Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, bumati sa mga Tsino sa pagpupulong ng Central Party Committee

(GMT+08:00) 2012-11-12 17:09:47       CRI

BINATI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang Tsina sa pagtitipon ng mga bumubuo ng 18th National Congress ng Communist Party of China na nagsimula noong Huwebes at matatapos sa susunod na ilang araw.

Sa isang exlusive interview kanina, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na maayos ang pagpapalit ng namumuno sa bansa sa pamamagitan ng desisyon ng kongreso nito.

Ikinagalak ni Pangalawang Pangulong jejomar C. Binay ang kinahihinatnan ng 18th National Congress of the Communist Party of China.  Sa panayam, sinabi niyang umaasa siyang magiging bukas ang hahaliling liderato sa paglutas sa payapat at diplomatikong paraan sa mga di pagkakaunawaan sa South China Sea

Idinagdag pa niya sa kanyang pagkaka-alam ay malawak ang karanasan sa pamumuno ng papalit, ang kasalukuyang pangalawa sa pinakamataas sa bansa, si Pangalawang Pangulong Xi Jinping. Ayon sa pangalawang pangulo ng Pilipinas, umaasa siyang magiging bukas ang magiging pinuno ng ikalawa sa pinakamayamang bansa sa paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.

Sa katanungang hindi gasinong pansin ng mga Pilipino ang nagaganap sa Tsina dahilan sa halalan sa America, sinabi ni Ginoong Binay na mayroong naunang pahayag si Ginoong Xi na hindi nangangamkam ang Tsina.

Taos-puso ang kanyang pagbati sa mga hahaliling pamunuan sa Tsina kasabay ng panalangin na sana'y malutas sa payapa at dilomatikong paraan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Narito ang buod ng aking panayam kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay mula sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace, Pasay City.

PANGALAWANG PANGULONG BINAY, LUMIHAM SA HARI NG SAUDI

IPINAKIUSAP ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kay Haring Abdullah Bin Abdulaziz Al Saud ng Saudia Arabia na huwag munang ituloy ang parusang kamatayan kay Joselito Lidasan Zapanta, isang Filipino na nahatulan sa pagpaslang sa isang Salah Imam Ibrahim.

Nauna nang nakiusap si Pangulong Aquino kay Haring Abdullah noong nakalipas na buwan. Ipinakiusap nina Pangulong Aquino at Ginoong Binay sa hari na payagan ang pamilya ni Zapanta na makalikom ng limang milyong Saudi Rial na hinihiling na kabayaran ng pamilya ni Salah.

Tumutulong na ang pamahalaan ng Maynila na makalikom ng blood money subalit hanggang kamakalawa ay tanging 400,000 SR pa lamang ang naiipon. Hindi pa rin makumbinse ang mga naulila ng napaslang na babaan ang kanilang hinihiling na blood money. Nakatitiyak na ipatutupad ang parusa sa oras na hindi mabayaran ang danos sa darating na Miyerkoles, ika-14 ng Nobyembre.

SA LARANGAN NG KALAKAL, MGA NAMILI NG SASAKYAN DUMAMI

MASAYANG ibinalita ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI) na maganda ang simula ng huling tatlong buwan ng taong 2012 sapagkat sa buwan ng Oktubre ay nakapagbenta ang mga kumpanyang kasapi sa CAMPI ng 15,081 na unit na kumakatawan sa 17% ng inilaki nito sa benta noong Setyembre na 12,857 units.

Nangyari ito sa normal na supply at agresibong promosyon na inilunsad ng iba't ibang kumpanya. Malakas din ang ekonomiya at nadagdagan ang purchasing power ng mga Filipino.

Kung sa paramihan ng mga kotseng nabili mula Enero 2012 hanggang ngayong araw na ito, natamo ng Toyota Motor Philippines ang 42% ng pamilihan. Sinundan ito ng Mitsubishi na nagkamit ng 22% samantalang ang Honda ay nagkaroon ng 8%. Ang Isuzu ay kinakitaan ng 7% samantalang ang Ford ay nakakuha ng 5% sa Mercado.

Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, sila'y natutuwa sa magandang bilang na natamo noong Oktubre. Dahilan ito sa agresibong pagbebenta ng mga sasakayan na sinabayan ng pagpasok ng mga bagong modelo sa susunod na buwan. Klaradong senyal umano ito na malakas ang ekonomiya at ayon sa binalak na programa ng kanilang samahan ang nagaganap ngayon.

BAGONG ARSOBISPO NG CACERES, ITATALAGA SA MIYERKOLES

PANGANGASIWAAN ni Arsobispo Leonardo Z. Legazpi ang pagluluklok ng kanyang kahalili sa Arkediyosesis ng Caceres sa Miyerkoles sa Metropolitan Cathedral sa puso ng Lungsod ng Naga.

Itatalagang bagong arsobispo si Arsobispo Rolando Octavo Joven Tria Tirona, OCD na isinilang sa Maynila noong ika-22 ng Hulyo, 1946 sa Sampaloc, Maynila. Siya ang magiging ika-33 Arsobispo ng Caceres mula ng maitatag ito noong 1595. Naging kabilang sa Order of Discaled Carmelites noong 1967 at na-ordenan sa pagkapari noong ika-21 ng Abril 1974. Hinirang siyang Auxiliary Bishop ng Maynila noong ika-15 ng Nobyembre 1994. Naordenan sa pagka-obispo noong ika-29 ng Disyembre, 1994. Pinangalanang Apostolic Administrator ng Malolos noong Enero 1996 at ginawang Obispo ng Infanta noong ika-28 ng Hunyo 2003. Hinirang siya ni Pope Benedict XVI bilang metropolitan Archbishop of Caceres

Magsisimula ang rito ng pagtatalaga sa ganap na ika-sampu ng umaga. Babasahin ang liham mula sa Holy See sa pagsisimula ng okasyon.

Kabilang sa okasyon ang pagbibigay-galang ng mga kinatawan ng religious communities, civic at government leaders kabilang ang mga kumakatawan sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Na sa ilalim ng Arkediyosesis ng Caceres ang mga Diyosesis ng Legazpi, Daet, Sorsogon, Masbate, Virac at Libmanan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>