Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maayos na pamamalakad ng pamahalaan, nagbubunga na

(GMT+08:00) 2012-09-17 18:39:10       CRI

"GOOD Governance is Good Economics." Ito ang tema ng idinaos na Philippine Economic Briefing kaninang umaga sa Philippine International Convention Center na dinaluhan ng mga itinuturing na economic managers ng bansa at mga kasapi sa diplomatic corps.

Sinabi ni Gobernador Amando Tetangco ng Bangko Sentral ng Pilipinas na unti-unti nang nagbubunga ang magandang pamamalakad ng Administrasyon Aquino sa pagkakaroon ng pangmatagalang pag-unlad sa larangan ng ekonomiya na nakikita sa malakas na domestic consumer base at nadaragadang mga kalakal, masinop na matatag na paraan ng paggasta, malakas na kalagayan sa pagbabayad ng mga utang na panglabas sa pagkakaroon ng maraming foreign exchange reserves at mga ipinadadalang salapi ng mga manggagawa sa ibang bansa.

MGA REPORMA SA PILIPINAS, NAGBUBUNGA NA.  Sa magandang pagtanggap ng mga mangangalakal sa Pilipinas, nakikita na ang bunga ng mga repormang ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon.  Ito ang buod ng Philippine Economic Briefing sa PICC.  Nasa larawan ang mga economic managers na nagpapaliwanag sa madla ng mga palatuntunan upang mapanatili ang kaunlaran.

Idinagdag pa ni Gobernador Tetangco na mayroong epektibong alituntunin sa pananalapi, matipunong kalakaran ng mga bangko, pagtutuon ng pansin sa reporma ng kasalukuyang administrasyon at ang mga pagkilala ng mga credit rating agencies na nagpapatibay ng paniniwala ng mga mangangalakal at kasabay na ang pagunlad ng governance at competitive rankings.

Sa sumunod na press briefing, sinabi ni Gobernador Tetangco na lalago pa rin ang ekonomiya ng bansa mula lima hanggang anim (5-6%) na porsiyento sa taong 2012. Sa kanilang ginawang pagbabalik-aral, sa balance of payment mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito, umabot na sa $ 2.7 bilyon at mayroong surplus na 4.5%.

Sa larangan ng foreign remittances, umabot na sa $ 2 bilyon ang naipadala ng mga manggagawang Pilipino noong buwan ng Hulyo at kung ihahambing sa buwan hg Hulyo 2011, lumago ito ng ng may 5.4% kung ihahambing sa nakalipas na taon. Kung susumahin ang lahat ng remittances ng mga maggagawang Pilipino sa ibang mga bansa, umabot na ito sa $ 13.3 bilyon at mas mataas ang naipadala ngayon sapagkat umabot lamang sa 5.3% noong 2011.

Lumago rin ang banking system, ay umabot na sa $ 1.8 bilyon sa paglago ng may 5.4% kung ihahambing sa nakalipas na taon.

Samantala, ipinaliwanag naman ni NEDA Director General Arsenio Balisacan na ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay naiimpluewensyahan ng labor market sa ibang bansa. Ang pamahalaan, ayon sa kalihim ay unti-unting nagkakaroon ng mga bagong hanapbuhay partikular sa larangan ng pagsasaka at pangingisda.

Sinabi ni Aurelio Montinola III, pangulo ng Bank of Philippine Islands na nahaharap ang Europa sa mataas na bilang ng mga kabataang walang hanapbuhay samantalang nagbawas ng produksyon ang Tsina at magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng pamunuan at may mga suliraning kinakaharap sa mga karagatan sa silangang bahagi ng kanilang bansa. Mas mabagal na rin ang pagunlad ng ekonomiya ng India.

Kung noong nakalipas na panahon ay tinaguriang sick man of Asia ang Pilipinas, unti-unti na itong nakakabawi at ang katanungan ay kung kakayanin niyang maging isang triathlon athlete.

Ani Ginoong Montinola, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang paggawa ng dagdag na mga hanapbuhay at maisaayos ang business environment. Pagtuunan din ng pansin ang business process outsourcing at ang potensyal ng turismo.

Nangangamba si Ginoong Montinola nab aka sa mga nagaganap sa ibang bansa ay umuwi sa Pilipinas ang mga manggagawang nangibang-bansa. Sa business process outsourcing, kumita ito ng may $ 11 bilyon noong nakalipas na taon at nagbigay ng trabaho sa may 640,000 Pilipino. Malaki ang potensyal nitong umabot sa $ 25 bilyong na industriya at makakapagbigay ng hanapbuhay sa may isang milyon, tatlong daang libong mga Pilipino sa taong 2016.

MAY MGA KATANUNANG NARARAPAT SAGUTIN

SA idinaos na Philippine Economic Briefing, isa sa mga haligi ng kalakal sa Pilipinas ang nagtanong kung bakit naiiwanan na ang Pilipinas ng kalapit bansang Indonesia samantalang ang mga naunang manager sa mga kalakal sa Indonesia ay nagmula sa Pilipinas.

