Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chinese Filipino Community, pinasalamatan ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2013-01-14 17:46:29       CRI

INANYAYAHAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Chinese-Filipino community na makibahagi ng kanilang mga pananaw upang malabanan ang kriminalidad na nagaganap sa bansa.

Naghahanap ang pamahalaan ng maayos, kapani-paniwala at maasahang solusyon sa mga suliranin sa kriminalidad. Higit umano niyang ipagpapasalamat ang magiging kontribusyon ng komunidad upang mapigil na ang kawalan ng paggalang sa batas.

Ito ang kanyang panawagan sa ika-20 anibersaryo ng Movement for the Restoration of Peace and Order sa Kaisa-Angelo King Heritage Center sa Intramuros, Maynila noong nakalipas na Sabado, ika12 ng Enero.

Napapanahong magtulungan ang pamahalaan at mga nasa pribadong sektor sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan, dagdag pa ni Pangulong Aquino. Malaki umanong hamon sa kanyang pamahalaan ang pagpigil sa mga kriminal at pagpapanatili ng mga komunidad na ligtas para sa madla. Malaki na rin umano ang nai-ambag ng mga Chinese – Filipinos sa mga proyekto ng pamahalaang sumusugpo sa krimen.

Kahit umano nabawasan ang pangkalahatang bilang ng krimen, ang krimen sa Metro Manila ay tumaas noong 2011 hanggang 2012. Nararapat lamang na kumilos ang pamahalaan upang masugpo ang krimen sa mga barangay. Ito rin ang naging dahilan sa pagsisimula ng mga debate tungkol sa pagdadala ng mga baril. Nakita ng pamahalaan na tumaas ang bilang ng mga insidenteng nag-ugat sa paggamit ng baril.

Ipinagtanong pa ng pangulo kung saan nagmumula ang mga krimeng naitala, kung sa mga lisensyadong may baril o sa mga kalaban ng batas. Mas napapanahong habulin ang mga kriminal at mga private armed groups upang maiwasan ang gun violence.

Kumikilos na ang Department of Interior and Local Government upang masamsam ang mga illegal firearms lalo pa't malapit na naman ang halalan sa buwan ng Mayo. May ginagawa na rin ang pulisya laban sa mga private armed groups.

Mga Kongresista, nanawagan sa mga kandidato

MAHALAGA ang kontribusyon ng mga kandidato sa pagpapatupad ng gun ban. Ito ang pahayag ng mga pinuno ng Mababang Kapulungan (House of Representatives) sa pagsisimula ng gun ban kahapon. Aabot sa 150 araw ang gun ban.

Ayon kay Deputy Speaker at Zamboanga City Congresswoman Ma. Isabelle Climaco, ang publiko at mga kandidato ay may mahahalagang papel na nararapat gampanan. Nararapat lamang na sumunod ang mga kandidato sa itinatadhanang kautusan ng Commission on Elections samantalang ang publiko naman ay maaaring magsuplong sa kinauukulan tungkol sa sinumang lalabag sa batas.

Sinabi naman ni Congressman Roger Mercado ng Southern Leyte na ang mabisang pagpapatupad ng gun ban ay mahalaga upang maging tapat, maayos, payapa at kapani-paniwala ang gaganaping halalan.

Suspendido na ang permits to carry firearms outside residence sa loob ng election period na magtatapos sa ika-12 ng Hunyo. Ang sinumang madadakip na may dalang sandata ng walang anumang permiso ay mahaharap sa election offense ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Salaping mula sa ilegal na sugal, gagamitin sa halalan

PATULOY na nananagana ang mga taong nasa likod ng jueteng sapagkat hindi naman seryoso ang pamahalaang mapahinto ang illegal na gawaing ito.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz, ang jueteng ay hindi magpapatuloy sa pananalasa kung seryoso ang pamahalaan ni Pangulong Aquino sa kampanya laban dito.

Ayon sa arsobispo, ilang taon na silang lumaban sa jueteng at iba pang illegal na sugal kaya nga lamang ay walang ginagawa ang pamahalaan upang masugpo ito. Hindi rin mananagana ang mga nasa likod ng sindikato kungwalang proteksyon mula sa pulisya at mga opisyal ng pamahalaan. Lalo umanong sisidhi ang illegal na sugal sapagkat nalalapit na ang halalan. Maraming kandidato ang suportado ng mga may pasugal upang magpatuloy ang kanilang hanapbuhay. Ang salaping malilikom ay matutungo sa pangampanya ng mga kandidato, dagdag pa ng arsobispo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>