Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga problema sa kalakal, unti-unting nalulutas

(GMT+08:00) 2012-11-26 18:56:05       CRI

MAY liwanag na nakikita si Kalihim Arsenio Balisacan, ang Socio-Economic Planning Secretary sa pagtugon ng pamahalaan sa pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay sa bansa.

Sa isang panayam sa idinadaos na pagtitipong pinamagatang "The Philippines Inclusive Business Forum" sa Asian Development Bank sa Lungsod ng Mandaluyong, sinabi ni Kalihim Balisacan na napabayaan mula noong dekada sitenta ang mga industriya. Ito ang dahilan ng mababang investments, mumunting trabaho para sa mga manggagawa at hindi na rin nakatugon sa paglago ng hanay ng mga manggagawa.

 Ipinaliwanag ni Kalihim Arsenio Balisacan, Socio-Economic Planning Secretary, na sa Administrasyong Aquino ay pinagtutuunan ng pansin ang mga naiwanang sektor sa kalakal ng mga nakalipas na pamahalaan.

Maganda umanong makatagpo ang mga maituturing na unskilled labor ng hanapbuhay kaya't ito ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan.

Batid na ng liderato ang mga problema ay unti-unti nang tinutugunan ito. Isang magandang halimbawa ang pagpapa-unlad ng mga pagawaing bayan upang magkaroon ng kalakal sa mga kanayunan. Unti-unti na ring lumuluwag ang mga kalakaran sa regulatory agencies ng pamahalaan.

Nalimutan ng mga nakalipas na administrasyon ang industriya kaya't hindi dumami ang mga nagkaroon ng maayos na hanapbuhay. Malayo ito sa karanasan ng ibang bansa sa Timog Silangang Asia sapagkat ang unskilled workers at mga underemployed na manggagawa ay nagkaroon ng trabaho sa kanilang mga industriya.

Kung hindi malulutas ang mga problemang ito, tiyak na maiiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa. Umagwat na ang Thailand ng may 20 taon kung pagawaing bayan ang pag-uusapan. Agwat na rin ang Indonesia ng lima hanggang sampung taon kung mga pagawaing bayan ang pag-uusapan.

Ibinalita rin ni Kalihim Balisacan na sa apat na beses niyang pagsama sa pagdalaw sa ibang bansa ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mainit ang pagtanggap ng kanyang mga nakausap. Kapani-paniwala kasi ang palatuntunan laban sa korupsyon at ang pagkakaroon ng maayos na pagpapalakad ng pamahalaan, dagdag pa ni Kalihim Balisacan.

PAGBABAGO SA PANANAW TUNGKOL SA CLIMATE CHANGE, KAILANGAN; TSINA, MALAKI ANG NAGAWA

MGA pagbabago sa kaisipan at kalakaran ng mga namumuno sa iba't ibang pamahalaan ang inaasahan sa pagpupulong sa Climate Change sa Doha, Qatar.

Ayon kay Bindu N. Lohani, Vice President ng Knowledge Management and Sustainable Development ng Asian Development Bank, maraming umaasa na kakaiba ang pagpupulong na ito sa Gitnang Silangan sapagkat marami na ang nakakaalam ng mga nagaganap sa kapaligiran.

Ito ang pananaw ni Bindu N. Lohani, Vice President for Knowledge Management and Sustainable Development ng Asian Development Bank sa pagsisimula ng pandaigdigang pagpupulong tungkol sa Climate Change sa Doha, Qatar.

Sa isang roundtable discussion na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa iba't ibang ahensya sa loob at labas ng Pilipinas, sinabi ni Ginoong Lohani na nabuo ang Kyoto Protocol noong 1997 at magtatapos ngayong taong ito. Kailangan ang renewed commitment upang bigyang halaga ang nagaganap sa kapaligiran. Mayroong guidelines ito na nararapat sundin. Nagkasundo na rin na magkakaroon ng Universal Climate Change Agreement sa taong 2015 upang mapangalagaan ang daigdig upang makaiwas sa mga trahedya sa taong 2100.

