Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

BACK TO 1942

(GMT+08:00) 2012-12-05 18:43:40       CRI

3 milyong tao na namatay at milyon milyon pang napilitang lumisan sa Henan dahil sa tag-tuyo na nagdulot ng matinding gutom, ito ang kwento ng pelikulang Back to 1942.

Ang pinakabagong pelikula ni Feng Xiaogang ay nakatuon sa paksa ng famine o gutom na pinalala pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang epekto nito sa tao

Mga refugees

Attack ng Hapon

Ikalawang disaster drama ni Feng ang Back to 1942. Noong 2010 ginawa niya ang "Aftershock" na tungkol naman sa lindol sa Tangshan na ikinamatay ng 240,000 tao.

$33 M ang nilaan ng Huayi Brothers sa pelikula na isinulat ni Liu Zhendong.

Ang Huayi Brothers ay isa sa pinakamalaking pribadong production companies sa Tsina, at dito rin galing ang pelikulang "Ke Ke Xi Li" at "Assembly." Sa isang press conference sa Shanghai International Film Festival, ibinahagi ni Wang Zhonglei CEO ng Huayi Brothers na hangad ng kanyang kumpanya na mabuksan ang isipan ng mga manonood sa tulong ng mga pelikulang kanilang ginagawa. "We expect to spark them to think about our nation, our history and also human nature."

Ayon kay Feng Xiaogang, " Batay sa kasaysayan, maraming napagdaanang paghihirap ang Tsina. Kung alam ng mga Tsino ang kanilang nakaraan, makakatulong ito para maunawaan kung saan dapat patungo. Sinabi ito ni Feng sa premier ng pelikula sa 15th Shanghai International Film Festival.

Noong ginagawa ang pelikula kailangang magpapayat ng mga aktor sa pelikula dahil sa kanilang papel bilang refugees na naglakbay mula Henan papuntang Shaanxi para tumakas sa gutom at digmaan.

Si Xu Fan ay isa sa mga artista sa pelikula na gumanap bilang asawa ng magsasaka na kalaunan ay liteal na ibinenta ang sarili kapalit ng pagkain para sa kanyang 3 anak. Sabi nya na "People lost their dignity. This is forgotten history and also a hard truth we have to face."

Ginampanan ni Tim Burton ang papel ng pari ay ayon sa kanya, "It features both the darkest and brightest side of human nature."

Kabilang din sa cast ang isa pang Hollywood actor na si Adrien Brody bilang Time magazine journalist na si Theodore H. White.

Si Adrien Brody

Ipinakita ng "Back to 1942" ang mga insidente ng pagmamalupit ng mga Hapon pero mas tinira ng pelikula ang mga opisyal na Tsino noong panahon na ito na laging nagtatalo, hindi makapag-desisyon , sarili lang ang iniisip at sangkot sa katiwalian.

Muling ipinakita ni Feng Xioagang ang husay sa paggawa ng mga eksena na may kinalaman sa kalamidad. Walang duda ang kanyang "mastery of chaotic spectacle" lalo na sa eksena kung saan ipinakita ang pagbagsak ng mga bomba mula sa eroplanong Hapon sa mga kaawa-awang mga refugees. May ilang eksena na magpapatulo ng inyong luha at kukurot sa inyong puso. Mabigat sa damdamin ang pelikula at lalabas kayo sa sinehan na "emotionally drained." Kaya maghanda ng panyo at tibayan ang dibdib dahil isang napaka siryosong pelikula ng Back to 1942.

Si Landlord Fan

Cast

Zhang Guoli - Landlord Fan

Adrien Brody - Theodore E. White

Zhang Mo - Shuanzhu

Fiona Wang - Xingxing

Xu Fan - Huazhi

Zhang Hanyu - Reverend Simeone

Tim Robbins - Father Thomas Morgan

Chen Daoming- Generalissimo Chiang Kai-shek

Li Xuejian - Li Peiji

Fan Wei - Old Ma

Feng Yuanzheng - Xialu, Fan's Tenant

Li Qian - Fan'sZhang Shaohu Xialu's Mother

Zhao Yi - Fan Keqin

Crew

Feng Xiaogang - Director

Chen Kuo-fu - Producer

Wang Zhongjun -Producer

Wang Zhonglei - Producer

Liu Zhenyun - Screenwriter, Book Author

Zhao Jiping - Composer (Music Score)

Lu Yue - Cinematographer

Sun Li - Art Director

Tim Yip - Costume Designer

Xiao Yang - Editor

Shi Haiying - Production Designer

Wu Jiang - Sound/Sound Designer

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>