|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino nanawagan para sa paggalang sa Exlcusive Economic Zone at Continental Shelves
TINAWAGAN ni Simeon C. Aquino III ang lahat ng panig na igalang ang exclusive economic zone at continental shelves ng mga bansang mayroong baybay-dagat kahit mumunti ang hukbong dagat nito. Ito ang naging panawagan ni Ginoong Aquino kahapon sapagkat ito'y ay onsaitina tadhana ng probisyon ng UN Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Ito ang balitang nagmula sa Tanggapan ng Pangulong Pilipinas kaninang umaga.
Sa kanyang talumpati sa 7th East Asia Summit sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ni Pangulong Aquino naito ay ayon din sa ASEAN China Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Ginamit niya ang ikalimang talaga mula sa sampung-taong Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. Kailangan umano ang self-restraint upang maiwasan ang tensyon at magpalala sa situwasyon. Kasabay ito ng probisyon na nagsasaad ng hindi pagdadala ng mga mamamayan sa walang taong mga pulo, mga batuhan at lutasin ang hindi pagkakaunawaan ayon sa international law, particular ang UNCLOS.
Napakahalagangbigyangpansinitosamgapanahongito, dagdag pa niPangulong Aquino.
Ipinaliwanag pa niya na oras na matapos ang ipinanukal ang Code of Conduct in the South China Sea ay nararapat tiyaking maipatutupad.
Mga manggagawa, nagbunyi sa pagkakapasa ng Kasambahay Bill
NAGBUNYI ang iba't ibang grupong mga manggagawa at mga samahan ng mga kasambahay sa pagkakapasang Senado at Congresosa consolidated version ng Domestic Workers Act of 2012 nakilalasa pangalang Batas Kasambahay noong Lunes, ika-19 ng Nobyembre. Ang pinag-isang bersyon ay makapapasa nasa magkabilang kalipunan ng mga mambabatas sa darating na Lunes sa susunod na linggo.
Ayonkay Sonny Matula, pangulong Federation of Free Workers, isang magandang batas ito para sa mga kasambahay. Matapos ang 15 taon ng mga pakiusap, ang domestic workers ay magkakaroon nang malawak na karapatan. Kinikilala na rin silang kasama sa lipunan, dagdag pa ni GinoongMatula.
Ang minimum wage ng mga kasambahay sa National Capital Region ay P 2,500 na malaking itinaas sa P 800 na itinatadha nang Labor Code of the Philippines.
Isasaayos pa ang kanilang sahod ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa mga susunod na panahon.
PUBLIC ATTORNEY'S OFFICE, MAGSISIMULA NA NG PAPERLESS TRANSACTIONS
SISIMULAN sa darating na Enero 2013 ang panibagong pamamalakad ng Public Attorney's Office sa ilalim ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta. Ito ay ang paperless transactions.
Sa isang panayam sa pagdaraos ng briefing tungkol sa Climate Change, sinabi ni Atty. Acosta na malaki ang matitipid na kahoy mula sa kagubatan kung hindi na sila gagamit ng papel sa kanilang pag-uulat at mga dokumento. Idinagdag pa niya na sapag-angat ng teknolohiya, ang lahat ng kanilang mga dokumento ay isasailalim sa digitization upang higit na mapangalagaan ang mga ito.
Ang mga pleadings at mga position paper ng para sa kanilang mga kliyente ay idaraan na sa computers at kung mayroong mga hihinging kopya ng mga dokumentong ito ay idaraan na lamang sa electronic mail.
Idinagdag pa rin ni Atty. Acosta na tama lamang ang hakbang ng pamahalaang bawasan kung dima'y alisin na ang paggamit ng plastics na siyang nakakasira sa kapaligiran.
Idinaos ang briefing hinggil sa Climate Change bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Aquino nabigyang halaga ang isyung ito sa loob ng ilang araw sa buong burukrasya sa pamamagitan ng mga briefing at press conferences.
PINAKAMATANDANG OBISPO NG PILIPINAS, NAMAYAPA NA
NAMAYAPA na si dating San Pablo (Laguna) Bishop Pedro Bantigue may dalawang buwan bago sumapit ang kanyang ika-93 kaarawan.
Sumakabilangbuhaya ng obispo mag-aalastres ng hapon kahapon sa intensive care unit ng San Pablo Medical Center.
Sinabihan na ang mga paring San Pablo ni Dr. Cynthia Sanchez na unti-unti nang nanghihina ang pinakamatandang obispong Pilipinas. Hindi rin mabatid kung saan nagmumula ang pagdurugo sa kanyang katawan.
Ang namayapa ng Obispo ang nalalabing Pilipino na lumahok sa makasaysayang Second Vatican Council higit nasa 50 taon ang nakararaan. Noong Hulyo 25, 2012, ipinagdiwang ng Obispo ang kanyang ika-51 anibersaryo ng ordinasyon sa pagkapari.
Isinilang sa Hagonoy, Bulacan noong ika-31 ng Enero, 1920, naordenan siya sa pagkapari noong ika-31 ng Mayo, 1945 at naging kalihim ng Arsobispo ng Maynila mula 1945 hanggang 1954.
Naging Auxiliary Bishop ng Maynila noong ika-25 ng Hulyo 1961 at naging Obispo ng San Pablo noong Abril 18, 1967 na kanyang pinamunuan hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1995.
Itinatag niya ang St. Claire of the Missionary Sisters of the Holy Face of Jesus.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |