|
||||||||
|
||
BUOD: Dalawang taga mainland ang pinagtagpo sa Hong Kong dahil pareho silang nakikipagsapalaran dito. Pareho silang may mga pangarap. At sabay nilang pinagsikapan na matupad ang kani-kanilang mga plano. Sa paglipas ng mga araw, naging magkaibigan ang dalawang dayo. At sa kabila ng mga hadlang di din naiwasan na mahulog ang loob nila sa isa't isa. Pero ano ang pipiliin: ang katuparan ng mga pangarap o ang pagmamahalan nila?
Poster ng Pelikula
Ito ang kwento ni Li Xiao Jun at ni Li Qiao mga bida sa pelikulang COMRADES: ALMOST A LOVE STORY.
Narito po ang credits ng pelikula:
Produced at Directed by Peter Chan
Writer Ivy Ho
Starring Maggie Cheung bilang Li Qiao
Leon Lai bilang Li Xiao Jun
Eric Tsang bilang Pao
Kristy Yang bilang Xiao Ling
Si Leon Lai, bilang Li Xiao Jun sa pelikula
Si Maggie Cheung, bilang Li Qiao sa pelikula
1996 ipinalabas ang COMRADES: ALMOST A LOVE STORY. Pero ang setting ng pelikula ay nagsimula noong 80s kung saan maraming mga taga mainland ang pumupunta sa Hong Kong dahil maraming oportunidad dito. Dito ipinakita ang mga pinag dadaanan ng mga migrant workers. Kasama dito ang pagiging crew sa McDonalds, trabahador sa tindahan ng karne, delivery boy, cook sa restoran at pagiging masahista. May magkahiwalay na trabaho sila Li Xiao Jun at ni Li Qiao pero nag negosyo din sila pero sa kasamaang palad ay minalas sila.
Ipinakita din ang napakalaking adjustment ng mga bida dahil sa kaibhan ng pamumuhay sa Wushi at Guangzhou kumpara sa maunlad at mabilis na takbo ng buhay sa Hong Kong noong dekada 80.
Dahil parehong taga mainland, pareho nilang idolo ang sikat na singer na si Teresa Teng. Ang mga kanta ni Teng ay narinig sa maraming bahagi ng pelikula. Ang awitin na Tian Mi Mi ay nagkaroon din ng malalim na kahulugan para sa dalawang bida.
Dekada 90 napadpad ng Amerika Li Qiao at Li Xiao Jun. Kung noon ay parehong may sabit, ngayon pareho na silang malaya. At sa land of opportunity, sa city that never sleeps, sa New York pwede na nila ituloy ang naudlot nilang pag-ibig.
Malakas ang on-screen chemistry ng dalawang bida kaya nakakakilig ang pelikula. Ang script ni Ivy Ho ay makatotohanan. Simple at hindi overly dramatic kaya hindi mananawa ang manonood. Ginamit ang mga kanta ni Teresa Teng para ipakita ang emosyon ng mga karakter at ang ilang tagpo sa totoong buhay ng singer ay may naging katuturan din sa pelikula. Ang mga awit at maging ang paghanga sa singer ay may ugnayan sa naging takbo ng buhay ni Li Qiao at Li Xiao Jun. Ito ay isang klasikong romantic film para sa mga movie fans na hilig ang nakakakilig na mga pelikula.
Sina Leon Lai at Maggie Cheung sa pelikula
AWARDS 16th Hong Kong Film Awards
• Best Picture
• Best Director - Peter Chan Ho-Sun
• Best Actress - Maggie Cheung Man-Yuk
• Best Supporting Actor - Eric Tsang Chi-Wai
• Best Screenplay - Ivy Ho
• Best Costume Design - Ng Lei-Lo
• Best Original Music Score - Chui Jun-Fun
Golden Horse Film Awards
• Best Picture
• Best Actress
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |