Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, bumati sa Tsina

(GMT+08:00) 2012-11-15 17:06:40       CRI

Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, bumati sa Tsina

UMAASA ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas na magkaroon ng maayos na pagbabago ng liderato sa Tsina. Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Assistant Secretary Raul S. Hernandez na umaasa ang Pilipinas na ang mga hahaliling bubuo ng liderato sa Beijing ang pagkakaroon ng positibo, mapayapa at matatag na relasyon sa bansang Tsina.

Umaasa rin ang panig ng Pilipinas na ang political bilateral relations ay higit na gaganda, at a kalakalan at relasyon ng mga mamamayan ay patuloy na yayabong at magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Mga nars, binalaan laban sa recruitment scam

NAGBABALA naman ang Philippine Consulate General sa Toronto sa mga Pilipino dahilan sa isa na namang scam na gumagamt ng electronic mail na nag-aalok ng hanapbuhay sa mg narses. Walang anumang trabahong naghihintay sa kanila sa mga pagamutan doon.

Unang lumabas na may trabaho sa Shouldice at iba pang ospital sa Toronto. Inaanyayahan ang narses na sumailalim sa coaching interviews na gagawin ng Canadian Embassy sa Pilipinas. Sinisingil sila ng halos P 4,000 para sa coaching interview na siyang panimula sa dalawang araw na seminar sa pagtatapos ng konsultasyon.

May gumamit umano sa Shouldice Hospital na nagsasagawa ng mga panayam. Ang ospital ay nakakatanggap ng may 100 mga email at tawag sa telepono tungkol sa panayam ng kanilang mga tauhan sa Makati.

Pinapagpapadala sila ng salapi sa pamamagitan ng Western Union sa isang taong nagpapanggap na opisyal ng ospital.

Malalaking palakaya, suportado ang closed season sa Visayan Sea

ANG malalaking palakaya sa Kabisayaan ay sumusuporta sa palatuntunan ng pamahalaan na nagbabawal ng pagdakip ng mga sardinas at mackerel na nagsimula ngayon at tataal ng apa na buwan.

Ayon kay Angel Buan, kalihim ng Alliance of Philippine Fishing Federation, Inc. at iba pang mga samahan, malaking kaibahan ang natamo ng mga mangingisda sa Zamboanga Peninsula ng magkaroon ng closed season noong nakalipas na taon,

Nanawagan ang mga Bisayang mangingisda sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pagsabayin na lamang ang closed season upang matamo ang pinakamagandang resulta ng kanilang kampanya.

Simbahan: hindi magbabago sa paninindigan sa RH Bill

HINDI MAGBABAGO ANG PANININDIGAN NG SIMBAHAN.  Ito ang sinabi ni Archbishop Jose S. Palma matapos mabalitaan na ang mga mangangalakal at mga foundation ay nagsusulong ng Reproductive Health Bill.  

SINABI ni Cebu Archbishop Jose S. Palma, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na kahit ano pa ang gawin ng mga malalaking kumpanya, mga foundation at mga banyagang pamahalaan upang maipasa ang kontrobersyal na Reproductive Health bill ay 'di magbabago ang paninindigan ng Simbahan.

Ito ang reaksyon ng arsobispo sa Business Sector Summit on Family Planning at paglulunsad ng 2012 State of World Population Report sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong araw na ito.

Idinagdag ng arsobispo na magpapatuloy ang Simbahan sa pagtuturo sa mga mamamayan at maninindigan sa turo ng Simbahan. Hindi magtatagal ay mapapatotohanan din ang kahalagahan ng turo ng Simbahan sa pagpapahalaga sa buhay ng tao.

Sa panig ni Arsobispo Socrates B. Villegas, ipinaliwanag niyang ang mga itinuturo ng Simbahan ay ang paninindigan nito ayon a moralidad. Mas maganda umanong igalang din ng mga nagsusulong ng RH bill ang kahalagahan ng katagang paggalang.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>