|
||||||||
|
||
Ang bagong taon ay bagong simula; ito ay nagdadala ng panibagong pag-asa para sa lahat ng tao sa buong daigdig. Para sa karamihan, isa itong panibagong pahina sa aklat ng ating buhay, na kailangang lagyan at sulatan ng magagandang kuwento at larawan.
Tuwing papasok ang bagong taon, naging karaniwan na nating ginagawa ang pagpaplano ng mga panibagong gawain para sa papasok na taon. Nariyan ang mga new year's resolution, na kadalasan namang hindi nasusunod; pag-eehersisyo; pagkain ng mas maraming gulay; pagbabawas ng timbang; pagbabawas ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, at marami pang iba.
Ang bagong taon ay simbolo rin ng ating pagsulong patungo sa bukas na ating hinahangad. Kung anuman ang magiging kahitnan ng ating paghahanap ng magandang bukas, ito po ay nasa ating mga kamay.
Bukod pa riyan, ang bagong taon din po ay panahon ng pagbabalik-tanaw. Ito ay panahon ng pagmumuni-muni sa ating mga nagawa noong nakaraang taon, at panahon ng pasasalamat sa lahat ng biyayang ating natamasa, upang maayos tayong sumulong sa pagpasok ng bagong taon.
At dahil nabanggit po ang tungkol sa pagbabalik-tanaw at pasasalamat, ang atin pong programa ngayong gabi ay tungkol po sa pagbabalik-tanaw, at pasasalamat sa mga pinakaimportanteng mga tao, na sumakay sa aming mga, minsan ay korny at boring na biro, at nakinig at sumuporta sa aming mga programa sa buong taon: kayo po iyon, mga giliw naming mga tagapakinig, mga kaibigan, ka-tropa, at mga lakay.
Narito po ang programang pambati ng Serbisyo Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |