Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong hirang na ambassador sa Tsina, kumpirmado na

(GMT+08:00) 2012-12-20 17:57:33       CRI

Bagong hirang na ambassador sa Tsina, kumpirmado na

BAGONG PHILIPPINE AMBASSADOR TO CHINA - Si Foreign Undersecretary Erlinda F. Basilo ang nakapasa sa Commission on Appointments bilang Philippine Ambassador to China.  Kilala si Ambassador Basilio sa larangan ng diplomasya. (Larawan ng DFA)

PASADO na sa Commission on Appointments ang bagong hirang na Philippine Ambassador to China sa ginawang pagdinig kahapon. Kabilang sa nabigyan ng kumpirmasyon si Ambassador Erlinda F. Basilio, Chief of Mission, Class 1 at Ambassador Extraordinary Plenipotentiary sa People's Republic of China at may hurisdiksyon sa Democratic People's Republic of Korea at Mongolia. Siya ay kasalukuyang Undersecretary for Policy ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Naglingkod siya bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa Geneva, Switzerland mula 2007 hanggang 2010 at Ambassador Extraordinary Plenipotentiary to Sweden mula 1997 hanggang 2003.

Idinaos ang plenary ng Commission on Appointments kahapon.

Hahalinhan ni Ambassador Basilio si Ambassador Sonia C. Brady na nagkaroon ng malubhang karamdaman kamakailan.

Samantala, si dating Philippine Embassy officer-in-charge sa Beijing, Alex Chua ay kumpirmado na rin bilang Ambassador na may ranggong Chief of Mission Class II at Ambassador Extraordinary Plenipotentiary sa Republic of the Union of Myanmar. Naglingkod bilang Deputy Chief of Mission sa Philippine Embassy sa Beijing bago ang kanyang appointment bilang Ambassador Extraordinary Plenipotentiary at naglingkod ng matagal sa ibang bahagi ng Tsina tulad ng Guangzhou at maging sa Hong Kong.

Tigil-putukan, deklarado na 

NAGKASUNDO ang Pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines na magsagawa ng tigil-putukan mula ngayong araw na ito hanggang sa ika-15 ng Enero, 2013.

Narating ang kasunduan sa dalawang araw na pulong sa The Hague noong ika-17 hanggang ika-18 ng Disyembre sa pamamagitan ni Abassador Ture Lundh ng Royal Norwegian Government. Ang tigil-putukang ito ang pinakamahabang ceasefire na aabot sa 27 araw.

Ayon kay Kalihim Teresita Quintos-Deles, pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, isang magandang pangitain ang kasunduan. Bagaman, hindi napag-usapan ang pagpapalitan ng bilanggo, nagkasundo ang magkabilang panig na papanatiliin ang kapayapaan sa panahon ng tigil-putukan.

Pagwawagi ng kandidata ng Pilipinas bilang first runner-up, ikinatuwa ng Malacanang, Pangalawang Pangulo, ATBP

ISANG malaking karangalan para sa Pilipinas ang pagwawagi ni Janine Tugonon bilang 1st runner-up sa katatapos na Miss Universe Beauty Pageant na idinaos sa Las Vegas sa Estados Unidos.

Sa pahayag ni Atty. Abigail Valte, deputy presidential spokesperson, ipinamalas ni Bb. Tugonon ang kagandahan at talino ng isang Filipina. Mula sa kanyang pagwawagi bilang Binibining Pilipinas na nagbigay sa kanya ng karangalang maging kinatawan ng bansa sa Miss Universe, suportado na ng kanyang mga kababayan ang kanyang paglahok sa patimpalak. Nakita na naman ng daigdig ang kakaibang katangian ng mga Filipina sa ganitong mga patimpalak.

Sa panig ni Pangalawang Pangulong Jejomar Binay, ikinatuwa rin niya ang pagwawagi ni Janine Tugonan na maituturing na ring pagwawagi ng mga Filipino. Isa umanong pruweba na makikita ang angking talino ng mga Filipino sa mga patimpalak na ganito.

Nabighani ni Janine ang puso ng mga inampalan, mga kababayan at mga mamamayan sa buong daigdig na nanood ng patimpalak. Kinakitaan si Janine ng kagandahan, talino at galing.

Bumati rin si House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. sa pinakahuling Filipino na nagkamit ng 1st runner-up position sa katatapos na Miss Universe Beauty Pageant.

Thanksgiving Mass, idinaos ng CBCP Media Office

BILANG paghahanda ng CBCP Media Office sa darating na Kapaskuhan, isang Misa ng Pasasalamat ang idinaos sa pamamagitan ni Msgr. Pedro C. Quitorio III sa Kapilya ng CBCP sa Intramuros, Maynila. Dinaluhan ang pagdiriwang ng mga kawani ng Media Office. Kabilang sa Mass intentions ang pasasalamat sa matagumpay na 2012 sa larangan ng pamamahayag.

Sa kanyang homily, sinabi ni Msgr. Quitorio na nakatutuwang balikan ang nakalipas ng tanggapan na nagsimula sa pahayagang CBCP Monitor ilang taon na ang nakalilipas. Lumago ito sa pagkakaroon ng CBCP News, ng CBCP Online Radio at hindi magtatagal ay magkakaroon ng CBCP Online television. May dalawang taon na ang pakikipagtulungan ng CBCP News sa China Radio International na may tanggapan sa Beijing, Tsina.

Kabilang sa pinasalamatan ni Msgr. Quitorio ang kasama ng tanggapan sa iba't ibang palatuntunan nito tulad ni Ginoong Fernando Go ng Figaro Coffee at ang Familia Garcia na siyang may-ari ng Mekeni Food Corporation, ang isa sa matatagumpay na home-grown meat processors mula sa Porac, Pampanga.

Nagpagunita si Msgr. Quitorio ng kahalagahan ng paglilingkod sa Simbahan lalo't higit ang tungkol sa paninindigan ng Simbahan sa kahalagahan ng buhay.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>