Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa 700 katao, nasawi sa bagyong"Pablo"

(GMT+08:00) 2012-12-10 18:36:17       CRI

PATULOY ang ginagawang pagkilos ng pamahalaan at iba't ibang ahensya upang matulungan ang mga biktima ng bagyong "Pablo."

Ayon kay Undersecretary Benito Ramos, administrador ng Office of Civil Defense, 706 katao na ang deklaradong nasawi at may 780 katao pa ang deklaradong nawawala. Umabot sa 1,906 katao ang nasugatan.

Sa kanilang pagtataya, umabot sa 487,364 na pamilya o 5,412,140 katao ang apektado ng bagyo sa 1,928 barangay sa 249 na bayan, 38 lungsod at 30 lalawigan sa siyam na rehiyon ng bansa.

Umabot naman sa 29,390 pamilya ang nasa 172 evacuation centers. Labing-isang tulay at siyam na lansangan ang 'di pa madaanan at 21 mga bayan at lungsod ang mayroong power interruptions. Anim na lugar ang walang sapat na tubig.

Isa pa ring nakapanlulumong balita ang pagkakaroon ng 32,816 na tahanang hindi na matitirahan pa dahilan sa hagupit ni "Pablo."

Higit na sa P 52 milyon ang salaping nailabas ng Department of Social Welfare and Development, local government units, Kagawaran ng Kalusugan, mga non-government organizations at government organizations. Higit naman sa P 3.5 milyon ang nagmula sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Ibinalita ng Kagawaran ng Pagsasaka na higit sa 26,100 ektarya ng mga pananim ang napinsala. Hindi pa kasama ang pinsala sa saging at niyog. Nawala na ang 3,149 metriko tonelada ng palay, 1,523 metriko tonelada na mais at 250 metriko tonelada ng high value crops tulad ng rubber, palm oil, fruit trees at mga gulay.

$ 65 milyon, kailangan upang matulungan ang mga binagyo

NANAWAGAN ang United Nations at mga humanitarian partners nito na makalikom ng $ 65 milyon upang dagliang makatulong sa pagbangon ng mga biktima ng bagyong "Pablo" sa Pilipinas.

Ang Action Plan for Recovery ang naglalaman kung anong tulong ang maihahatid sa mga biktima, ayon sa pagsusuri ng mga dalubhasa, tulad ng emergency shelter, ligtas na tubig at sanitasyon, pagkain at hanapbuhay.

Dumaan si "Pablo" sa katimugan ng Pilipinas noong ika-apat haggang ika-pito ng Disyembre at naging dahilan ng dagliang pagbaha, pagguho ng lupa at ikinasawi ng daan-daan katao, napinsalang mga tahanan at mga pananamim na puminsala rin sa kabuhayan ng milyon-milyong katao. Ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bahaging ito ng Pilipinas sa nakalipas na ilang dekada.

Anim na buwan ang kailangan upang matustusan ang mga biktima na tinatayang aabot sa 480,000 katao. Tutulong ang United Nations sa emotional at physical recovery at nakatuon ang atensyon sa mga pinaka-apektadong mamamayan.

Sa pangmatagalang pagtulong, kailangang mapanumbalik ang produksyon ng mga sakahan. Ang mga magsasaka sa Mindanao ang sinasabing isa sa pinakamahirap na pook sa bansa, ang siyang nakaita kung paano napinsala ang kanilang mga pananim.

Ang Humanitarian Coordinator, si Bb. Luiza Carvalho ay dumalaw na sa napinsalang pook at nagsabing hindi niya mawari ang pinsalang idinulot ni "Pablo."

Sa isang press briefing sa Davao City, sinabi ni Carvalho na makikipagtulungan ang United Nations sa pamahalaan ng Pilipinas upang makabawi ang mga biktima sa pinakamadaling panahon.

Foreign direct investments umabot sa $ 1.1 bilyon

SA patuloy na paglago ng Foreign Direct Investments sa unang tatlong sangkapat (quarters) ng taon sa pagkakaroon ng matatag na pamantayan at kalakaran, umabot sa $ 1.1 bilyon at mas mataas ng 40 porsiyento sa natamo noong nakalipas na taon na $ 782 milyon.

Ang halagang ito'y natamo mula Enero hanggang Setyembre ng 2012 ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang halagang ito'y natamo dahilan sa pagpasok ng equity capital na nagkakahalaga ng $ 1.2 bilyon. Ang gross equity capital placements sa loob ng siyam na buwan ay umabot sa $ 1.4 bilyon na halos tatlong ulit ang laki sa halagang $ 553 milyon.

Ang mga investments na ito ay nagmula sa Estados Unidos, Australia, the Netherlands, British Virgin Islands at Japan. Ang tatlong major sectors na nakinabang sa investments ay ang manufacturing, real estate, wholesale and retail, mining and quarrying, financial and insurance, at transportation and storage sectors.

Ang kinitang inilagak na muli ay umabot sa $ 121 milyon at mas mababa ng 56.3% kaysa halagang natamo noong 2011 na nagkakahalaga ng $ 277 milyon.

Ang iba pang capital account na binubuo ng intercompany borrowing/lending sa pagitan ng foreign direct investors at kanilang subsidiaries/affiliates sa Pilipinas ay nagkaroon ng net outflows na $ 228 milyon, na nagmula sa $ 255 milyong net inflows noong 2011.

