Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nag-utos sa kagawaran ng ugnayang panglabas na tiyakin ang kaligtasan ng mga pilipino sa Gaza strip at Israel

(GMT+08:00) 2012-11-20 18:19:12       CRI

Pangulong Aquino nagsabing kailangan ang maritime security, kapayapaan at katatagan sa Asean

INUTUSAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Gaza Strip at Israel.

Sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na inutusan ni Pangulong Aquino ang DFA na magbigay ng kaukulang updates sa nagaganap sa gitnang silangan. Kailangang matulungan din ang mga Pilipinong nasa gitna ng kaguluhan.

Nakaalis na ang koponan na dadalo sa pangangailangan ng mga Pilipino sa gitnang silangan na kinakitaan ng kaguluhan sa nakalipas na ilang araw.

Samantala, tatlo sa apat na Filipino na malubhang nasunog sa pagsabog at sunog sa isang offshore platform na kanilang pinaglilingkuran sa Gulf of Mexico ay nasa malubhang kalagayan, apat na araw matapos ang insidente na ikinasawi na isa at ikinawala ng isa pang manggagawa.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose L. Cuisia, Jr., nabigyan siya ng briefing ng Baton Rouge General Hospital sa kalagayan ng mga manggagawa. Kahit pa na sa malubhang kalagayan ang tatlo, bumubuti naman ang kalagayan ng isang manggagawa ayon pa kay Ambassador Cuisia.

Dinalaw ng ambassador at ni Deputy Consul General Orontes Castro, Jr. ng Philippine Consulate sa Chicago, si Wilberto Ilagan, ang pinakamabuti ang kalagayan ngayon sa pagamutan.

Sinabi ni Ginoong Cuisia na ipinadala sila ni Pangulong Aquino at Kalihim del Rosario sa pagamutan upang alamin ang kalagayan ng mga nasugatan.

Manila Archbishop paalis patungong Roma para sa Consistory

ANG IKA-PITONG CARDINAL MULA SA PILIPINAS.  Sa darating na Sabado, ika-24 ng Nobyembre, si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Tagle ang magiging ika-pitong Cardinal mula sa Pilipinas.  Ang kanyang ina'y may dugong Tsino.  (Kuha ni Roy Lagarde/CBCP Media Office)

AALIS ngayong gabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Tagle patungong Roma para sa Consistory na magtatalaga sa kanya bilang kasapi ng College of Cardinals sa darating na Sabado, ika-24 sa buwan ng Nobyembre sa nakatakdang pagtatapos ng Synod of Bishops on the New Evangelization. Limang iba pa, kabilang ang dalawa mula sa Asia ang papangalanan ding mga Cardinal.

Kasama ni Archbishop Tagle si Archbishop Emeritus Gaudencio B. Cardinal Rosales, ilang pari mula sa Maynila at ang mga magulang at iba pang malalapit na kamag-anak. May mga Pilipino ring mula sa ibang bansa ang maglalakbay patungong Roma upang sumaksi sa consistory.

Si Cardinal-designate Tagle ay 55 taong gulang at naitalagang Arsobispo ng Maynila noong ika-12 ng Disyembre 2011 Siya'y dating Obispo ng Imus sa Cavite.

Binanggit ni Pope Benedict XVI na ang mga Cardinal ang siyang tutulong upang maghanap ng Successor of Peter sa kanyang pangangaral. Humiling din siya ng panalangin para sa mga bagong hirang na Cardinal.

Kasama ni Cardinal-designate Tagle sina Archbishop James Michael Harvey, Prefect of the Pontifical Household na magiging Archpriest ng Basilica of St. Paul Outside the Walls, His Beatitufe Bechara Boutros Rai, Patriarch of Antioch of the Maronites (Lebanon), His Beatitude Baselios Cleemis Thottunkai, Major Archbishop of Trivandrum of the Syro-Malankara (India) Archbishop John Olurunfemi Onaiyekan, Archbishop of Abuja, (Nigeria), Archbishop Ruben Salazar Gomez, Archbishop of Bogota (Colombia).

Si Cardinal Tagle ang ika-pitong Filipino cardinal kasunod nina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime L. Cardinal Sin, Ricardo J. Cardinal Vidal, Jose T. Cardinal Sanchez at Gaudencio B. Cardinal Rosales.

Matapos ang ika-24 ng Nobyembre, ang College of Cardinals ay magkakaroon ng 211 cardinal. Mula sa bilang na ito, 120 ang may kakayahang bumuto at mahalal sa conclave sapagkat sila't wala pang 80 taong gulang.

Pangalawang Pangulong Binay, kinatawan ni Pangulong Aquino sa Roma

NAKATAKDANG umalis mula sa Maynila bukas si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay upang sumaksi sa elevation ni Manila Archbishop at Cardinal-Designate Luis Antonio G. Tagle sa Sabado, ika-24 ng Nobyembre. Si Ginoong Binay ang ipinadalang kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa makasaysayang okasyon.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, mahalaga ang okasyong ito hindi lamang sa buong Simbahang Katoliko kungdi sa Pilipinas na karamihan ng mga mamamaya'y mga Katoliko.

Samantalang nasa Roma, dadalo rin sa unang misa na pamumunuan ni Arsobispo Tagle bilang cardinal sa araw ng Linggo, ika-25 ng Nobyembre. Ayon sa pangalawang pangulo, ito ang ikatlong pagkakataong makakadaupang palad niya ang Santo Papa si Pope Benedict XVI.

Idinagdag pa ni Ginoong Binay na pagkatapos ng okasyon sa Vatican City ay magtutungo siya sa Bangladesh para sa ika-24 na Asia Pacific Regional Scout Conference sa ika-28 hanggang ika-29 ng Nobyembre. Siya ang Chairman ng Asia Pacific Scout Committee at National President ng Boy Scouts of the Philippines.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>