|
||||||||
|
||
Pamahalaan mamamahagi ng pagkain para sa Pasko
IBA'T IBANG kalihim ng mga kagawaran ng pamahalaan ang nakatakdang mamahagi ng noche buena packs bukas upang may pagsaluhan ang mga nabiktima ni Pablo. Dadalaw sila sa Compostela at New Bataan sa Compostela Valley.
Ang bawat noche buena pack ay naglalaman ng isa't kalahating kilong bihon na malulutong pansit, dalawang de latang carne norte, dalawang fudge bar, isang latang fruit cocktail, isang gatas na condensada, isang kartong keso, sandwich spread, isang pakete ng mga candy at isang pirasong malong na pinagbabalutan ng mga pagkaing ito.
May 173,000 noche buena packs ang naipamahagi sa mga pamilya sa Davao Region . Ang mga tauhan ng DSWD Regions XII at X ay tumutulong na pagbabalot.
Ngayo'y mayroong 452,798 na family kits ang naipamahagi na. Nagkakahalaga ito ng higit sa P 556 milyong piso.
Samantala, ang Estados Unidos ay nakapaglabas na ng US $ 760,500 milyon sa nakalipas na limang taon upang maibsan ang paghihirap ng mga biktima ng natural calamities.
Tumulong sila noong dumaan si Ondoy noong 2009, Juan noong 2010, Sendong noong 2011 at Pablo ngayong 2012.
Umabot na rin sa P 291,100 milyon ay idinaan sa US Agency for International Development para sa mga biktima ni Pablo.
Mayroon ding P 167,000 milyon ang naitulong ng America sa Fiscal Year 2012 sa USAID.
Balance of payment ng Pilipinas, may surplus pa
IBINALITA ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sa unang tatlong sangkapat (quarter) ng 2012 ay nagkaron pa ng srplus na US $ 4.5 bilyon. Mas mababa nga lamang ito sa natamong US 4.7 bilyon noong 2011. Naganap ito dahilan sa mas mababang capital at financial account sa pagtamlay ng portfolio investments sa kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang financial markets at pagkabahala sa lakas ng pandaigdigang ekonomiya.
Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong araw na ito, ang current account ay nagkaroon ng mas mataas na surplus dahlan sa walang humpay na remittances mula sa mga manggagawang Pilipino na nasa iba't ibang bansa. Mayroon ding pagbawi ang merchandise trade exports. Ang BOP position sa unang tatlong sangkapat ng 2012 ay kinakitaan ng suplus na US $ 5.8 bilyon. Mas mababa ito ng 40% kaysa sa surplus na natamo noong isang taon na umabot sa US $ 9.7 bilyon.
Bumulusok din angnet inflows sa capital at financial account na hindi nakapagtakip sa kahinaan ng ibang sektor.
Cardinal tagle, bumati sa mga Pilipino
SA pagdiriwang ng buong bansa ng Pasko sa panahon ng "Taon ng Pananampalataya," malaki ang maiaambag nito sa pinaka-buod ng Pasko. Sa kanyang mensaheng inilabas para sa Kapaskuhan, sinabi ni Arsobispo Luis Antonio G. Tagle na ang pananampalataya ay pamumuhay ng kasama ang Diyos. Nabubuo ang pananampalataya sa pagtugon sa Diyos na pinagkakatiwalaan ng mga mananampalataya.
Ang Pasko ay nakatuon sa pananampalataya. Sa oras na alisin ang pananampalataya sa Kapaskuhan, mawawala angpinakakahulugan nito. Ginugunita ng Pasko ang pagdating ng Panginoong Hesukristo. Nagkatawang-tao Siya, sabi pa ni Asobispo Tagle.
Binuksan ng Diyos ang pinto para sa mga mananampalataya upang magtamo ang madla ng Banal na Espiritu, dagdag pa ni Cardinal Tagle. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nakakabahagi ang madla sa misyon ng Panginoong Hesukristo at naghayag din ng kalayaan mula sa mga pinapasan ng mga tao sa daigdig na ito.
Dalangin ni Cardinal Tagle na higit na magkaroon ng kahulugan ang pagdiriwang ng Pasko at mapasalamatan din ang Diyos sa kanyang pagmamahal at pakikiisa sa sangkatauhan.
Tanging ang tunay na pagmamahal ang makapagliligtas sa atin, dagdag pa ni Arsobispo Tagle.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |