|
||||||||
|
||
Nakita ng mga dalubhasa ng pamahalaan si Quinta sa layong 260 kilometro sa silangan ng Guian, Eastern Samar na may dalang hangin na mula 65 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro sa bawat oras.
Tinatayang kikilos si Quinta sa direksyon ng kanluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.
Tinatayang na sa Leyte na ang bagyo bukas ng umaga at aabot sa may Coron, Palawan sa Huwebes ng umaga. Pagsapit ng Biyernes, tinatayang may 450 kilometro sa kanluran ng Coron, Palawan.
Deklaradong saklaw ng Signal No. 2 ang Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Province at Siargao Island. Magkakaroon sila ng hanging mula 61 hanggang 100 kilometro bawat oras sa susunod na 24 na oras.
Na sa ilalim ng Signal No. 1 ang Northern Samar, Western Samar, Biliran, Bohol, Cebu at Camotes Island, Surigao del Sur at Surigao del Norte, Agusan provinces, Misamis Oriental at Camiguin.
Ilan sa mga lugar na ito ang tinamaan na ng bangis ni Pablo noong ika-apat ng Disyembre at ikinasawi ng higit sa 1000 katao bago lumabas ng Pilipinas sa direksyon ng Palawan.
Pagpapauwi sa magdaragat mula Somalia, isinasaayos na
MADALI ng makakauwi ang isa sa mga magdaragat na na-hostage ng mga piratang mula sa Somalia matapos ang halos tatlong taon. Ito ang pinakahuling balita mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.
Sinabi ni Assistant Secretary Raul Hernandez na hindi mula pangangalanan ang seaman subalit sinabing tumagal na sa kamay ng mga pirata ng may 32 buwan. Walang detalyes kung paano makakauwi ang magdaragat.
Unang lumabas sa balita na nailigtas ng maritime police ang 22 magdaragat na nabimbin ng mga pirata sa loob ng 32 buwan.
Bukod sa mga Pilipino, mayroon ding mga Indian, Yemeni, Sudanese, Ghanian at Pakistani seafarers na naglilingkod sa barko.
Cardinal Tagle at Cardinal Vidal nagpasalamat sa matagumpay na palatuntunan tungo sa Canonization at Thanksgiving mass
NAGPASALAMAT sina Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle, Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal at CBCP President at Cebu Archbishop Jose S. Palma sa matagumpay na pagdaraos ng mga programa tungo sa canonization at national thanksgiving Mass ni San Pedro Calungsod. Ginawa ng mga nangungunang lider ng Simbahan ang pahayag sa isang Misa ng Pasasalamat sa Arzobispado de Manila.
Sinabi ni Arsobispo Tagle na tila walang anumang kahirap-hirap ang mga bumuo ng national commission sa pakikiisa sa pagdiriwang sa Roma hanggang sa Duaw Nasud at National Thanksgiving Mass na idinaos sa Cebu mula noong ika-21 ng Oktubre hanggang Ika-30 ng Nobyembre.
Sa panig ni Arsobispo Palma, malaking pagkakataon para sa Simbahan sa buong bansa ang pagkakahirang kay San Pedro Calungsod bilang ikalawang santo mula sa Pilipinas.
Nanawagan naman si Ricardo J. Cardinal Vidal sa madla na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa beatification ni Lucena Bishop Alfredo Maria Aranda Obviar na namayapa noong unang araw ng Oktubre 1978.
Idinagdag pa ni Cardinal Vidal na kailangan din ng panalangin upang madali ang beatification ni Arsobispo Teofilo Bastida Camomot na namayapa noong ika-27 ng Setyembre 1988 sa edad na 74.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |