Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino nagsabing kailangan ang maritime security, kapayapaan at katatagan sa Asean

(GMT+08:00) 2012-11-19 18:37:18       CRI

KAILANGAN ang pinag-ibayong seguridad sa karagatan, kapayapaan at katatagan sa loob ng Association of Southeast Asian Nations dahilan umano sa 'di pagkakaunawaan sa karagatang nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Sa isang media briefing sa Landscape Hotel sa Phnom Penh kagabi, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na ipinarating din ni Pangulong Aquino ang mensaheng ito sa plenaryo ng ASEAN na dinaluhan ng siyam na iba pang pinuno ng mga bansang kalahok sa samahan.

Kailangan umano ang seguridad sa karagatan at pagtutulungan upang matiyak ang kalayaang makapaglayag, paglaban sa pamimirata at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ipinaliwanag ni Kalihim Coloma na niliwanag ni Pangulong Aquino ang six-point princles ng ASEAN sa South China SEA ang nagpapakita ng nagkakaisang paninindigan. Sumusuporta ang P{ilipinas sa epektibong paraan ng pagpapatupad ng maayos na pag-uusap at paggalang sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Sinuportahan naman ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono ang pananaw na ito ay nagsabing nararapat maging kalmado ang ASEAN member countries at magkaroon ng self-restraint tungkol sa isyu ng karagatan.

Senador Cayetano naniniwalang higit na gaganda ang relasyon ng Tsina at Pilipinas

UMAASA si Senador Allan Peter Cayetano na sa pagkakaroon ng mga bagong pinuno ng Tsina ay higit na gaganda ang relasyong namamagitan sa dalawang bansa. Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na naniniwala siyang makatatagpo ng mga bagong paraan upang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan hinggil sa karagatan at kung sino ang may-ari nito.

Bagama't naniniwala siyang ipagtatanggol ng Pilipinas ang nasasakupan nito, maraming paraan upang magkasundo ang magkabilang panig. May paraan pa upang mapag-ibayo ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Idinagdag pa ni Senador Cayetano na hindi basta mababale-wala ang kahalagahan ng Tsina sa larangan ng ekonomiya at mga paraan upang magkatulungan.

Marapat lamang na humirang na ng isang senior diplomat bilang Philippine Ambassador sa Beijing. Ani Senador Cayetano, ang nararapat ilagay sa Embahada ng Pilipinas ay ang taong kagalang-galang sa magkabilang panig. Kailangan lamang umano sa taong mahihirang ang malawak na pagkakabatid o kaalaman at pagkakaunawa sa kultura, kaisipan at kasaysayan ng Tsina ng higit na maging madali ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan sa Beijing. Kaya umano nagkaroon ng backdoor channeling noon ay dahilan sa failure of communications, dagdag pa ni Senador Cayetano.

Maipapasa na ang mga aplikasyon para sa pagmimina

HINDI magtatagal ay maipapasa na ang mga aplikasyon para s pagmimina sa oras na maisaayos na ang "No-Go Zones Map." Ayon sa talumpating binasa ni Mines and Geosciences Director Leo Jasareno mula sa tanggapan ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje, sa pagtitipon ng mga opisyal at kasapi ng Philippine Mine Safety and Environment Association sa Baguio City, makakapasa ang mga aplikasyong ito base sa maipapayo ng Mines and Geosciences Bureau kung aling mga pook ang bukas at nakasara sa pagmimina.

Isang sub-technical working group ang bumalangkas ng panukalang batas na magpapataw ng buwis sa mga minahan. Ang lupon ay pinangungunahan ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo.

Ipinaliwanag din niya na ang Pamahalaang Aquino ay naniniwala sa responsableng pagmimina. Napapanahon na umanong magsama-sama ang lahat upang ipakita sa daigdid na pinahahalagahan ng Pilipinas ang kapaligiran at ang saling-lahi.

Mga biktima ng mga sakuna, ginunita sa misa

IDINAOS kahapon ng umaga ang isang Misa sa gumunita sa mga naging biktima ng mga sakuna, hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa buong daigdig. Sa isang panayam, sinabi ni Engr. Bert Suansing, Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership na ang kanilang pagkilos sa Pilipinas ay pakikiisa sa World Day of Remembrance na isinasagawa sa tuwing ikatlong Linggo ng Nobyembre.

Kabilang din sa mga ipinananalangin ang mga naging biktimang nasugatan at nabalda. Hindi umano kapalaran ang maging biktima ng sakuna sapagkat nagkaroon ng kapabayaan at paglabag sa mga alituntunin ang mga tsuper at iba pang mga tao.

May kinalaman ito sa pag-uugali ng mga taong nasa lansangan tulad ng mga pedestrian. Inihalimbawa niya ang mga taong ayaw gumamit ng pedestrian overpass at sinusubukan ang kalakhan ng Commonwealth Avenue upang magamit sa pagtawid.

Vehicle maintenance ang isa ring dahilan ng sakuna. Ang pagbabakasakali ang dahilan ng mga nasasawi. Mahalaga ring tingnan ang mga uri ng gulong ng mga sasakyan sapagkat may mga nag-aarimuhan o nagtitipid sa pag-aalaga ng sasakyan. Sa Pilipinas umano ay mayroong average na 34 katao ang nasasawi at nasusugatan sa bawat araw.

Pakikialam ng mga banyaga sa Pilipinas ang nasa likod ng reproductive health bill

ANG katatapos na Manila Family Planning Summit na binuo ng isang banyagang pamahalaan na sinamahan ng malalaking banyagang mga ahensya ang nagpapakita ng panibagong pagtatangkang maipasa lamang ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sa pagkakataong ito, ipinakita lamang nila na mga banyaga ang nasalikod ng adhikaing ito. Ayon kay dating Senador Francisco S. Tatad, sa kanyang talumpati sa National Philippines For Life Congress sa Cebu City, nabunyag din kung sinu-sino sa mga Pilipino ang sumusuporta sa panukalang batas.

Nakita lamang ng madla na sila'y mga tau-tauhan ng banyagang pamahalaan. Idinagdag pa ni dating Senador Tatad na ang Manila Family Planning Summit sa Philippine International Convention Center noong nakalipas na linggo na sinuportahan ng pamahalaan ng United Kingdom, ng Bill and Melinda Gates Foundation, United Nations Population Fund at malalaking European at American pharmaceutical firms, ay naging kasunod ng London Family Planning Summit noong Hulyona tinustusan ng Bill and Melinda Gates Foundation sa pamamagitan ng $ 4.6 bilyon para sa 120 milyong mahihirap na kababaihan sa mga umuunlad na bansa na makasama sa birth control.

Ang pagtitipon ay isang paraan upang mapuwersa si Pangulong Aquino at ang Kongreso na ipasa na ang panukalang batas sa pinakamadaling panahon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>