|
||||||||
|
||
NABABAHALA ang mga kasapi ng Business Process Association of the Philippines sa paglakas ng piso. Nababawasan umano ang cost competitiveness ng Pilipinas sa BPO industry.
Basehan nila ang pagsusuring ginawa ng Everest Group at Outsource2Philippines, sinabi ni BPAP President at CEO Benedict Hernandez na ang pinagsanib ng epekto ng lumalakas na piso at depreciation ng ng Indian rupee ang nakapagbigay sa India ng karagdagang cost advantage.
Ayon kay Hernandez, sa 30% pagkakaiba ng Philippine piso at Indian rupee sa US dollar, lumawak ang cost difference at mas mahirap na itong panghawakan.
Samantalang ang Association of Southeast Asian Nations ang naging paboritong rehiyon na paglagakan ng pandaigdigang portfolio investments dahil na rin sa kahinaan ng mauunlad na ekonomiya sa Europa at Estados Unidos. Ang pagpasok ng investments ang naging dahilan ng tumaas na pangangailangan sa currencies tulad ng Philippine peso kaya't nagkaroon ng pressure sa halaga nito.
Ilang mga ekonomista ang nagsabing magkakaroon ng near-term correction sa halaga ng piso ayon na rin sa high earnings ratio na tinataya sa taas na 17, kasunod ng buwan-buwang inilago ng paggalaw sa Philippine Stock
Exchange.
Isang survey ang ginawa sa mga kasapi ng BPAP noong isang linggo sa epekto ng paglahas ng piso at lumabas na 46.7% ng respondent executives ang nagsabing mahirap na makamtan ang revenue targets. Nawalan na rin umano ang ilan sa kanila ng kalakal sa ibang detinations (40%) o nagkansela ng kanilang expansion plans (40%).
Ayon kay Hernandez, samantalang ang uri ng service at productivity ang nangungunang plus factors ng Pilipinas, kaialangan ding makapagkalakal sila ayon sa acceptable market prices. Mahihirapan umano silang matamo ito sa patuloy na paglakas ng piso.
Noong nakalipas na taon, higit sa $ 11 bilyon ang kinita ng industriya at nakapagbigay ng hanapbuhay sa may 600,000 Pilipino.
SILANGANG ASIA AT PACIFIC REGION, NAGING MATIBAY SA LIKOD NG MALAWAKANG KRISIS
NANATILING matatag ang mga ekonomiya sa mga bansang na sa Asia Pacific Region kahit pa naging mabuway ang mga nagaganap sa labas ng rehiyon. Ito ang buod ng World Bank East Asia and Pacific Economic Update sa huling bahagi ng taong 2012.
Ngayong taong ito, tinatayang lalago ang ekonomiya ng 7.5%, mas mababa sa naitalang growth rate noong 2011. Ayon din sa mga dalubhasa, lalago ito sa 7.9% sataong 2013. Pinakamataas pa rin ang pag-unlad sa East Asia Pacific Region kung ihahambing sa ibang umuunlad na rehiyon at kumakatawan sa halos 40% ng pandaigdigang ekonomiya.
Dahilan sa mababang pangangailangan ng pandaidgiang pamilihan para sa mga produkto ng East Asia Pacific region, ang domestic demand ang naging buhay at ugat ng kaunlaran sa karamihan ng mga ekonomiya sa rehiyon.
Ang pangrehiyong slowdown at dahilan sa economic performance ng Tsina na inaasahang makararating sa 7.9% ngayong 2012. Ito'y mas mababa ng 1.4% points sa natamong kaunlaran ng 2011 at pinakamababang annual growth rate mula noong 1999.
Sinabi ng World Bank na ang dahilan nito'y ang mababang domestic demand sa unang anim na buwan ng 2012, dahilan na rin sa stabilization measures na ipinatupad noong 2011. Ang Silangang Asia, kabilang ang Tsina ay inaasahang lalago ng 5.6% ngayong 2012, isang percentage point na mas mataas kaysa sa 2011.
Ang kaunlaran ay natamo sa rehiyon, particular sa Thailand kasunod ng mga pagbaha noong 2011, strong growth na natamo ng Pilipinas, at ang bahagyang slowdown sa Indonesia at Vietnam ang pinagmulan ng kaunlaran. Ang fiscal at monetary policies ay sumuporta sa sa kaunlarang natamo ngayong 2012.
Umaasa ang World Bank na ang 2013 ay kakikitaan ng kaunlaran mula sa malakas na demand para sa mga paninda at mas maraming pangangailangan sa mga paninda ng rehiyon kasabay na banayad na pagbawi ng pandaigdidang pamilihan.
WALO KATAO, NASAWI SA DALAWANG SUNOG SA METRO MANILA
KASALUKUYANG sinisiyasat ng mga kagawad ng pamatay sunog ang dahilan ng pagkasawi ng walo katao sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at San Juan City kahapon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, isang sunog ang naganap sa isang residential area sa Rest Haven St., Barangay Bngad, Project 7, Quezon City bago sumapit ang ikalima't kalahati ng umaga kahapon. Pito katao ang nasawi sa insidente. Umabot sa P 5 milyon ang pinsala ng sunog.
Isa katao rin ang nabalitang nasawi sa sunog sa isang tahanan sa Barangay St. Joseph, San Juan City kahapon ng madaling araw. Tumagal ang sunod ng halos limang oras.
PANAHON NG KAPASKUHAN, PANAHON NG PAGPAPA-ALAB NG PANANAMPALATAYA
ANG pinakamahalagang ala-alang nararapat ibigay at matanggap ngayong Kapaskuhan ay ang pakakabatid na ang pananampalataya kay Jesus ay isang alaalang makatutulong sa ating buhay.
Ito ang buod ng mensahe ni Arsobispo Rolando Tria-Tirona, Arsobispo ng Caceres (Camarines Sur) na binasa sa 91 mga parokya, sinabi niya na ang pinakapuso ng Paskoay ang Panginoong Diyos at sa Kanyang pagmamahala sa madla ay nagkatawang-tao, nabuhay at nanirahan kaya't angkop ang pangalang Emmanuel. Ibinigay ng Diyos ang kanyang Anak na si Jesus. Higit na mahalaga ito sa lahat ng mga regalo, mga pagtitipon at reunions, dagdag pa ni Arsobispo Tirona.
Mayroon umanong mga taong dahilan sa kahirapan ay nanghina sa kanilang pananampalataya at dahilan sa hindi pagkakatugon ng Diyos sa kanilang mga panalangin ay nawalan na ng pananampalataya at mayroon ding mga taong dahilan sa kanilang pagiging makasarili ay lumayo na sa kanilang pananampalataya.
Ipinaliwanag pa ng arsobispo na maihahalintulad sa ginawa ng Sagrada Pamilya, sumunod sila sa kautusan ng Emperador na si Quirinus at bumalik sina Jose at Maria sa Belen mula sa Nazareth upang magpatala. Sa panahong iyon isinilang ang sanggol na si Jesus.
Sa halimbawang ipinakita nina Jose at Maria, nananawagan din ang Simbahan na magbalik na muli sa mga tahananan at pamilya sapagkat kailangang madaluhan ang mga suliranin pamilya, ng mga pinagmulan, pangangailangan at kahit walang sapat na silid para sa lahat, sa pagkakaroon ng kababang-loob at pananampalataya ng mga pastol, maaari pa ring mamuno at makapaglingkod upang matanggap nila si Jesus.
Nakaugat sa Panginoong Diyos ang Pasko sa ating mga tahananan, pamilya at mga komunidad, dagdag pa ni Arsobispo Tirona.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |