2 bilyon noong 2010. Umabot naman sa 73.0% nagpadala ng cash sa Pilipinas at 22.3% ang nagdala ng salapi sa kanilang pag-uwi sa bansa samantalang ang iba't sa pamamagitan ng mga kagamitan na ipinagbili sa Pilipinas (4.7%).

Karamihan sa kanila ang nagpadala ng salapi sa pamamagitan ng mga bangko (71.9%) at ang 6.2% ay sa pamamagitan ng door-to-door arrangements, may 4.7% sa pamamagitan ng kanilang mga tanggapan sa Pilipinas at sa pamamagitan ng mga kaibigan at kasama sa trabaho 0.5% at 16.8% naman ang nagpadala ng pera sa 'di pa mawaring paaran.

Ang katagang OFW sa pag-aaral ay nangangahulugan ng mga manggagawang kasalukuyan o pansamantalang nasa labas ng bansa upang tumupad sa nakatakda sa kontratang paggawa at mga manggtagawang nasa Pilipinas at nagbabakasyon sa pag-itan ng Abril at Setyembre 2011. Nakasama sa survey ang mga manggagawang walang working visa o pahintulot na magtrabaho sa ibang bansa tulad ng mga turista, panauhin o mga mag-aaral, at mayroong medical at non-immigrant visa subalit nagtatrabaho at full time ang kanilang working arrangements.

ISA ANG NASAWI, 36 ANG SUGATAN SA PANIBAGONG PANANAMBANG SA MGA MANGGAGAWA SA BASILAN

ISA ang nasawi samantalang 36 ang nasugatan sa panibagong pananambang na naganap sa Block 26, Barangay Sapah Bulak, Sumisip, Basilan Province kaninang ika-labingisa't kalahati ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Lt. Col. Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command, pinaniniwalaang mga kasapi ng Abu Sayyaf o mga armadong kalalakihang tagaroon din ang may kagagawan ng pananambang.

Ang mga biktima ay kabilang sa Tumahubong Agrarian Reform Beneficiary Development Cooperative o TARBDC.

Ayon kay Colonel Cabangbanbg, sa 36 na sugatan, lima ang nasa malubhang kalagayan. Dalawang UH-1H o Huey Helicopters na ang lumipad mga ala-una kinse ng hapon subalit kailangang lumapag kaagad dahilan sa sama ng panahon.

Mga ikalawa ng hapon, isang Evergreen helicopter ng Estados Unidos ang lumipad mula sa Edwin Andrews Air Force Base upang ilikas ang mga sugatan. Malaki rin ang posibilidad na magpadala ng barko ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa lalawigan upang kunin ang mga sugatan sa Tumahubong airstrip.

Tinutugis na ng mga kawal mula sa 4th Scout Ranger Battalion ang mga nanambang.

Ikinalungkot ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang pinakabagong insidente sa kanyang nasasakupan.

MAS MARAMING NABIKTIMA NG DENGUE NGAYONG 2012

MAS maraming nabiktima ng dengue ngayong taong ito kung ihahambing sa bilang noong nakalipas na taon. Ayon sa Disease Surveillance Report ng Kagawaran ng Kalusugan, na ipinalabas sa mga mamamahayag, may 87,649 ang nagka-dengue mula unang araw ng Enero hanggang ika-25 ng Agosto ng taong ito. Mas mataas ito ng 12.06% kung ihahambiong sa 78,218 biktima noong 2011.

Pinakamaraming naging biktima sa National Capital Region (20.1%), sa Gitnang Luzon o Region III na nagkaroon ng 15.42% at CALABARZON o Region IV-A na mayroong 14.69%.

Karamihan sa mga nabiktima ay kalalakihan (52.7%) at 40% ang mula sa isang taon hanggang sampung taong gulang. May 522 ang nasawi dahialn sa sakit na ito.

Nagkaroon ng 86 kataong nasawi dahilan sa dengue sa National Capital Region, 78 naman ang nagmula sa CALBARZON, 67 sa Timog Mindanao samantalang 64 ang namatay mula sa Kanlurang Kabisayaan.

Sa pagsusuri ng Kagawaran ng Kalusugan, sa National Capital Region, pinakamaraming nagkaroon ng dengue sa Lungsod ng Quezon sa 5,545 na kaso at umabot naman sa 2,790 ang nagka-dengue sa Maynila. Pangatlo ang Paranaque City na mayroong 1,114.

PAMAHALAAN, NAGBABALA SA PAGKAIN NG BUTETE (KEDOU)

NANAWAGAN ang pamahalaan sa mga mamamayan na huwag kakain ng butete o kedou sa wikang Tsino sapagkat ito'y tiyak na lason. Ito ang panawagan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Reosurces kasunod ng pagkamatay ng dalawang mangingisdang kumain nito noong Miyerkoles.

Nabatid na sina Randy Algodon, 32 at Rodrigo Pioquinto, 53 ang kumain ng butete sa kanilang hapunan. Matapos ang dalawang oras, nag-iba ang kanilang pakiramdam ay isinugod sa isang maliit na ospital at dinala sa Zamboanga City Medical Center. Doon na sila nasawi.

Ayon kay Director Asis Perez ng BFAR, ang pagkamatay ng dalawang mangingisda dahilan sa butete ay inaasahan niyang magiging babala sa madla na huwag na huwag kakain nito. Mas matindi umano sa cyanide ang lason nito.

Ikinalungkot niya na kahit sa Bicol ay karaniwang ipinagbibili ang butete sa pamilihan kahit pa mahigpit itong ipinagbabawal.

Mayroon na rin umanong nasawi sa lalawigan ng Quezon dahilan sa pagkain ng butete.

Ang mga katutubo, partikular ang mga magdaragat, ang mga Badjao, ay kilalang nagdiriwang sa oras na makahuli ng butete. Masarap na kainan umano ang nagaganap. Natatanggal ng mga Badjao ang lason sa butete, sabi ni Rosella Contreras, pinuno ng Fish Inspection and Quarantine Services sa Kanlurang Mindanao.

Ayon kay BFAR Deputy Director Benjo Tabios, sa Japan, ang butete na kilala sa pangalang fugu ay isang espesyal na pagkain. Nagagawa pa umano ng mga kusinerong sashimi ang laman nito. Nagaganap lamang ito kung dalubhasa angmga kusinero.

Ang tagapagbalitang ito ay nakatikim na ng butete sa isang masaganang pananghalian sa Merchantel Hotel sa Beijing kamakalawang taon.

PPCRV, NANAWAGAN SA COMMISSION ON ELECTIONS: ILABAS NYO NA ANG TALAAN NG PARTY LIST GROUPS

MAS makabubuting ilabas na ng Commission on Elections ang talaan ng mga party list groups ng mas maaga upang masuri at mapag-aralan ng madla ang mga ito.

Ito ang panawagan ni Ginang Henrietta de Villa, pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa Comelec.

Matagal na umanong nakapagdesisyon ang komisyon tungkol sa mga partidong ito subalit wala pang impormasyon kung alin-alin ang mga kalahok sa halalan.

Magugunitang sa darating na ika-lima ng Oktubre isasagawa ang pagpapaabot ng certificates of candidacy ng mga tatakbo sa halalan.

Nararapat din umanong ilabas ng komisyon ang guidelines kung paano pinili ang mga partidong ito. Ikinalungkot ni De Villa na mayroong mga partylist groups na nagwagi noong nakalipas na halalan ng wala namang grupong kinakatawan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>