Ang mga umuunlad na bansa ay nagsasabing kailangan nila ng tulong sa teknolohiya at pananalapi. Mayroon na ring halagang ibinigay na Global Climate Fund na naitalaga na sa Seoul, Korea. Ang salapi ay magmumula sa $ 100 bilyon sa bawat taon. Kailangan ang salaping ito upang makarating sa low-carbon path.

Kailangan ang renewables at umiwas na sa fossil fuels at kakailanganin ang salaping ito. Maaari ding magamit ang pondong ito sa adaptation strategies. Kailangan umanong manatiling umaasang may mabuting kakahinatnan ang pagpupulong ngayong linggong ito sa Doha, Qatar.

Kapuri-puri umano ang ginagawa ng Tsina upang mabawasan ang emission nito mula sa 40 – 45% sa 2020 at sa susunod na limang taon ay babawasan nila ang kanilang emission ng may 17% sa taong 2015. Maganda umanong senyal ito tulad din ng commitment ng Korea at Japan sa pagpapababa ng carbon emission.

Malakas at maganda ang ginagawa ng Pilipinas sa pagsasaad ng mga kalakaran, interesado rin ang Pilipinas sa negosasyon. Mas magandang pagtuunan ng pansin ang transport sector – sa pagkakaroon ng maraming sasakyan, mas magandang magkaroon ng mass transport. Mas maraming nararapat itayong mass transport system.

NAMAYAPANG KALIHIM ROBREDO, PINARANGALAN

GINAWARAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Quezon Service Cross ang namayapang Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa seremonyang ginawa sa Malacanang kanina.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na ang Quezon Service Cross Award ay isang parangal kay Robredo na kumatawan sa mabuting paglilingkod sa bansa na kinakitaan ng katapatan, kababaang loob at dedikasyon.

Ani Pangulong Aquino, ang namayapang kalihim ay tunay na lingkod-bayan, matapat at masigasig.

NAKAMAMATAY ANG KASAKIMAN

TUNAY na nakamamatay ang kasakiman. Ito ang sinabi ni Daet Bishop Gilbert Garcera sa kanyang pastoral statement na binasa sa 26 ng simbahang Katoliko sa lalawigan ng Camarines Norte. Naglabas ang obispo ng ganitong pahayag matapos masawi ang tatlong minero sa isang minahan sa Barangay Palanas, Paracale, Camarines Norte noong nakalipas na Martes.

Ayon kay Daet Bishop Gilbert Garcera, sa kasakiman ng iilang tao ay nasasawi ang mahihirap at mga umaasang gaganda ang buhay sa pamamagitan ng pagmimina ng ginto sa Paracale, Camarines Norte.  Tatlong minero ang nasawi noong Martes.  Kinondema ni Bishop Garcera ang kapabayaan ng mga nag-empleyo ng mga manggagawa sa mga minahan. 

Ayon sa obispo, mayroong iilang taong sakim na walang pakundangang nagsasamantala sa mahihirap na maghukay sa mga delikadong bahagi ng kabundukan upang makakuha ng ginto.

Nakalulungkot ang ganitong pagkakataon sapagkat ang trahedya'y naganap sa likod ng mga paalala, pagpapayo at pagpapapagunita sa madla tungkol sa peligrong dulot ng hindi ligtas na pagmimina.

Mga mahihirap na tao na umaasang gaganda ang buhay sa pamamagitan ng paghuhukay ang siyang namimiligrong masawi.

Maganda umano ang kasaysayan ng pagmimina sa Paracale sapagkat wala pa ang mga Kastila sa Pilipinas ay hanapbuhay na ito ng mga mamamayan. Nasisira nga lamang ang pangalan ng Paracale dahilan sa pagbabale-wala sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Nanawagan ang obispo sa pamahalaan at mga pribadong samahan na magtulungan upang maiwasan ang pagkakasugat at pagkakasawi ng mga manggagawa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>