Sa buwan ng Setyembre lamangm ang net FDI inflows ay umabot sa $ 55 milyon, mas mababa sa $ 138 milyon net inflows noong 2011.

Kahalagahan ng Tsina sa food chain, ipinaliwanag

ISANG-IKATLO (1/3) ng bigas sa buong mundo ang nagmumula sa Tsina. Isa ito sa mahahalagang datos na matatagpuan sa aklat na inilunsad ngayon ng Asian Development Bank na pinamagatang "The Quiet Revolution in Staple Food Value Chains – Enter the Dragon, the Elephant, and the Tiger."

MAHALAGA ANG TSINA SA RICE PRODUCTION AT FOOD SECURITY.  Ito ang ipinali8wanag ni Lourdes Adriano ng Asian Development Bank at isa sa may akda ng The Quiet Revolution in Staple Food Value Chains.

Sa aklat na nagmula sa pananaliksin nina Thomas Reardon, Kevin Chen, Bart Minten at Lourdes Adriano. Nabatid na ang bahagi ng bigas para sa mga Tsinong consumer ay bumababa, mula sa 38.7% ng calories noong 1970 at umabot na lamang sa 26.8% noong 2007. Ang Tsina ay mayroong tatlong malalaking rehiyong pinagkukunan ng bigas, ang mga ito ay ang nasa hilagang – silangan, silangan at timog silangan Mula noong 1980, ang rice production ay nagbabago na mula sa timog patungong hilaga. Ang average farm size ay 0.67 hectare.

Ang Tsina ang nangungunang rice producer subalit ang Tsina rin ang nangungunang rice consumer. Kahit pa ganito, ang Tsina ay naging net rice importer noong nakalipas na taon ay inaasahang isa sa pinakamalaking mamimili ng bigas ngayong 2012. Nitong nakalipas na buwan ng Oktubre, nakapag-angkat ang Tsinan g 1.98 milyong tonelada ng bigas mula sa 505,000 toneladang inangkat noong nakalipas na taon.

ANG MAGAGANAP SA TSINA, INDIA AT BANGLADESH AY MAY EPEKTO SA DAIGDIG.  Ayon sa mga dalubhasa ng Asian Development Bank, sa populasyon na 2.7 bilyon mula sa tatlong bansa iyo, ang anumang magaganap ay sasalim sa food security ng daigdig

Aabot sa 70% ng aning palay ang isinasakay sa mga truck na isang malaking pagbabago sa rice economy ng bansa na noo'y umaasa sa tren, barko at bangka. Ito ay dahilan sa pagbaba ng halaga ng pagkakarga dahilan sa mas magandang pagawaing bayan (infrastructure) at magandang transport industry.

Nabatid rin sa pananaliksik na ang paggiling ng palay sa malalaking bayuhan ay patuloy na dumami. Higit na sa 400 tonelada bawat araw ang nagigiling na palay mula sa 81 tonelada noong 2007 at 115 noong 2008.

Ang pinagkakagastusan ng mga nagtatanim ng palay ay ang paggawa na umabot sa 33%, makinarya 23%, chemical fertilizers 14%.

May 97% ng mga magsasakang natanong sa survey ang nagsabing mayroon silang mobile phones at 80% sa kanila ang nagsimulang magka-cellphone bago pa man sumapit ang 2008.

Walo mula sa sampung supermarket chains sa Beijing na natanong sa survey ang nagsabing 51% ng kanilang bigas ay mula sa malalaking bayuhan at 23% ang nagmula sa demium rice mills noong 2010. Wala sa mga supermarket chains na ito ang bumili ng bigas mula sa rice wholesale companies.

Sa pagsusuring ginawa ng Asian Development Bank sa Bangladesh, People's Republic of China at India, nabatid na sa pagsasama ng populasyon ng mga bansang ito, aabot sa 2.7 bilyon at higit sa 1/3 ng 7 bilyong populasyon ng daigdig ngayon. Ang antas ng kanilang food security ay sasalamin ng pandaigdigang food security.

Pasko ay panahon ng pananalangin

ISANG espesyal na pagkakataon ang Kapaskuhan sa mga mananampalataya na kilalanin ang pagmamahal ng Panginoong Diyos na dumating sa lupa, nagkatawang-tao at sa bawat Pasko'y dumarating sa buhay ng balana.

Ipinaliwanag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi naman kailangang magarbo ang bawat pagdiriwang ng Pasko sapagkat ang tunay na Pasko ay ipinagdiriwang sa puso at kalooban ng mga tao. Sa panayam ng CBCPOnline Radio, sinabi ni Bishop Ongtioco na ang kauna-unahang Pasko ay kinatampukan lamang ng mga pastol sa kapatagan na mga alagang tupa. Sila ang mga dumalaw sa bagong silang na Manunubos sa isang sabsaban.

May mensahe rin si Bishop Ongtioco sa mga manggagawang Pilipino, sa mga pagkakataong imposibleng makapagsimba dahilan sa pagbabawal ng mga pinaglilingkuran o kawalan ng magmimisa, lalo na sa mga magdaragat, kailangan ang pagdarasal. Mas makabubuting iwasan ang television at radio upang magkaroon ng sapat na panahon upang makapanalangin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>