Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!--Infernal Affairs III

(GMT+08:00) 2012-11-07 16:42:05       CRI

Infernal Affairs 3 ang kadugtong ng Infernal Affairs 1 na tinatalakay ng movie buddies ilang buwan na ang nakalilipas.

Poster ng pelikula

Baka malito kayo – kadugtong talaga ng 1 ang 3, dahil ang ikalawang installment ng Infernal Affairs ay wala talagang kinalaman sa orihinal na istorya ni Yan at Ming.

Si Tony Leung sa pelikula

Si Andy Lau sa pelikula

Ang IF 3 ay "pagpapatuloy" at "paglingon" sa kwento ni Yan – pulis na nagpapanggap na triad at ni Ming isang myembro ng triad na nasa hanay naman ng kapulisan.

"Pagpapatuloy" dahil ipinakita nito ang events 10 months at ang kalagayan ni Ming – papel ni Andy Lau. At "paglingon" dahil nag flashback ito 6 months bago ang malagim na pagkamatay ni Yan - papel ni Tony Leung.

Si Lai Ming sa pelikula 

Si Chen Daoming sa pelikula

Sa IF 3 nakita natin na demote si Ming, divorced at medyo napra-praning. Bukod sa mga dating bida, may mga bagong karakter ang ipinakilala sa IF3. Kasama dito sina Daoming Chen bilang Shen ang gun runner mula sa Mainland at si Leon Lai bilang boss ng elite squad ng pulis na si Leung.

Talakayan

• Komento sa paggamit ng direktor ng mga flashback? Nakakalito ba kapag bumabalik na sa kasalukuyan ?

• Nakatago ang tunay na identidad ni Shen at ni Leung. Malinaw bang naipakita kung paano naging magkakakampi sina Yan, Leung at Shen?

• Ano ang masasabi sa ending? Satisfied ba sa pagkaka-resolba ng kwento?

Isang mind boggling action thriller ang Infernal Affairs 3. Isa ito sa mga pelikulang ipinagmamalaki ng Hong Kong cinema. Malalim at pinag isipan ang istorya. Malinis na itinagni ang mga hibla ng kwento ng unang labas ng Infernal Affairs sa ikatlong bahagi ng Infernal series. Pulido ang pagkaka-direk ni Andy Mak at di nya binigo ang mga manonood na hanap ay isang pang-matalinong pelikula. Sa acting naman di mapipintasan ang mga superstars na sina Andy Lau at Tony Leung. Pero medyo kulang sa buhay ang pagganap ni Leon Lai sa kanyang papel.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>