|
||||||||
|
||
October 14, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
TAWA NA
Mandaue City, Cebu, Philippines
Nagdiwang daw ng kapistahan kahapon ang Lady of Fatima Parish sa Mandaue City, Cebu. Happy fiesta sa lahat ng mga taga-Mandaue at advance happy birthday na rin kay Jeffy Sumilhig ng nabanggit na lunsod. Sana mapuspos ng pagpapala ang kaarawan mo, Jeffy.
Nagbalik na ng Pinas si Bro. Felix Pecache ng Methodist Church Manila. Nagpadala siya ng postcard at sabi niya sa kaniyang mensahe, mas lalo pa raw lumalim ang impression niya sa China nang mabisita niya ito for the second time.
Mabuhay ka, Brother Felix!
Bigyang-daan natin ang e-mail ni Margie Pinto ng Zambales. Sabi ng kaniyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta ang Serbisyo Filipino? I mean, ang work ninyo?
Bookmarks para sa mga Tagapakinig
Maraming salamat sa bookmarks at sa postcards ng magagandang views sa China. Isinama ko lahat sa mga koleksiyon ng ipinadadala ninyo sa amin.
Pinakikinggan ko nang buung-buo ang transmission ninyo sa gabi, mula sa balita hanggang sa pinakahuling feature program. Wala akong itulak-kabigin sa inyong mga programa. Tinutupad ko ang pangako kong itataguyod ang inyong mga programa.
Gusto ko sanang i-suggest na dagdagan ninyo ang oras ng inyong mga music program na Pop China at Gabi ng Musika. Kaunti lang ang napapatugtog ninyong kanta dahil sobrang iksi ng oras.
May ipakikiusap lang sana ako, Kuya Ramon. Puwede bang makipag-appointment sa telepono? Meron kasi akong gustong idulog sa iyo na personal na problema. Hindi ko maaring isulat. Sabihin mo lang kung kailan kita puwedeng tawagan.
Next time na lang ako magbibigay ng comment hinggil sa mga special programs ninyo, ha? Tapusin ko muna itong problema ko.
Umasa ka na unang-una ako sa mga mag-aabang ng Gabi ng Musika sa Linggong darating.
Thanks, Kuya Ramon.
Margie Pinto
San Marcelino, Zambales
Philippines
Salamat sa e-mail, Margie. I-text mo na lang sa akin ang telephone number mo at ako na lang ang tatawag. Tingnan natin kung ano ang problema mo, okay?
I AM HYPNOTIZED
LUO ZHIXIAN
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Luo Zhixiang sa awiting "I Am Hypnotized," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Tunghayan naman natin ang maiikling liham nina Brenda Santos ng Bataan General Hospital at Zeny Rubio ng Cainta, Rizal.
Sabi ni Brenda:
Hi, Kuya Ramon!
Kumusta ba buhay-buhay diyan sa Beijing? Lagi akong nakikinig sa mga programa ng Serbisyo Filipino kung gabi at pagkatapos ng inyong mga programa, sa English Service naman. Ipinagmamalaki ko ang inyong language service dahil nakatuon ito sa mga kababayang Pilipino dito sa Pinas at sa abroad. Iyong sa English Service, para sa Asia and the Pacific. Kasama ako sa grupo ng masusugid ninyong tagapakinig na nakaupo sa tabi ng radyo tuwing 7:30 ng gabi.
Sabi naman ni Zeny:
Hi, Kuya RJ! Salamat sa mga tips at advice. Malaking tulong ang mga ito sa aming pang-araw-araw na pamumuhay.
Sang-ayon ako sa sinabi mo sa isang kababayan sa Hong Kong. Mahirap talagang labanan ang tukso, kaya ang pinakamabuti ay iwasan natin ang tukso at ang matukso. Dapat ikintal ito sa isip ng mga kababaihan natin na nagtatrabaho sa abroad.
Sana manatili kang malakas at malusog, Kuya RJ Kailangan ka namin.
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe, Brenda at Zeny.
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat Super DJ!
KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR
(AVRIL LAVIGNE)
Avril Lavigne at ang awiting "Knockin' on Heaven's Door," na buhat sa kaniyang album na may pamagat na "My World."
Tunghayan naman natin ang mga mensaheng SMS...
Sabi ng 917 466 2270: "Salamat sa transistor radio, Kuya Ramon. Malinaw kong napapakinggan ngayon ang mga programa ninyo tuwing gabi. Susunod, pagtutuunan ko naman ng pansin website ninyo."
Sabi naman ng 928 442 0119: "Super salamat sa QSL, Kuya Ramon. Akala ko QSL card lang ipadadala mo. May kasama pa pala itong munting alaala. Kahit hindi mo sabihin, alam ko na ito ay mula sa puso."
Sabi naman ng 910 435 0941: "Tama ang sabi ng listener ninyo, Kuya Ramon. Charity begins at home and honesty may not always be the best policy."
Sabi naman ng 928 651 9883: "Hindi maaring hindi ako makinig sa Gabi ng Musika mo kung Linggo, Kuya Ramon. Gabi ng Musika ang Kuya RJ make a big difference in my life."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |