Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!--WHITE DEER PLAIN

(GMT+08:00) 2012-10-31 11:15:50       CRI

Isasara namin ang buwan ng Oktubre sa pamamagitan ng pagtalakay sa isang pinag uusapang pelikula dito sa mainland ang White Deer Plain o "Bai Lu Yuan".

Poster ng pelikula

Napanood ko ang pelikulang ito sa isang special media screening sa Nanning, Guanxi para sa mga taga CRI. Sponsored ito ng Guanxi Radio para sa mga bisita nila mula sa Beijing. At nakasama ko ang ilan sa mga taga South East Asia Broadcasting Center sa panonood ng White Deer Plain.

Si Zhang Yuqi, bilang Tian Xiao'E sa pelikula

Si Duan Yihong, bilang Hei Wa sa pelikula

Si Zhang Fengyi, bilang Bai Jiaxuan sa pelikula

Halos 3 oras ang haba ng pelikula. Mukhang talagang sinulit ni WANG QUAN'AN ang kanyang pagkakataon para i-direk sa pelikula. Base ito sa novel ni Chen Zhongshi. Bilang summary, ang pelikula ay tungkol sa dalawang pamilya. Ang Pamilyang Bai at ang Pamilya Lu at ang kanilang mga naging alitan at pinagdaanan mula 1910 hanggang 1938. Naging backdrop ng pelikula ang pagbagsak Qing Dynasty at ang tunggalian ng mga Komunista at Nationalista.

Sina Hei Wa at Tian Xiao'E sa pelikula

Sa gitna nito naiipit ang mga mamamayan na dumanas ang matinding kahirapan, gutom at pagmamalabis at kalupitan ng mga namumuno. Ang mga nagkakasala ay binibitay o kaya ay pinupugutan. Para naman sa mga di-malalang mga kasalanan, hagupit ng matinik na sanga sa harap ng taong-bayan ang kaparusahan.

Larawan ng pamilya Bai

Tagpo matapos ang paghahagupit sa harap ng publiko

Dahil base sa isang sikat na nobela, matindi ang expectations kay Wang Quan'an. Masusubok ang galing ng batikang direktor na dalawang beses nang nanalo sa Berlin International Film Festival. Noong 2007 una niyang napanalunan ang Golden Bear para sa Tuya's Wedding. At noong 2010 nanalo din ng Silver Bear para sa Script ang kanyang pelikulang Apart Together.

Tagpo bago sunugin ang  wheat fields

Si Zhang Yuqi (bilang Tian Xiao'E sa pelikula) ay pinarusahan dahil sa pakikiabit

At sa 2012 Berlin International Film Festival, nanalo ng Silver Bear for Cinematography ang White Deer Plain kung saan kinilala ang masining na mga kuha ni Lutz Reitemeier

Kinapanayam nila Machelle at Andrea sina Lei De Xin para alamin kung bakit kontrobersiyal ang pelikula lalong lalu na ang mga sex scenes. At mula sa interbyu kay Vera nagkaroon ng paghahambing ang nobela at ang bersyon nito sa pelikula.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>