Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Information Technology patuloy pang lalakas sa bansa

(GMT+08:00) 2012-09-20 17:09:44       CRI

 

MAGANDA ANG HINAHARAP NG CALL CENTER INDUSTRY SA PILIPINAS. Ito ang karaniwang larawan ng mga call center sa Pilipinas, isa sa lumalagong industriya sa nakalipas na ilang taon. Tinataya ng mga nasa Information Technology at Business Process Outsourcing na higit na gaganda at lalago ang industriya sa mga susunod na taon. Target nila na matamo ang $ 25 bilyon halaga ng kalakal at pagkakaroon ng hanapbuhay sa may 1.3 milyong Pilipino.

NANANATILING maganda ang kinabukasan ng information technology at business process outsourcing sa Pilipinas sa nalalabing bahagi ng 2012.

Ayon kay Benedict Hernandez, Pangulo ng Call Center Association of the Philippines at Chief Executive Officer ng Business Processing Association of the Philippines, sa kanyang ibinigay na Midyear Economic Update sa harap ng mga nangungunang economic managers ng Pilipinas, malaki ang posibilidad na lumago ang kalakal at industriya.

May 100% ng mga malaki-laking kumpanya ang umaasang lalago ang kanilang kalakal ngayong taong ito. Nananatiling nangunguna ang mga contact center at lalago pa ng higit sa 15%. Mas magiging mabilis ang Information Technology, Corporate Services, GICs (Global Inhouse Centers) at Healthcare kung ihahambing sa 41% paglago ng mga sektor na ito noong 2011.

Idinagdag pa ni Ginoong Hernandez na ang Pilipinas ay kabilang pa rin sa mga nangungunang pinaglalagyan ng mga IT-BPO companies tulad ng India, Tsina at Malaysia. Nadarama ng mga komunidad ang paglago ng kalakal sa pagkakaroon ng hanapbuhay ang mga kabataan sa mga call center sa kanilang mga lugar.

Sa paglipas ng taon, umaabot sa 20% ang iniunlad o inilalago ng mga kumpanyang nasa IT at BPOs. Higit umanong gaganda ito sa pagpapatuloy ng Public-Private Partnership sa human capital development initiatives. Mas magiging maganda kung maipagpapatuloy ang mga incentives na ibinibigay ng pamahalaan sa mga kumpanyang nasa kalakal ng IT at BPO sa Pilipinas, pagpapaluwag ng kalakaran ng kalakal at mas maayos na kapayapaan at kaayusan sa buong bansa. Higit na sisigla ang industrya kung mababawasan ang peligrong dulot ng mga trahedya tulad ng pagbaha.

Layunin ng industriya na makarating sa $ 25 b ang kita ng industriya sa taong 2016 at 1.3 milyong mga manggagawa.

Binigyang-diin ni Ginoong Hernandez na ang mabuting pagpapatakbo ng pamahalaan at kalakal ay nangangahulugan ng magandang industriya. Ipinaliwanag din niya na ang Voice BPO ang mayroong halos 415,000 na kawani,

Mas maganda umano kung may mga magtatayo ng call centers sa mga lalawigan. Sa ngayon, 75% ng mga call center sa Pilipinas ay nasa Metro Manila lamang na mayroong 25% ng mga nagtapos ng pag-aaral ang nasa kanilang mga kumpanya. Pumapangalawa ang mga call center sa Gitnang Luzon, pangatlo naman ang nasa Kanlurang Kabisayaan, pang-apat ang nasa Gitnang Kabisayaan at panglima naman ang nasa Davao-General Santos area.

Ipinaliwanag ni Ginoong Hernandez kung bakit nasa Pilipinas ang mga kumpanyang nasa business process outsourcing. Ang Pilipinas umano ang ikatlong bansang nagsasalita ng Ingles, ika-12 sa pinakamaraming taong bansa, at mula sa 90 milyong mamamayan, higit sa 39 na milyon ang kabilang sa hanay ng mga manggagawa, mayroong 500,000 kabataang nagtatapos ng kolehiyo taun-taon ay mayroon ding 93% na literacy rate.

Isang bagay pang nakakatulong sa Pilipinas ay ang mga araling legal at may kinalaman sa accounting ay halaw sa mga bansang nasa Kanluran.

Ang halaga ng pasahod sa English-speaking professionals ay kabilang sa pinakamababa sa buong daigdig. Kung isasama ang gastos sa pangkalahatang operasyon ng call centers ay isa sa pinakamababa sa buong mundo at higit sa lahat, hindi gasinong mabigat ang epekto ng inflation sa kalakal.

Hamak na mas mura ang mga de kalidad na real estate kahit sa mauunlad na lungsod. Mura din ang telecommunications infrastructure at maasahan din ang mga gusaling nakatayo. Mura din ang mga sasakyang magagamit ng kga kawani.

Napatunayan na rin ang magandang record na nagawa ng Pilipinas sa business process outsourcing sapagkat nanatiling nangunguna ang bansa sa Voice, customer care, technology, financial services, sales and collection.

Mayroon ding kakayahan ang mga Pilipino sa mga wikang mula sa Asia at Europa. May kakayahan din ang mga Pilipino sa analytics at KPO capabilities.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>