Ayon kay Ginoong Washington Sycip, nararapat ding suriin kung bakit hindi nagtagumpay ang repormang agraryo sa Pilipinas samantalang nagtagumpay naman sa Taiwan at sa Japan. Bagaman, aniya, ang repormang agraryo sa Taiwan at Japan ay pawang sa mga palayan lamang, sinaklaw na ng batas ang lahat ng lupain sa Pilipinas. Noong umanong ipinasa ang batas sa repormang agraryo, tumigil ang mga bangko na maglabas ng agricultural loans. Isinama rin ng loob ni Ginoong Sycip kung bakit ang mga nagtapos sa mga bantog na paaralan ng Pilipinas, partikular sa Los Banos, ay naging matagumpay sa larangan ng sakahan tulad ng Thailand.

Nauna na ang Thailand sa Pilipinas, ani Ginoong Sycip sapagkat kung mayroong dalawang milyong metriko tonelada ng asukal sa Pilipinas, umaabot na sa apat na milyong tonelada ang produksyon ng Thailand. Kagalang-galang umano ang mga technocrat ng Pilipinas kaya nga lamang ay mahina ang sangay ng pamahalaang gumagawa ng batas. Ipinagtanong niya kung hindi na raw ba maiimpluwensiyahan ang mga technocrat ng mga mambabatas. Ano raw ba ang katuturan ng repormang agraryo na hindi naman umuusad, sabi pa ni Ginoong Sycip.

Ipinaliwanag naman ni Kalihim Florencio Abad na ang Pilipinas na lamang ang nahaharap sa insurgency at secessionist movements na ang pinag-uugatan ay ang masalimuot na pagmamay-ari ng lupaing mabubungkal. Ani Kalihim Abad, sa pamamagitan ng repormang agraryo, nabawasan ang mga kaguluhan sa Pilipinas.

Ipinatutupad ang Comprehensive Agrarian Reform Extension with Reforms at magpapatuloy hanggang sa taong 2014. Titiyakin umanong maipamamahagi ang mga lupain sa mga nararapat tumanggap nito.

KALIHIM BALISACAN, NANINIWALANG HIGIT NA GAGANDA ANG LARANGAN NG PAGSASAKA

SA likod ng katotohanang naging consultants ang mga dalubhasang Pilipino sa Indonesia, Vietnam at iba pang bansa, walang dahilan upang 'di matamo ang Pilipinas ang inaasahang kaunlaran.

Sa isang eksklusibong panayam kay Kalihim Arsenio Balisacan ng National Economic Development Authority, sinabi niyang magagawa ng Pilipinas na umunlad sa pamamagitan ng dedikasyon at pamamaraan ng pagpapatakbo ng pamahalaan tulad ng ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.

ANG PAGKAKAROON NG MGA BAGONG HANAPBUHAY AY INAASAHAN SA MGA SUSUNOD NA PANAHON.  Ito naman ang ipinaliliwanag ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan (Pangalawa mula sa kanan) sa isang eksklusibong

Sa paglipas ng panahon, nagiging kapani-paniwala ang mga repormang ipinatutupad ng administrasyon.

Sa larangan ng pagsasaka, tumanggi si Kalihim Balisacan na sabihing mas maganda ang mga sakahan kung malalaking korporasyon ang mangangasiwa sapagkat mayroong kakaibang pisil ang sakahan. Mayroon umanong mga pag-aaral na ginawang nagpapakita na mayroong mga pananim na mas maganda kung korporasyon ang magpapatakbo subalit mayroon ding mga pananim na maganda kung nasa kamay ng mga maliliit na magsasaka. Bilang isang maniniliksik, depende sa kinalalagyan, uri ng pananim at kapaligiran. Inihalimbawa niya ang palay na maayos na napapalaki sa pamamagitan ng small scale farms tulad rin ng mga gulayan kahit na ang asukal, mayroong mga natatamnan ng tubo na nasa kamay ng mga kooperatiba.

Ito rin ang totoo sa larangan ng saging na may malalaking korporasyon at mayroong mga kooperatiba na nagiging contract growers.

PHILRICE PALALAWAKIN ANG PAGGAMIT NG HYBRID SEEDS

PALALAWAKIN ng Philippine Rice Research Institute sa Negros Occidental ang kanilang produksyon ng hybrid rice seeds ayon sa kahilingan ni Kalihim Proceso J. Alcala.

Ayon kay Engr. Leo Javier, layunin ng Kagawaran ng Pagsasaka ay may isang libong ektarya na tatamnan sa Kabisayan at Mindanao mula sa 2013 upang matamo ng Pilipinas ang self-sufficiency sa bigas.

Itatanim ang mga hybrid sa may 50,000 ektarya sa buong bansa sa susunod na taon.

Sa kahilingan ni Kalihim Alcala, sinabi ni Engr. Javier na ang 61 ektaryang lupain ng PhilRice ay tatamnan ng binhi upang pakinabangan ng mga magsasaka.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>