Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Miriam Defensor-Santiago: Tsina ang nararapat bigyang pansin

(GMT+08:00) 2012-11-14 18:42:24       CRI

Senador Miriam Defensor-Santiago: Tsina ang nararapat bigyang pansin

TSINA ang nararapat bigyan ng pansin ng Pilipinas. Ito ay sapagkat napakalapit nito sa kapuluan. Ito ang paniniwala ni Senador Miriam Defensor-Santiago na kagulat-gulat ang pagtrato ng Estados Unidos sa kanilang kabalikat sa Asia.

Sa isang ambush interview sa Senado, sinabi ni Senador Santiago na ang Pilipinas ang siyang kabalikat ng Estados Unidos sa bahaging ito ng mundo. Patunay dito ang pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement. Nakapagtataka nga lamang kung bakit tila maliit ang tingin ng State Department ng America sa Pilipinas, dagdag pa ng bantog na mambabatas.

Lumabas sa balitang dadalaw ang bagong halal na muling Pangulong Barack Obama sa Myanmar, Thailand at Cambodia sa susunod na ilang araw subalit hindi dadalaw sa Pilipinas.

Idinagdag ni Senador Santiago na bagamat mayroong mga nababalitang pagtutunggali sa loob ng Communist Party of China, malaki ang posibilidad na magkaroon ng tunay na pagbabago. Sa kabilang dako, ipinaliwanag ng senador na maaaring ipagpatuloy ang kasalukuyang mga palatuntunan o programa.

Nararapat galingan pa ng Pilipinas ang pakikipag-usap nito sa Tsina sa mga susunod na araw, dagdag pa ni Senadora Defensor-Santiago.

Pangulong Aquino, dadalo sa 21st Asean Summit sa Cambodia

NAKATAKDANG umalis si Pangulong Aquino patungong Phnom Penh, Cambodia sa darating na Sabado, ika-17 ng Nobyembre para sa 21st Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits na nakatakdang simulan sa Linggo, ika-18 hanggang sa Martes, ika-20 ng Nobyembre.

Ayon sa balita ng Malacanang, ang tema ay ASEAN: One Community, One Destiny bilang paghahanda para sa ASEAN Community sa 2015.

Pormal na sisimulan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang pagtitipon sa opisyal na paglulunsad ng ASEAN Institute for Peace and Reconciliation at Regional Comprehensive Economic Partnership.

Ang programang ito ang naglalaman ng ASEAN-led process nang pakikipag-usap sa dialogue partners at iba pang external economic partners.

Lalagdaan din ang ASEAN Human Rights Declaration na naglalaman ng panuntunan at magiging gabay para sa mga pagkilos na layuni'y isulong ang regional cooperation on human rights.

Makikipagpulong din siya sa siyam na pinuno ng ASEAN at sa EAST Asia Summit partners.

Tatalakayin umano ni Pangulong Aquino sa pakikipag-usap sa iba't ibang lider ang paninindigan ng Pilipinas sa mga isyu tulad ng maritime security and cooperation/West Philippine Sea, migrant workers protection and welfare at human rights.

Bagong Arsobispo ng Caceres, naitalaga na

PORMAL na itinalaga bilang Arsobispo ng Caceres si Arsobispo Rolando Joventus Tria Tirona sa simpleng seremonya kanina sa Metropolitan Cathedral ng Naga sa Camarines Sur.

Nakiisa sa pagdiriwang ng Misa sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Borbon Cardinal Rosales, Manila Archbishop at Cardinal-Designate Luis Antonio Gokim Tagle, Cebu Archbishop Jose S. Palma, Papal Nuncio to the Philippines Giuseppe Pinto at Caceres Archbishop Emeritus Leonardo Z. Legazpi OP.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Pinto sa pagkakataong makasaksi sa makasaysayang pagtitipon kanina sa Katedral ng Caceres. Nanawagan din siya sa mga mananampalatayang makipagtulungan sa bagong hirang ng Arsobispo ng Caceres na si Archbishop Tria Tirona. Mahalaga ang pagtutulungan upang higit na mapalago ang pananampalataya, dagdag pa ni Arsobispo Pinto.

May 30 mga arsobispo at obispo mula sa buong Pilipinas at may ilang daang kaparian ng Bicol Region at Quezon at Aurora provinces ang dumalo sa pagtitipon. Ginawaran din ng parangal si Arsobispo Leonardo Legazpi ng mga pamahalaang panglalawigan ng Camarines Sur at panglungsod ng Naga sa kanyang liderato at pakikipagtulungan sa mga taga-Camarines Sur at Naga City sa loob ng nakalipas na 28 taon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>