|
||||||||
|
||
Sa kanyang pambungad na pananalita sa Seminar Tungkol sa Pamumuhunan sa Pilipinas, sinabi ni Raly Tejada, Konsul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Guangzhou na patuloy na sinusuportahan ng Pilipinas ang pagpapalago ng ugnayang ekonomiko sa Tsina.
Nagtalumpati si Raly Tejada, Konsul General ng Pilipinas sa Guangzhou, sa aktibidad na "Business Opportunity in the Philippines
Ayon kay Tejada, mula Enero hanggang Agosto ng 2012, ikatlo ang Tsina sa trade partners ng Pilipinas. At kung isasama ang kalakalan sa pagitan ng Hong Kong mangunguna na ang Tsina at maituturing na pinakamalaking partner ng Pilipinas.
Sa unang 8 buwan ng taong kasalukuyan, nakalap ng Pasuguan mula sa Chinese Customs Bureau na umabot sa $12.69B ang kalakalan ng dalawang bansa at tumaas ito ng 10.8%.
kinapanayam si Machelle Ramos si Konsul General Raly Tejada
Dumalo din sa nasabing seminar si Wu Hai Qin, kinatawan ng Kagawaran ng Komersiyo ng Guangxi. Sa kanyang tagung-talumpati sinabi nyang matapos ipatupad ang CHINA ASEAN Free Trade Area o CAFTA tumaas ang trade bolyum sa pagitan ng Pilipinas at Guangxi ng 16.2% at umabot ito sa $32.25B.
Iminungkahi ni Qin ang ilang hakbang para dumami ang kooperasyon sa ibat ibang larangan at magbukas ng mas maraming pagkakataon para sa mga bahay kalakal mula sa Pilipinas at Guangxi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |