|
||||||||
|
||
Base ang pelikula sa WUSHE INCIDENT kung saan nag-alsa ang mga katutubo sa Taiwan laban sa mga mananakop na Hapon.
Poster ng Pelikula
Ang pelikula ay may 2 bersyon. Isang international version na 2:30 oras ang haba. At isang full version na tatagal ng 4.5 hrs ang panonood.
Ano ang mga interesting facets ng pelikula? Una yung kwento dahil kakaunti ang nakaka alam sa Wushe Incident na nangyari sa Taiwan noong huling bahagi ng 1890s hanggang 1930s. Hindi din kilala ang mga katutubo sa Taiwan at kung paano ang pamumuhay nila, at hindi gaanong ginagamit ang Seediq dialect na ginamit sa pelikula.
Isang malaking risk talaga para sa direktor at mga producer ang paggawa ng Warriors of the Rainbow: Seediq Bale. Hindi din sikat ang mga artista na gumanap sa papel ng mga Seediq Bale – na ang kahulugan at "real men."
Si Lin Ching Tai, sa totoong buhay ay isang Atayal village chief at pastor. Sya ang gumanap bilang matandang Mouna Rudo; Si Da Ching naman, ay kabilang din sa Atayal tribe, sya ang gumanap bilang binatang Mouna Rudo. Maging si Umin Boya actor na gumanap bilang Temu Wallis ay isa ring katutubo.
CREDITS:
Director: Wei Te-Sheng/Screenwriter: Wei Te-Sheng
Producers: John Woo, Terence Chang, Jimmy Huang
Editors: Cheung Ka-fai (international version), Chen Po-wen, Milk Su (Taiwan version)
Mga nakuhang gawad ng Warriors of the Rainbow: Seediq Bale sa 48th Golden Horse Awards
Best Film
Best Supporting Actor: Bokeh Kosang = sya yung police na may lahing Seediq
Best Score: Ricky Ho
Best Sound: Tu Duu-chih, Tang Hsiang-chu, Wu Shu-yao
Audience Award for Best Film
Best film award at the 12th Chinese Film Media Awards
CAST
Lin Ching-Tai, Umin Boya, Masanobu Ando, Bokeh Kosang, Soda Yoyu, Vivian Hsu, Lo Mei-Ling, Sabu Kawahara, Landy Wen, Pawan Nawi, Yakau Kuhon, Lee Shih-Chia, Da Ching, Lin Yuen-Jie, Chang Chih-Wei, Kimura Yuichi, Cheng Chih-Wei, Wu Peng-Feng, Haruta Junichi, Chie Tanaka, Ma Ju-Lung
Isang epiko ang Warriors of the Rainbow: Seediq Bale. Higit sa pagbibigay kasiyahan, layunin nito ang bigyan ng pansin ang isang tagpo sa kasaysayan at ibahagi ang di-mapapantayang pagka dakila at pagka bayani ng mga katutubo.
Kahit na ang kahihinatnan ng kanilang paghihimagsik laban sa mga Hapon at maaring humantong sa pagka-ubos ng kanilang lahi, matapang nilang hinarap ang hamong ito para bigyang pugay ang kanilang mga ninuno.
Nakakabilib ang mga eksena ng sagupaan na kununan sa bundok at sa mga bangin. Naipakita nito ang mga tanawin sa Taiwan na lingid sa kaalaman ng nakararaming tao. Higit sa lahat sa tulong ng pelikula nabigyan ng pagkilala ang di man nagtagumpay na pag-aalsa pero di nakapanghihilakbot na tapang ng mga seediq bale.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |