Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karagdagang helicopters dumating na

(GMT+08:00) 2012-12-01 14:26:56       CRI

 

Karagdagang helicopters dumating na

DALAWA PANG BAGONG HELICOPTERS, NASA KAMAY NA NG PHILIPPINE AIR FORCE.  Dumating na ang dalawang Sokol Helicopters sa Pilipinas mula sa Poland.  (Kuhang mula sa Philippine Air Force)

Dalawa pang sokol combat utility helicopters ang napagdagdag sa imbentaryo ng philippine air force. Anim na ang sokol choppers ngayon. Naihatid na ang apat na helicopters noong pebrero samantalang ang dalawang iba pa ay kahahatid pa lamang ayon sa pahayag ng pzl swidnik sa poland.

Bahagi ito ng modernization program ayon sa balitang lumabas sa pahayagan ngayon. Walo ang helicopters na bibilhin ng pilipinas kasama ang ground support equipment, spare parts at support services kasama na ang pagsasanay sa mga tauhan at mga mekaniko nito. Ang nalalabing dalawa pang helicopters ay dadalhin sa pebrero 2013.

May kakayahan itong makatulong sa mga misyon ng philippine air force. Nagmula ang mga helicopters sa jasionka airport malapit sa rusya patungong clark air base sa gitnang luzon. Isang antonov cargo plane ang pinagkargahan ng helicopters.

Idadagdag ito sa mga sasakyang panghimpapawid ng 505th search and rescue group na pinaghatdan ng naunang apat na helicopters.

May kakayahan itong makapagsakay ng dalawang piloto, dalawang crew, tatlong medical attendants at anim na nailikas na survivors. Gagamitin ito para sa search and rescue operations.

Pilipinas, suportado ang pagkakaroon ng self-rule sa Palestina

MGA PROGRESIBO NAGMARTSA.  NAGTIPON ang mga progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila bago nagmartsa patungo sa US Embassy sa Roxas Blvd. Kinondena nila ang sinasabing mga 'di makataong pamamalakad ng pamahalaan.

Suportado ng Pilipinas ang layunin ng mga palestino na magkaroon ng self-rule at self-determination kasabay ng pag-asang darating ang araw na ang isang malayang palestina ay mapayapang maninirahang katabi ng mga kalapit-bansa.

Sa isang pahayag na inilabas ni assistant secretary raul s. Hernandez, sinabi niyang isinusulong din ng pilipinas ang two-state solution, bumoto ang pilipinas sa resolusyon na nagbibigay sa palestina ng non-member observer state status.

Tunay na pagmamahal ang ipinakita ni San Pedro calungsod

Sinabi ni cebu archbishop emeritus ricardo j. Cardinal vidal na ang buhay na inialay ni san pedro calungsod higit sa tatlong-daang taon na ang nakalilipas, ang siyang naging dahilan upang magkaisa ang mga pilipino.

Ayon sa retiradong arsobispo ng cebu, ang buhay ni san pedro calungsod ay isang magandang halimbawa para sa mga pilipino sapagkat inialay niya ang kanyang buong pagkatao para sa pananampalataya. Ito ang buod ng mensahe ni cardinal vidal sa national thanksgiving mass na kanyang pinamunuan sa cebu city ngayong hapon na dinaluhan nina pangulong benigno simeon c. Aquino iii, mga senador at mga mambabatas kasama ang mga miyembro ng gabinete.

Ipinakita ng pinakabagong santo mula sa pilipinas ang pagsasakripisyo sa pag-aalay ng kanyang buhay sa misyong pinamunuan ng isang grupo ng mga heswita sa guam. Nagsakripisyo ang binatang si pedro sa kanyang pag-alis sa cebu at nangaral sa ibang lupain. Malayo umano ang buhay ni pedro sa buhay ng mga kabataan ngayon na napakaluwag at tila kakaiba na sa kinagawian.

Nanawagan si cardinal vidal sa mga mananampalataya na maging mabubuting kristiyano at mamamayan. Hindi umano mangyayari ang kabutihan bilang kristiyano kung hindi sumusunod sa mga batas na makatarungang ipinasa ng pamahalaan, dagdag pa ni cardinal vidal.

Libu-libong pilipino ang dumalo sa pagdiriwang na nagpapatuloy pa hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>