Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mangangalakal, nababahala sa krimen

(GMT+08:00) 2013-01-11 18:16:07       CRI

Mga mangangalakal, nababahala sa krimen

MANGANGALAKAL, NABABAHALA SA MGA KRIMEN.  Nababahalaga ang mga mangangalakal sa serye ng mga patayang naganap sa nakalipas na isang linggo.  Ayon kay Ginoong Tan Ching, (na sa larawan), Pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce, Inc., bagama't "satisfied" siya at ang kanilang samahan sa ginagawa ng pulisya, kailangan ang pagsusuri sa mga nagaganap sa lipunan upang mabatid ang hinahanap na solusyon.

NABABAHALA ang iba't ibang pinuno ng mga samahan ng mga mangangalakal sa serye ng krimen na nasaksihan ng Pilipinas sa nakalipas na ilang araw.

Ani Ginoong Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng Philippine Exporters Confederation, bagama't mayroong mga "spike" sa bilang ng krimen sa iba't ibang bahagi ng daigdig, mas makabubuting pag-aralan ng mga dalubhasa ang takbo ng kaisipan ng tao ngayon sapagkat tila wala ng halaga ang buhay ng kanilang kapwa.

Lumalabas umanong ang mga taong nasa likod ng mga sindikato ay hindi na takot sa mga autoridad.

Sa katanungan kung mayroong mga paksyon sa uniformed service ng pamahalaan, mapapansin naman ninoman kung may paksyong nagaganap, nangyayari ito sapagkat may pinagkakakitaan, mayroong pinapaboran at mayroong pinoproteksyonan.

Napapanahon na para sa pamahalaan na pag-aralan ang uri ng parusang igagawad sa mga nagkakasala at nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

"Baka napapanahon nang magpalit ng liderato ng militar at pulisya," dagdag pa ni Ginoong Ortis-Luis. Sa katanungan kung kailangan ba ang total gun ban, sinabi niya na wala namang dahilan upang magdala pa ng sandata ang mga sibilyan.

Sa panig naman ni Dr. Francis Chua, dating pangulo ng Philipine Chamber of Commerce and Industry, mas makabubuting magkausap ang mga mangangalakal at si Kalihim Manuel Araneta Roxas II upang hanapin ang kaukulang solusyon.

Nagkatulungan na umano sila ni Kalihim Roxas kaya't walang dahilan upang hindi magtagumpay ang anumang palatuntunang lulutas sa problema ng kriminalidad.

Idinagdag pa ni Dr. Chua na ilulunsad nila ang Citizen Crime Watch, ang palatuntunan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Department of Interior and Local Government na pinamumunuan ni Kalihim Roxas.

Ayon kay Ginoong Tan Ching, pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. nararapat pag-aralan kung anong sistema ang maipatutupad sa pagdadala ng sandata sa labas ng bahay.

Sinabi pa niya na noong nakalipas na 15 taon, noong laganap ang kidnapping, ang mga kriminal ay mayroong mga abogado samantalang walang gustong tumulong sa mga nabiktima.

Mas makabubuti umanong pag-aralan ng pamahalaan kung paano matutulungan ang mga biktima kaysa sa mga pinaghihinalaang kriminal.

Hindi rin naman masisisi ang pulisya sapagkat sa pagkakaroon ng 100 milyong Filipino at higit lamang sa 100,000 pulis, mahirap malutas ang mga problema.

Ibinalita rin ni Ginoong Tan na walang impormasyon tungkol sa mga bagong biktima ng kidnapping sa nakalipas na ilang buwan.

"Satisfied naman kami sa pulisya," sabi pa ni Ginoong Tan Ching.

Magugunitang mayroong nag-amuck sa Cavite noong nakalipas na linggo na ikinasawi ng walo katao. Mayroon ding sagupaang naganap sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao na kinabibilangan ng tatlong pulis at tatlong militar.

Japan, nakikiisa sa mga Pilipinong nasalanta

NAGPAABOT ng pakikiramay si Japanese Foreign Minister Fomio Kishida sa mga nabiktima ng bagyong Pablo. Malaki umano ang pagpapahalaga ng kanyang bansa sa Pilipinas.

Sa kanyang pahayag na inilabas sa mga taga-media, sinabi ni Ginoong Kishida na nagbabago ang strategic environment sa Asia – Pasipiko at magiging aktibo ang Japan sa pagpapanatili ng katatagan at kaunlaran sa rehiyon. Mahalaga umanong mapalakas ang alyansa ng Japan at Estados Unidos at mapalalim ang pakikipagtutulungan sa mga kalapit bansa na umuunlad sa ilalim ng kalayaan, demokrasya at market economy. Isang strategic partner ang Pilipinas kaya't mahalagang magtulungan ang dalawang bansa.

Ang pagtutulungang ito ay mula sa ekonomiya, maritime cooperation, kapayapaan sa Mindanao at pagtugon sa mga trahedya.

Kalakal ang sandigan ng pagtutulungan ng Japan at Pilipinas. Tumataas ang foreign direct investment sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon at patuloy na lalago ang populasyon sa susunod na ilang dekada, may sapat na lakas ang Pilipinas na matamo ang economic growth.

Ang Japan ang pinakamalaking trade and investment partner ng Pilipinas samantalang mayroong magagaling ng mga manggagawa ang Pilipinas at may pangangailangan para sa mga gusali at mga pagawaing bayan. Na sa Japan naman ang teknolohiya at kinakailangang capital.

Nagpasalamat din si Minister Kishido sa pagtugon ng Pilipinas sa matinding pinsala ng lindol noong Marso 2011. Hindi lamang relief goods ang ipinadala ni Pangulong Aquino kungdi isang medical assistance team. Dumalaw pa rin si Pangulong Aquino sa Miyagi Prefecture. Patuloy na naglingkod ang mga caregiver candidates sa isang nursing home sa Shirakawa City sa Fukushima at hindi iniwanan ang kanilang inaalagaang matatanda sa disaster area, dagdag pa ni Ginoong Kishida.

Catarman, punong-abala sa paglulunsad ng "Alay-Kapwa 2013"

ALAY KAPWA ILULUNSAD SA CATARMAN.  Pamumunuan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo (na sa larawan) ang mga obispo at social action directors ng Kabisayaan sa paglulunsad ng Alay Kapwa 2013 sa Catarman, Samar.  Ito ang lenten evangelization program ng Catholic Bishops Conference of the Philippines

ANG Diocese ng Catarman ang magiging tanging pook sa paglulunsad ng "Alay-Kapwa 2013" na dadaluhan ng mga obispo at social action workers ng Kabisayaan. Ang "Alay Kapwa" ang siyang Lenten evangelization program ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Napili ang Catarman sa paglulunsad ng palatuntunan sa Kabisayaan sa ika-13 hanggang ika-15 ng Pebrero at may temang: "Challenges and Responses of Stewardship in the Year of the Faith."

Magkakaroon ng concelebrated Mass sa katedral ng Catarman kasunod ang Basic Orientation Seminar for Social Action Works para sa mga social action commssions.

Pamumunuan ni Bishop Broderick Pabillo ang mga sesyon. Siya rin ang chairman ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>