Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Misyonero, maliwanag pa ang gunita sa batas militar

(GMT+08:00) 2012-09-21 18:16:39       CRI

Misyonero, maliwanag pa ang gunita sa batas militar

HINDI malilimot ni Fr. Ramon "Mon" Fruto, isang misyonero ng Congregation of the Most Holy Redeemer, ang kanyang karanasan noong Batas Militar, may 40 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Fr. Mon, lubha silang nabahala noong ideklara ang Martial Law noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Bukod sa pagkabahala, nanaig ang kawalan ng katiyakan sa mga posibleng magaganap, kung ano ang ipagbabawal o ano ang papayagan sapagkat walang sinuman ang nakaranas na mapasailalim ng Batas Militar. Hindi nila batid kung ano ang mga ipagbabawal at kung ano ang pressures. Sa pagsisimula ng mga pagdakip, lubha silang nalungkot sapagkat walang katiyakan kung ano ang ipagsusumbong laban sa kanila. Naramdaman nila ang kawalan ng kalayaan lalo't isinara ang mga himpilan ng radyo't telebisyon kasama na rin ang mga pahayagan.

Nawalan ng kamalayan ang mga Pilipino sa nagaganap at umasa na lamang ang mga mamamayan sa broadcast ng BBC sa London at Radio Australia para sa mas makatotohanang mga balita. Sa pagsasara ng Congreso at Corte Suprema, tila nabusalan na ang mga mamamayan.

Idinagdag ni Fr. Mon na nagkaroon ng mumunting kaunlaran dulat ng magiging disiplinado ang mga mamamayan sapagkat nagkaoon din ng curfew. Gumanda rin ang daloy ng mga sasakyan. Kaya nga lamang ay naging panakip-butas lamang ang mga pangyayaring ito.

Ipinaliwanag ni Fr. Fruto na sa yaman ng pamahalaan, sapat na sana ito upang mapigil ang gawain ng mga armadong komunista. Ayon sa misyonero, kung talagang malakas ang mga Komunista at mapapabagsak ang pamahalaan, bakit kinailangan pang magkaroon ng director sa ambush ni Kalihim Juan Ponce Enrile? Ang dahilan umano ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pag-iipon ng poder at kayamanan ng bansa.

Nagunita niya ang pagdakip sa noo'y seminaristang si Fr. Amado Picardal na naging biktima ng torture. Nagkasakit siya sa bato sa pagpapahirap na kanyang naranasan. Bale wala pa umano ang karanasang ito ni Fr. Picardal kaysa doon sa mga sumailalim sa NAWASA treatment na ginamitan ng water hose sa bibig at pinadaluyan ng tubig at ang MERALCO torture na ginamitan ng kuryente ang mga pribadong bahagi ng katawan. Marami umanong itinago sa "safehouse" kaya't nahirapan ang mga magulang at mga kamag-anak sa paghahanap sa kanila. May isang parish worker na halos nalugas ang mga ngipin sa pahirap na dinanas.

Hanggang ngayo'y nawawala pa si Fr. Rudy Romano, isang desaparecido, at pinaniniwalaang patay na. Ginawa ng mga Redemporistang misyonero ang paghahanap sa kanya. Nakarating na rin sa international community ang kanyang pagkawala hanggang sa Timog Asia, sa Ireland, sa Australia, sa Europa at Hilagang America. Wala umanong pagpapatawag na magaganap sapagkat wala namang humingi ng tawad mula sa mga may kagagawan ng pagkawala ng misyonero.

Nagbago na umano ang kalakaran. May pag-asang matatamo na ang katarungan sa pamamagitan ng mga hukuman subalit mas maraming nararapat gawin kung maipadarama ang kalayaan – partikular ng mga mahihirap at walang poder. Marami pa umanong usapin ng mga naging biktima ng mga pagpaslang ng mga kalaban sa larangan ng politika, pagpaslang sa mga mamamahayag, atbp. Nararapat madama ang benepisyo ng kalayaan sa pamamagitan ng pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan. Binigyang-diin ni Fr. Mon na ang kaunlaran ay magkakatotoo kung hindi na mangingibang-bansa ang mga Pilipino at iiwanan pa ang pamilya magkatrabaho lamang.

Si Fr. Ramon Fruto ay 81 taong gulang na, nakaranas ng mga pangyayaring may kinalaman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kainitan ng Cold War. Naordenan sa pagkapari sa kanilang seminaryo sa India noong 1957 noong ang mga panalangin at Misa ay nasa wikang Latin. Nagpapasalamat umano siya sa kanyang buhay at kakayahang maisalaysay ang kanyang naging karanasan.

KAGAWARAN NG EDUKASYON GAGAMIT NA NG GOOGLE APPS

GAGAMITIN na ng Kagawaran ng EDukasyon ang Google Apps for Education. Higit sa 600,000 mga guro, mga tauhan at mga administrador sa buong bansa ang magkakaroon ng iisang electronic mail, chat at calendar system sa pamamagitan ng Gmail, Google Talk at Google Calendar) at cloud collaboration tools tulad ng Google Docs, Google Sites at Google Groups upang higit na maging madali ang komunikasyon.

Ayon kay Assistant Secretary Reynaldo Laguda, ang DepED is isang malaking organisasyon na mayroong 200 dibisyon at 45,000 mga paaralan na nakalagay sa may 7,000 mga pulo. Ito ang isang paraan upang mapadali ang komunikasyon. Sa pagkakaroon ng E-Mail or web-mail service ay makatitiyak sila ng madaling pagpapalitan ng impormasyon.

Mula sa pagsasaayos ng mga ulat hanggang sa pagbababahaginan ng teaching materials, ang Google Apps ay magagamit sa pagtutulungan at pagpapalitan ng datos "in real time."

Sinabi naman ni Samuel Cheung, Goggle Apps Supporting Program Regional manager para sa South East Asia na natutuwa ang kanilang tanggapan na suportahan ang DepEd na magamit ang web upang matulungan ang mga mag-aaral.

Inilunsad ngayong hapon ni Kalihim Bro. Armin Luistro, FSC, ang programa ang magbibigay sa DepEd at sa 16 na milyong guro at mag-aaral sa buong daigdig ng pagkakataong pakinabangan ang Google Apps for Education.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>