Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawang patungong Malaysia, nasabat sa Tawi-Tawi

(GMT+08:00) 2012-11-23 17:50:36       CRI



               

NASABAT ng mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Bongao, Tawi-Tawi ay may 64 na manggagawang patungong Malaysia. Ito ang ibinalita ni Vice President Jejomar C. Binay.

Serye ng mga operasyon ang ginawa ng mga tauhan ng IACAT mula noong ika-lima, ika-pito at ika-walo ng Oktubre at nalamang walang anumang travel documents ang mga manggagawang patungong Malaysia.

Ayon kay Ginoong Binay, ang pantalan ng Bongao ang siyang paboritong daanan ng mga sindikato dahilan sa lapit nito sa Malaysia.

Nagmula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang 64 katao at inihatid na sa isang non-government organization para sa debriefing, counseling at pansamantalang matitirhan.

Pinalakas din ang kampanya laban sa domestic trafficking. Nailigtas ng IACAT at National Bureau of Investigation ang dalawang babae at mayroong isang 15-taong gulang na naging biktima ng isang malupit na amo sa Pasig City.

Ang dalawang babae na mula Zamboanga del Norte ay pinangakuang magtatrabaho bilang salesladies sa Marawi City subalit dinala sa Maynila noong ika-30 ng Hulyo upang maglingkod bilang domestic helpers.

Hindi sila pinayagang lumabas at binayaran lamang ng isang buwang sahod kahit apat na buwan na silang naglilingkod. Nagnais na umuwi ang dalawa subalit hindi sila pinayagan ng kanilang amo, dagdag pa ni Ginoong Binay. Nadakip na ang kanilang amo at ngayo'y nasa kamay na ng National Bureau of Investigation.

Embahada ng Canada, nakiisa sa paggunita ng Maguindanao Massacre

KASABAY ng pagluluksa ng buong bayan sa ikatlong anibersaryo ng Maguindanao massacre, nakikiisa ang Pamahalaan ng Canada sa mga mamamayan sa panawagang kilalanin at ipatupad ang batas at madala ang mga may kagagawan sa paglilitis.

Sa paggunita sa mga naging biktima, ang Canada ay nakakaunawa na ang massacre ay hindi lamang isang malupit na pagpapakita ng dahas bagkos ay paglabag sa mga pinahahalagahan ng mga mamamayan ng Canada at Pilipinas.

Sa kanilang pahayag na inilabas sa mga alagad ng media, sinabi ng Canadian Embassy na ang karapatang pangtao, kalayaan ng pamamahayag at kalakayaang magsalita ang sandigan ng malalayang lipunan at marapat lamang igalang at ipagsanggalang sa lahat ng panahon.

Kinikilala rin ng Canada ang proseso na dalhin ang mga may kinalaban sa krimen sa paglilitis at buong pusong umaasa na magagawa ito sa madali at kapani-paniwalang paraan.

Umaasa rin ang Canada na ang mga pagpatay na nag-uugat sa politika ay 'di na mauulit na muli, dagdag pa ng pahayag.

Masinsinang pagsusuri sa kalakalan, idaraos

NAKATAKDANG magsalita sa darating na Lunes, ika-26 ng Nobyembre sa Asian Development Bank ang mga iginagalang na dalubhasa sa larangan ng kalakal.

Ang pagpupulong na ito ay magaganap sa likod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng 6% growth sa nakalipas na sampung taon kahit pa nahaharap ito sa kakulangan ng hanapbuhay at abotkayang social at municipal services para sa mga mahihirap at low-income population.

Ayon sa Asian Development Bank, 26% sa mga mamamayan ng Pilipinas ang nabubuhay ng mas mababa sa national poverty line at 63% naman ang nanganganib na maghirap sapagkat wala pang $ 3 ang kinikita nila sa bawat araw.

Isang pag-aaral ang ginawa ng Asian Development Bank sa mga oportunidad na maidudulot ng Inclusive Business in the Philippines.

Sa pagkakataong ito, magsasalita sina Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan at Ayala Corporation Chairman at Chief Executive Jaime Augusto Zobel de Ayala sa panimulang sesyon.

Ang market potential ng Inclusive Business in the Philippines ay sinasabing napakalaki sapgkat maraming pangangailangan ang mga mahihirap na hindi pa natutugunan. Matatag ang kanilang consumption behavior at mayroong mga kumpanyang mayroong malalakas na corporate social responsibility programs na nais magpakilala ng inclusive business models.

Bukas itatanghal si Arsobispo Tagle bilang Cardinal

MATATANGGAP bukas ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle ang kanyang pulang sombrero at singsing na pawang simbolo ng kanyang pagkakalahok sa College of Cardinals sa solemneng pagtitipon sa St. Peter's Basilica, sa bisperas ng Kapistahan ng Kristong Hari.

Ang sombrerong may tatlong sulok ay simbolo ng kanyang kahandaang ialay ang kanyang buhay para sa Mabuting Balita. Ito rin ang senyal ng kanyang karapatang maghalal ng santo papa. Ang isang cardinal ay kinikilala ring Prinsipe ng Simbahan.

Ang itatalagang cardinal ay ikapito sa hanay ng mga Pilipino sa halos limang-daang taon ng kasaysayan ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas.

Maituturing na kakaiba ang consistory na ito sapagkat ito ang ikalawa sa loob ng isang taon. Huling naganap ito noong 1929 sa panunungkulan ni Pope Pius XI.

Sa consistory, ang mga bagong hirang na cardinal ay bibigyan din ng kanilang "titular church" sa Roma at pormal na makakasama sa Diocesan Clergy ng Roma. Ang mga naunang cardinal ay nagmula sa Diocese of Rome.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>