Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pelikulang Tsino, nood tayo!--CAPE No.7

(GMT+08:00) 2012-11-20 11:24:02       CRI

CAPE No.7, ito ay isang pelikula na may romance, drama, comedy at magandang musika.

Poster ng pelikula

Kung hinangaan nyo ang pelikulang Seediq Bale, hatid namin ang isa nanamang pelikula ng direktor nito na si Wei Te Sheng. Sya din ang nagsulat at nag-direk ng Cape No. 7. Ito ang unang full length movie nya at ito'y ipinalabas noong 2008.

bandang binuo ng mga taga-Hengchun, Taiwan

Ang Cape No.7 ay ginawa nya habang nag-iipon ng pondo para sa Seediq Bale. Nakakuka ng film grant si Wei para sa Cape No.7 at sinuwerte dahil ito ay naging blockbuster sa Taiwan.

isang tagpo sa pelikula

Ang mga lead actors ng pelikula ay sina Van Fan at Chie Tanaka at pareho silang di masyadong kilala at hindi pa nagbibida sa malaking pelikula. Si Van ay Taiwanese samantalang si Chie ay Japanese. Kasama din nila sa cast ang ilang non-professional actors na bigay todo sa acting.

Nakakatuwa ang kwento ng pelikula, tungkol ito sa liham ng isang Hapones na umibig sa isang Taiwanese na babae noong dekada 40. Pero pagkatapos ng gyera, iniwan ng lalaki ang kanyang mahal para bumalik ng bansang Hapon. Habang nasa byahe sumulat sya ng 7 love letters. At ang mga liham na ito ay ipinadala sa Taiwan matapos mamatay ang lalaki. Kaso hindi na makita ang lumang address nito. Nagka interes dito si Aga, papel ni Van Fan at imbes na isauli, tinago nya ito.

Si Chie Tanaka sa pelikula

Bukod sa sulat umikot din ang kwento tungkol sa pagbubuo ng isang lokal na banda na mula sa Hengchun. Nakakatawa dahil iba-iba ang personalidad at edad ng mga band members. At dahil dito nagkaroon ng friction ang mga tauhan sa pelikula.

At syempre wag nating kalimutan ang love angle ng sine. Ang love story ni Aga at ni Tomoko na umusbong habang sinisiguro nyang walang papalpak sa banda at matutuloy ang bigating concent ng Jpop Idol na si Atari.

Si Van Fan sa pelikula at matandang master

TALAKAYAN

Setting: Sabi Wei na pinili nya ang Hengchun dahil sa tanawin nito, makaluma ang lugar at malapit sa dagat. Makikita din dito ang tradiyunal at modernong kultural at pamumuhay. May mga katutubo din sa lugar tulad ng Hoklo, Hakka, Mainlanders, at mga dayuhang turista. Naniniwala si Wei na ang lugar ay tugma sa temang "harmony in diversity" ng Cape No. 7

Ayon sa mga kritiko, pumatok sa takilya ang pelikula dahil sa makatotohanan niyong paglalahad sa buhay probinsya sa katimugan ng Taiwan. Nagustuhan ito ng mga matatanda dahil pinahalagahan nito ang tradisyong Taiwanes. Sa mga nakababatang manonood swak ang pop songs ni Aga.

SOUNDTRACK

• "The First Letter: "Tomoko, Are You Still Waiting for Me?" (Yukihiko Kageyama)

• "Don't Wanna" (Van Fan)

• "The Second Letter: Destiny Is this Era's Sin" (Yukihiko Kageyama)

• "Love You to Death" (Joanne Yang, etc.)

• "The Third Letter: Tomoko, I Fell in Love with You at that Moment" (Yukihiko Kageyama)

• "Where to Go" (Bjanav Zenror)

• "The Fourth Letter: Why the Sea Breeze Always Brings Weep" (Yukihiko Kageyama)

• "To Daughter" (Patricia Ho)

• "The Fifth Letter: Tomoko, I Really Miss You: Ah! Rainbow!" (Yukihiko Kageyama)

• "As Happy as Can Be" (live version from the film) (Van Fan, Johnny C.J. Lin, Ming Hsiung, Ying Wei-Min, Ma Nien-hsien, Joanne Yang)

• "The Sixth Letter: I Write My Shame into the Last Letter" (Yukihiko Kageyama)

• "South of Border" (Van Fan)

• "Heidenröslein" (Van Fan, Kousuke Atari, Chie Tanaka)

• "The Seventh and Last Letter" (Van Fan)

• "1945" (orchestral version)

CAST NG CAPE No. 7

Van Fan

Chie Tanaka

Kousuke Atari

Rachel Liang

Johnny C.J. Lin

Ming Hsiung

Ying Wei-Min

Ma Nien-hsien

Joanne Yang

Bjanav Zenror

Ju-Lung Ma

Hsiao-Lan Pei

Chang Kuei

Shino Lin

Pei-Chen Lee

Chin-Yen Chang

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>