|
||||||||
|
||
NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang batas na naglalaman ng gagastusin ng kanyang pamahalaan sa susunod na taon, ang taong 2013.
Sa seremonyang idinaos sa Palasyo Macalanang, sinabi ni Pangulong Aquino na maraming mga sakuna at banta sa seguridad na dinaanan ang kanyang pamahalaan. Idinadagdag niyang mayroong mga pagkilos na yanigin ang kanyang liderato.
Hindi umano natinag ang kanyang pamahalaan at natamo ang kumpyansa ng pandaigdigang pamilihan, paglago ng ekonomiya ng bansa, pagtaas ng kredibilidad ng mga institusyon ng pamahalaan sa mata ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.
Pinasalamatan niya ang mga bumuo ng pambansang budget na ipinasa at naging batas ngayong araw na ito. Tinaguriang "Empowerment Budget of 2013," garantisado na umano ang people empowerment sa pagkakalaman ng social contract. Kasama rin sa pinasalamatan ni Pangulong Aquino ang mga lumahok mula sa civil society movements.
Nangako siya na gagamitin ang bawat kusing ng P 2 trilyon na budget, ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng bansa sa paraang masinop
Karagdagang dalawang taon sa pag-aaral ng mga kabataan mahalaga
NANINIWALA si Senador Edgardo J. Angara na mahalaga ang karagdagang dalawang taon sa basic education upang makarating ito sa 12 taong palatuntunan.
Sa ilalim ng Senate Bill 3286 na kilala rinse pamagat na Enhanced Basic Education Act of 2012 na ipinasa sa ikalawang pagbasa kahapon, umaasa ang mambabatas na magkakaroon ng world-class Filipino graduates sa pagkakaroon ng dagdag na dalawang taon.
Si Angara ang chair ng Senate Committee on Education, Arts and Culture. Mahalagang investment para sa pamahalaan ang paglalagak ng salapi sa bagong palatuntunan upang makatugon sa pangangailangan ng bansa at lipunan, dagdag pa ng mambabatas.
Pagkakapasa ng RH bill, ikinalungkot ni Bishop Navarra
NAPAKABILIS ng mga pangyayari at tulad ng inaasahan, pinaboran ng nakararami sa Senado at Kongreso ang pagpapasa sa kontrobersyal na Reproductive Health bill na taliwas sa paninindigan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
Ayon ay Bacolod Bishop Vicente M. Navarra, inilabas niya ang kanyang pahayag para sa mga mananampalataya sa Diyosesis ng Bacolod.
MAY PAGTATANGI ANG KATOTOHANAN. Ito ang binigyang-diin ni Bacolod Bishop Vicente M. Navarra sa kanyang Pastoral Statement ng inilabas matapos magwagi ang Pro-RH lobby sa Senado at Kongreso.
Sa kanyang pastoral statement na ipinadala sa CBCP Online Radio, sinabi ng obispo na sa pagtatapos na botohan, tila mababawasan na ang mainitang pagtatalo sa bansa. Kaya nga lamang ay ipinagtatanong ng obispo kung sa pagkakapasa ng Reproductive Health bill ay mananahimik na ang mga tumutuligsa sa panukalang ito, naniniwala siyang hindi ito matatapos kaagad-agad. Hindi mawawala ang pagkakahati ng mga mamamyan sapagkat may patatangi ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapatuloy na maghati ng mga may paninindigan at ng mga nabubulagan sa kadiliman ng pangloloko at kasinungalinan.
Bilang obispo ng Bacolod, sinabi ni Bishop Navarra na nararapat lamang kondenahin ang paraan ng botohan sa Mababang Kapulungan sapagkat ito'y isang tuwing pang-iinsulto sa Panginoong Diyos at kawalan ng paggalang sa kasagraduhan ng buhay lalo't higit ng mga sanggol na 'di pa isinisilang.
Ang anumang gagawing pagsasaayos o amendment sa batas ay maaari pa ring gamitan ng manipulasyon ng mga nagsusulong sa panukalang batas.
Ipinaalala niya sa mga mananampalataya ng Bacolod na nanindigan ang mga mamamayan laban sa panukalang batas sapagkat mayroon itong masamang idudulot sa mga usaping pangkaluluwa, moral at socio-physico-medical aspects na madarama ng mga mamamayan.
Kabilang sa pinangangambahang uusbong na suliraning dala ng RH bill ay ang population control at homosexual union. Sa botohan sa Kongreso, lumabas na ang mga kongresista at mga senador na sinabayan ng suporta ni Pangulong Aquino ang tila nagpatingkad ng kahinaan ng paninindigan ng Simbahan. Hindi umano ito magaganap sapagkat sa panig ng Diocese of Bacolod, naniniwala silang nasa panig sila ng katotohanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |