Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Produkto at Serbisyong Alok ng Pilipinas, positibong tinanggap

(GMT+08:00) 2012-09-24 14:38:36       CRI

"Ginagawa namin ang lahat para masigurong makakuha ng mga mamumuhunan at makipagkalakalan dahil ito'y lilikha ng maraming trabaho. At ito ang hangarin ng pamahalaan ngayon dahil ang mga trabaho ang tugon sa pagpawi ng kahirapan."

Ito ang ipinahayag ni Trade Usec. Crispino Panlilio, sa kanyang pagdalo sa Ika 9 na China ASEAN Expo dito sa Nanning, Guanxi ngTsina

Sa kasalukuyan kabi-kabila mga pulong na dinadaluhan ng mga kinatawan ng Clark at San Fernando, mga Cities of Charm ng Pilipinas. Ayon kay John Boakes ng Perigrine, kumpanyang nasa likod ng Global GatewayLogistics City, positibo ang pagtanggap ng mga opisyal at negosyanteng Tsino at malaki ang interes sa pag-tatayo ng negosyo ng mga hotels sa Clark.

Si John Boakes ng Perigrine, kumpanyang nasa likod ng Global Gateway Logistics City

Ibinahagi naman ni Kate Pineda ng DTI na ang mga produktong pagkain talaga ang bestsellers at may alok para iluwas ang mga ito sa Tsina .

                                                                                              Kinapanayam ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino si Kate Pineda ng DTI

Dagdag pa ni Renato Remanes kinatawan ng Kagawaran ng Agrikultura na malaki ang naitulong ng CAEXPO sa pagpapakilala sa pagpasok ng produktong Pinoy sa pamilihang Tsino.

 Si Renato Remanes, Kinatawan ng Kagawaran ng Agrikultura: Malaki ang naitulong ng CAEXPO sa pagpapakilala sa pagpasok ng produktong Pinoy sa pamilihang Tsino.

Isang halimbawa nito ang virgin coconut oil na naging pangunahing produkto sa nagdaang mga CAEXPO. Ngayong taon isa na namang bukod tanging produkto ang mabentang-mabenta. Ito ang pili nut ng Bicol. Marami din ang interesadong mag-angkat ng mangga mula sa Pilipinas。

Di pa man tapos ang CAEXPO, marami nang plano ang Pilipinas para sa susunod na taon dahil magiging Country of Honor ito sa Ika10 CAEXPO.

At maghahanda na ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Dept. of Agrikulture at Dept. of Trade and Industry para maging matagumpay ang pagtatanghal ng Pilipinas sa 2013.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>