|
||||||||
|
||
Base ang kwento sa tunay na mga pangyayari noong Dekada 90. Ipinakita nito ang isang grupo ng mga volunteer patrol na gustong pigilan ang mga poachers o yung pumapatay sa Tibetan Antelope para kunin ang balat nito at ibenta.
Napakaganda ng mensahe ng Mountain Patrol. Kinunan ang pelikula sa Kekexili, Tibet ayon sa pelikula ito daw ang "last virgin wilderness sa Tsina."
Makikita sa pelikula ang mga icy mountains, at starry skies. Tila paraiso pero talagang napakahirap ng buhay ng mga patrol dahil bulubundukin, mabuhangin parang di tatagal at mahihirapan na mabuhay ang tao dito pero di-maitatanggi na napaka-ganda ng tanawin.
Quick sand
Co-produced ng pelikula ng National Geographic Society at talagang saludo kami sa husay ng cinematographer nitong si Cao Yu. Nag iiwan ng ala-ala ang mga tanawin at talagang magmamarka ang ilang mga eksena tulad ng : patrolman na nahulog sa kumunoy o quicksand. At yung eksena na ipinakita ang daan daang mga patay na antelope.
Mga patay na antelope
Markadong markado din ang papel nila Duobuji bilang Ri Tai at ni Zhang Lei na gumanap bilang reporter mula sa Beijing, na sumikat matapos ipalabas ang pelikula noong 2004. Maganda ang mensahe ng pelikula at talagang nakaka-antig ng damdamin ang naging karanasan ng mga kasapi sa Mountain Patrol.
Si Rui Tai at ang reporter mula sa Beijing
Kitang kita sa papel ni Ri Tai kita na talagang pursigido sya na mahuli ang mga salarin na pumatay sa kanyang kasamahan… gusto nya ng katarungan at talagang gagawin nito ang lahat para hulihin ang grupo na umuubos sa lahi ng mga Tibetan antelope. Sa tinakbo ng istorya talagang hanggang kamatayan handa nyang usigin ang mga masasamang taong ito.
Nakakabilib dahil tanging sina Duobuji at Qi Liang (bilang Liu Dong) lamang ang mga propesyunal na aktor, at ang lahat at mga baguhang artista. Pero kahit kulang sa karanasan, madamdamin ang pagganap nila.
Awards and nominations
• Golden Horse Film Festival, 2004
o Best Picture
o Best Cinematography — Cao Yu
o Best Director — Lu Chuan (nominated)
o Best Actor — Duo Bujie (nominated)
o Best Original Screenplay — Lu Chuan (nominated)
• Tokyo International Film Festival, 2004
o Special Jury Prize
o Grand Prix (nominated)
• Golden Rooster Awards, 2005
o Best Film (shared with On the Mountain of Tai Hang)
• Berlin International Film Festival, 2005
o Don Quixote Award
• Sundance Film Festival, 2005
o Grand Jury Prize (nominated)
• Huabiao Film Awards, 2005
o Outstanding Film
o Outstanding Director — Lu Chuan
• Hong Kong Film Awards, 2006
• Best Asian Film
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |